NATHAN'S POV
Tsk! Nakakainis naman 'tong Layne na'to! Nasa tabi niya lang ako tapos hindi niya ako pinapansin?! Seryoso?! Ako yung BOYPREN ah!
"Layne.." tawag ko sakaniya pero hindi pa'rin siya lumingon saakin!
Sabagay! Hangin lang pala ako kapag kasama niya yang Brandon na'yan! Aalis na nga lang ako at maglalakad-lakad.. Atleast may ginagawa ako.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Erika na nakaupo sa gilid ng pool at tinabihan ko naman siya.
"Bakit hindi mo ba ako gusto?" tanong niya, Siguro naramdaman niya na tumabi ako sakaniya.
"I mean, ginawa ko naman lahat para lang magustuhan mo.. Pero bakit iba yung nagustuhan mo?" tanong niya ulet saakin at nilingon niya naman ako.
"Beacuse i'm not meant for you, may tamang lalaki na para sayo" sagot ko naman sakaniya at nilingon din siya.
"Ibahin na'tin ang tadhana! Nathan.. Mahal na mahal kita kaya please love me back" sabi niya at may luha na sa mga mata niya.
"I'm sorry but.. I love Layne, Erika. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan na'tin Erika. So please, ignore that feelings of your's" sabi ko sakaniya at tumulo naman ang luha niya.
"I know you will never love me back.. So let me do this" sabi niya at nagulat naman ako sa susunod niyang ginawa!
She kissed me! But i didn't kiss her back! Agad ko naman din siyang tinulak at nahulog siya sa pool! Agad naman akong pumunta sa kwarto at nakita kong wala na ang gamit ni Layne...
LUNA'S POV
Biglang umalis si Natnat nong hindi ko siya pinansin, siguro nagtampo lang kaya sinundan ko siya.
May binubulong siya pero hindi ko marinig kaya binalewala ko na nalang din, nakita ko naman na huminto siya nang makita niya si Erika na nakaupos sa gilid ng pool at nag-usap sila. Malayo din kasi ang tinataguan ko kaya hindi ko sila masyadong narinig.
Pero hindi ko naman inaasahan na hahalikan pala ni Erika si Nathan! Tumulo ang luha ko at tumakbo ako papalayo sakanila, dali-dali akong bumalik sa Kwarto at dali-dali din nilipigpit ang mga gamit ko, hindi na ako nagpaalam at umalis na sa resort.
Ang sakit! Pangalawa na'to! Bakit ba ang gwapo ng baklang 'yun?! Talaga bang nauubos na ang mga lalaking gwapo ngayong panahon na'to?!
Kinuha ko ang gamit ko kila-Nathan at umalis na dun pagkatapos. Nagpagala gala lang ako sa daan at marami din akong dalang bag, at sa paglalakad ko ay umiiyak ako.
Pangalawa na kasi to eh... Ang sakit sakit! Bakit kasi maraming babae ang patay na patay sa Nathan na'yun! Sana pumangit nalang yun para maging akin na talaga siya!
Oo, obsess ako kay Nathan. At ayaw ko siyang mawala, pero nasaktan niya ako eh, kaya ako nalang kusang lalayo kahit masakit.
Sa paglalakad ko ay may biglang huminto sa harapan ko na sasakyan, bumaba ang salamin nito at nakita ko ang kaibigan ko nong high school!
"Luna? What are you doing in the streets?! Pinalayas ka ba ng hampaslupang bakla na boyfriend mo?!" sigaw nito at umaling naman ako "Pumasok ka sa sasakyan, mag-uusap tayo" sabi nito at pumasok naman ako sa sasakyan niya.
Tahimik lang kami habang nagbabiyahe, huminto kasi sa isang malaking mansiyon at may guard na bumukas ng gate.
Pagpasok namin duon ay maraming maid ang bumati sakaniya, pinaupo niya ako sa sofa niya at hinarap ako.
"So? Kamusta na kayo ng Jacob na'yun?" tanong niya.
"Wala na kami" sagot naman niya at tumango-tango.
"Good" sabi niya "Bakit nasa kalsada ka? At dala dala mo pa ang mga damit mo?" tanong nito at tumingin naman ako sa sahig, nagbabadiya na kasi ang luha ko na tumulo.
"K-kasi... May naging bagong boyfriend ako at nakita ko siyang may kahalikan na iba" sabi ko na ikinagulat niya!
"Aba! Sino yang lalaking yan at papatayin ko!" sigaw niya.
"S-si Nathan Ace Santiago" sagot ko naman at bigla naman siya tumahimik.
"Sinasabi mo ba na ikaw ang fiance ng pinakamayaman na Business man sa buong bansa?!" tanong niya saakin, hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko naman fiance si Nathan, hindi pa nga siya nagpro-propose sakin eh..
"Akala ko ba bakla yun?" sabi niya.
"Noon bakla siya.. Pero ang sabi niya nagbago nadaw siya ng dahil saakin" sagot ko naman.
"Well.. Yung sinabi ko na papatayin ko siya, binabawi ko na'yun.. Isa lang akong writer at isa siyang Billioner! Wala akong laban sakaniya!" sabi nito at tumawa pa.
Let me introduce you to my friend. MERYL DAYCON. She was my friend in high school, siya ang always ko kasama kumain, gumala, at mag study. Ang pangarap niya noon ay maging isang sikat na writer. At ngayon, natupad niya naman.
*RINGGGGGGGGGG!!*
"Tumatawag si Janella sasagotin ko muna" sabi niya at pumunta sa kusina.
"Napatawag ka?... Yung medyas mo?.. Hindi ko alam kong saan!... Nandito nga pala si Luna... Oo!... Sige! Bilisan mo!" at binaba niya na ang telepono.
Syempre naririnig ko si Meryl dahil ang lakas ng buses niya pramis!
Mga ilang minuto pa ay dumating na si Janella. So papakilala ko naman kayo sa kaibigan ko na si Janella.
JANELLA HERBIE POLOYAPOY. Came from a family of doctors, nagmamay-ari siya ng isang restaurant, well... Isang sikat na restaurant sa buong asya at pilipinas! May brace sa ngipin at morena. Maganda pero boyish, pero wag kayo! Famous to!
"Hala! Kala ko nagbibiro lang tong si Meryl! Totoo pala?!" sabi ni Janella at hinawak-hawakan pa ang mukha ko.
"Hoy! Tama na'yan! Baka ma troma!" saway naman ni Meryl kay Janella.
"Kong maka-troma naman 'to kala mo naman di nananakot ng bata" sabi ni Janella at umirap.
"Umupo ka na lang nga! Iniinis mo ako eh!" sabi nito.
Sinabi ni Meryl ang kinuwento ko sakaniya at na-shock naman si Janella! Sabi niya bet ko daw ang mga bakla, hindi ko alam? Pero sa tingin ko kasi ang caring nila.. Pero ibang iba si Nathan.. Binago niya ako at nabago ko din siya.. Pero di ko naman akalain na siya din pala ang sisira saakin.
*************************
Special mention ko lang 'to💖 thanks for supporting💕
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla (Complete)
RomanceNainlove siya sa isang bakla na hindi niya naman nabago? Kaso trip niya talaga bakla eh kaya nakabingwit nanaman ng hot na bakla.