NATHAN'S POV
Biglang tumakbo si Layne at binuka ang dalawa niyang kamay para yakapin ako. Siguro na miss niya lang ako kaya gusto niya akong yakapin hehe ang sweet niya talaga.
Pero mga humans wa'g tayong maging assuming minsan no? Hindi porket ikaw yung BOYPREN ikaw na yung yayakapin diba?
Niyakap niya si Brandon! Taina! Hihiwalayan na ata ako ni Layne!
"Assuming mo bro" natatawang sabi ni Dave at sinamaan ko naman siya ng tingin bago tumingin sa dalawang nagtatawanan.
Hindi ko alam pero nagseselos ako sakanilang dalawa, syempre normal lang na maramdaman ko 'yun dahil boyfriend naman ako ni Layne at may rights ako para magselos.
Tinawag na kami ni aling Reta para kumain at sila namang dalawa ay tawa parin ng tawa habang naglalakad patungo sa dining area.
'Naiinis na ako ah!'
Hindi ko mapigilan na tumingin ng masama sakanilang dalawa. Nag-seselos na talaga ako! Ayaw kong mapalapit si Layne kay Nathan.
"So! Layne, pano kayo nagkakilala ni Brandon?" tanong ni Dave kaya naman napatingin ako sakanilang dalawa.
"Oo nga? Pano kayo nagkakilala at parang close na close na kayo sa isa't isa?" tanong ko din at masamang tumingin kay Brandon.
"Magka-klase kami ni Brandon noong collage. Naging girlfriend niya kasi yung kaibigan ko noon kaya naging close kami" nakangiting sagot ni Layne.
"Hindi ka lang ba nagalit nong iniwan ni Brandon ang kaibigan mo noon" nagtataka ko ulit na tanong.
"Hindi naman si Brandon ang nakipaghiwalay--teka? Ba't niyo ba ako tinatanong?" nagtataka din na sabi ni Layne.
"Walang lang, corious lang ako" sagot ko naman at sumubo.
"Hey guys! Dahil 2 weeks pa naman ako dito sa pilipinas baka gusto niyo munang gumala sa resort ng pamilya ko dito sa pilipinas?" sabi ni Brandon kaya naman napatingin ako sakaniya.
"Game ako diyan bro!" sabi ni Dave at nakipag apir naman si Brandon sakaniya.
"Ako din!" sabi din ni Layne kaya naman nagulat ako! "Ikaw Nathan? Sasama ka?" tanong ni Layne.
"I don't know... "
"Sige na Nathan! Sumama ka naaaa! Pleaseeee!" pagmamakaawa ni Layne at nag puppy eyes! At dahil wala na din akong ibang choice, edi pumayag nalang ako.
Ayaw ko din naman na mag isa lang si Layne duon kasama ang Brandon na'yan. Sabihin na nating nagiging masama na akong kaibigan sakaniya, dahil kilala ko siya. Isa siyang woman magnet! At ayaw kong sapilitan niyang kunin ang mahal ko!
K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N
Maagang nagising si Layne, siya pa nga ang pumukaw saakin. Excited na excited na talaga siya.
Nagligpit na siya ng mga gamit at ako naman ay nakatingin lang sakaniya, gusto niya kasi na siya na ang magligpit ng gamit ko, sa una ayaw ko pero nagpumilit siya kaya pumayag nalang ako.
"Bakit mo ba gusto makasama si Brandon na'yun?" tanong ko sakaniya.
"Nakakamiss din kasi yung gunggong na'yun. Syempre, matagal na kaming hindi nagkikita dahil hindi din siya nakakasali sa mag reunion namin dahil nasa Brooklyn siya" sagot naman ni Layne.
"Nagkagusto ka ba kay Brandon noon Layne?" diretso kong tanong kaya naman napatigil sa siya pagliligpit.
"Well... Oo, nagka-gusto ako sakaniya noon kaso lang may girlfriend siya noon kaya hindi ko na tinuloy ang feelings ko" sagot niya naman kaya naman nalungkot ako sa sagot niya.
Siguro hanggang ngayon ay may gusto parin siya kay Brandon, may chance pa si Brandon na agawin si Layne sa aakin...
"Pero wa'g kang mag alala Natnat, he may be my past crush but your my Present Lover and my future husband" sabi naman ni Layne at nag blush naman ako! Bigla din niyang pinisil ang pisngi ko "Kyut!"
Pagkatapos niyang magligpit ay agad din kaming sumakay sa Black Van na pagmamay-ari ni Dave. Syempre katabi ko si Layne at pinagilid ko talaga siya, kaya ang pusesiyon namin ngayon.
Katabi ko si Brandon at sa kabila ko naman si Layne. Diba? Hindi na masama? Ayaw ko din naman sila na magkatabi.. Baka mapatay ko tong lalaking 'to. Kong tinatanong niyo kong asan nakaupo si Dave ay nasa harapan siya katabi ang driver, sayang saya nga siya eh.
Nang makarating na kami sa Brickster resort ay agad tumakbo si Layne sa swimming pool, iniwan niya sa harapan ko ang mga gamit namin.
"Hoy Layne! Umahon ka muna diyan!" sigaw ko sakaniya pero benilatan niya lang ako!
"Aahun ka o lulunurin kita?!" sigaw ko at nag-pout naman siya.
'Kyut!'
"Ito na! Aahun na!" sagot niya naman at umahon na.
"Aish! Tingnan mo nalang! Basang basa ka na! Hindi ka papapasukin ng guard kong basa ka! Diyan ka talaga matutulog sa labas" pananakot ko sakaniya at gumana naman.
"Yahhhhhh!! Huhuhuhu!! Papasukin ako ng guard kasi kyut ako!!" sigaw niya saakin na parang bata at natawa naman ako.
"Ang ganda naman dito dre! Sino ba nagha-handle ng resort niyo ngayon?" tanong ni Dave kaya naman napatingin ako kay Brandon.
"Si Erika. Actually nandito nga siya ngayon eh" sagot naman ni Brandon, kaya naman napalunok ako.
ERIKA BRICKSTER. Ang nakababatang kapatid ni Brandon at ang babaeng dead na dead saakin. Noon ay hindi niya ako tinitigilan, pumunta man ako ng france ay sinusundan niya ako, mapa malaysia man o mapa-korea ay nanduon siya para sundan ako! Kaya natatakot ako sa babaeng yun! Masyadong adik saakin!
"Oh? Ba't ka namumutla Nat?" tanong ni Layne kaya naman napatingin ako sakaniya.
"Naku, Layne! Takot kasi siya kay Erika!" sabi naman ni Dave kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Huh? Bakit naman?" tanong niya ulit.
"Eh kasi! Nagkagusto yung Erika na'yun kay Nathan! Sinusundan si Nathan kahit saan! Palibhasa'y mayaman!" sagot naman ni Layne.
"Ahhhh.. Ganon ba? Pero hindi niya ba naging fiance o ano man diyan?" tanong ulit ni Layne.
"Naku! Wala naman silang naging relasyon! Ayaw nga ni Nathan sakaniya eh, at aware naman ni Brandon diyan kaya pinipigilan niya ang kapatid niya" sagot ni Dave sa tanong ni Layne, tumango naman si Layne at pumasok na kami sa kwarto namin.
Pero hindi namin inaasahan na makakasalubong pala namin ni Erika!
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla (Complete)
RomansaNainlove siya sa isang bakla na hindi niya naman nabago? Kaso trip niya talaga bakla eh kaya nakabingwit nanaman ng hot na bakla.