Chapter 80
Orhile's Pov:
Agad naming ipinunta si phile sa kanyang silid at inihiga ito.
Namamawis ang kanyang noo at mabilis ang paghinga niya.Hinawakan ko naman ang noo niyat pinakiramdaman ko ito.
Mainit siya,mukhang magkakapakpak na siya ng mas maaga pa sa inaasahan ko.
Dapat itinuro ko na sa kanya ang tamang pagpapalabas ng pakpak niya noon bago pa kami umuwi rito.
Masama ito mas masakit pa ang mararanasan niya kaysa kay drix.
Hindi naman kaya..
Pinaalis ko na muna ang dalawang binata at umupo na sa tabi ni phile.Dahan dahan ko namang inangat ang ulo at leeg niya.
Tinignan ko naman ang batok niyat may maitim at puti itong marka ng pakpak.
Parang yinyang..Napakunot naman ang noo ko ng mapansing isang simbolo ito ng kasamaan at kabutihan.
Teka nalimutan ko na ang tungkol sa libro.Tsk
Agad ko namang binigkas ang mga mahika upang maibsan kunti ang paghihirap ni phile.
Upang bumaba rin ang lagnat nito.Maya maya pay lumabas nako at kita ko namang nakatayo ang dalawang binata sa harapan ng pinto.
"Kamusta na po siya"sabay naman na ani nilang dalawa.
"Hindi pa siya masyadong maayos kailangan niyang magpahinga"
"ganon po ba?"-aris
Tumango naman ako bilang sagot.
"Drix?ang libro kailangan nating humanap ng lunas para mawala ang panunugo ng katawan ni phile kapag nagsimula na itong magkapakpak kailangan nadin natin ang libro upang malaman kung sino k---"
Hindi niya nako pinatapos ng magsalita itong nahanap na niya ang libro.
"Saan mo ito nahanap?"pagtatakang sambit ko naman sa kanya
"Silid aklatan ng palasyo"-drix
"Hindi mo ba nakita si devorah?"
"Hindi naman walang tao roon ng akoy pumunta"-drix
"Hmmm,hindi pa gising ang dalawanng admeral at ngayon naman ang natitirang dalawa pang admeral ay nagbabantay ngayon sa palasyo at si phile naman kailangan na nating mahanap ang libro"
"Kung ganon andito din pala ang devorahng sinasambit niyo?"-drix
"Oo,sapagkat bumibisita siya rito kung minsan at kanya ang aklatan ng palasyong ito at siya lang ang my hawak ng librong binanggit mo"
"Weird..walang taong naroon ng pumunta ako"-drix
"Malamang ay lumabas ito at di ka niya naabutan ng itoy bumalik"
"Siguro"-drix
"Kung ganon isa kang blazilians?"-aris
"Oo ngunit iba siya sa kanila aris huwag kang magalala"
Tumango lamang ito.Ramdam ko rin ang tension sa kanilang dalawa.Hayss mga pumapagibig pero wag muna ngayon.
"Sundan niyokong dalawa"ani ko naman atsaka na naglakad papuntang silid aklatan.
Maya maya pay nakarating na kami at binuksan ko ang malaking pintuan at tumambad saamin ang maraming aklat.
Bigla ko namang naalala ang aking asawa..
Tsk ang drivulos na iyonNapatiklop naman ako ng kamao ko at nagpatuloy na sa paglakad papuntang loob.
Malamig rito at tamang tama lang ang simoy ng hangin.
"Devorah!?"ani ko naman ngunit walang sumagot
Inulit ko ulit itong tawagin ng biglang..
BINABASA MO ANG
My Demon Brother
Fantasia𝑴𝒚 𝑫𝒆𝒎𝒐𝒏 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 🦋Plagiarism is a Crime❤🦋 🥀Prolouge🥀 "𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐠𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐈𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨" "𝐇𝐦𝐦𝐦"𝐍𝐚𝐚𝐥𝐢𝐦𝐩𝐮𝐧𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢...