Chapter 100
Aris Pov:
Gumising ako ng alas singko ng gabi kayat napagpasyahan ko munang maglakad lakad sa pasilyo ng palasyo.
Nagmanman ako sa paligid at kitang may isang kwartong kulay berde ang nagpakita sakin sa di kalayuan lang ng kwarto ng mga libro.
Lumapit naman ako rito at pinihit ang pintuan.Tumambad sakin ang dalwang kama at may nakatulog na dalawang babae.
Lumapit naman ako rito at napatahimik ngunit napahalakhak din ako ng tahimik.
"Kung ganon nabuhay pa pala kayo?"mahina ko namang sabi.
Tinignan ko ang mga mata nila ng bigla itong nagbukas.
Bago pa nagbukas ang mga mata nila'y nagpalit ako ng katauhan.
"Echenteo"ani ko naman at nagbalik ang dating porma ko.
Napaupo naman silang dalawa at tila natauhan sa kung anong nangyayare.
Pfft inalis ko lang naman ang spell kung saan ginawa silang paralisado.
"Alos...."-ani naman ng babaeng nakalaban ko na una.
"maicah!magiingat ka!"-sigaw naman ng babaeng katabi niya lang.
Kung ganon maicah pala ang pangalan niya,At dahil sa wala silang sandata di ko na sila papalampasin.
"Reque!"-ani naman ng babaeng katabi ni maicah at lumabas ang espada nito at nagliyab ang mga gilid niya.
"Hahahaha,suerogai mahugno!"-ani ko naman at biglang nahimatay si maicah.
"Anong ginawa mo sa kanya!?"
"Kinuha ko ang buhay niya"
"Magbabayad ka!!"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagliwanag ang mga mata nito at lumutang ito sa ere.
Maya maya pay rinig ko ang mga yabag ng mga paa na papunta sa pinaroroonan namin.
"Vertuex"-sambit ko naman at nagbukas ang tarangkahan papunta sa likod ng palasyo ng mga whelirians.
Lumoob nako rito at lumabas sa hardin.Nagpalit nadin ako ng anyo at naglakad pabalik ng palasyo.
"Anong nangyayari?"-pakunware ko namang sabi kay Ayana na nakaupo sa sofa kasama sina drix at phile na mukhang natataranta sa kung anong nangyayare.
Ang mga kawal din ng palasyo ay nagsisitakbuhan sa ibat ibang direksyon ng pasilyo.
"Maglibot kayo!hanapin niyo kung sino ang gumawa nito!"-Ani naman ng admmeral na si Agnes.
Nakiupo narin ako sa tabi nina ayana.
"Nakapasok ang isa sa kanila"-Phile
"sino?"-kunot noo ko namang tanong.
"Isa sa prinsipe ng mga blazilians"-Drix
"Hmmmm ano namang pakay ng prinsipe ng blazilians rito?"
"Ang isa sa mga admeral inalisan niya ng buhay"-seryoso namang sabi ni phile at naglakad ito palayo palabas ng palasyo.
"Hmmmm.."-Ayana
Napabuntong hininga nalang ako para di nila mapansing ako ang tinutukoy nila.
"Kailangan na nating kumilos"ani ko naman sa kanila.
"Tama ka"-sagot naman ng kararating lang na si ellebhael at kasama niya ang kamahalan ng mga whelirians.
Hanggang kailan kayo maglilihim kay Phile mga walang kwentang kalaban.
"Drix nasaan si Phile?"-Orhile
"Lumabas mahal na kamahalan"-Drix
Napahilot nalang ito sa kanyang sintido at lumabas din ng palasyo.
"Hahanapin ko siya"-Orhile
"Susunod ako"-Drix
"Wag na kailangan niyong magbantay dito drix"-Ani ni Orhile at lumutang ito sa ere at lumabas na patungo kung saan.
Ang ginawa nalamang naming tatlong naiwan ay sundin ang sinabi ng admeral na si ellebhael.
Maganda din naman ito ngunit di ko gusto mas gusto ko si Phile.
Napangiti nalang ako kita ko sa mga mata niya kanina ang galit at pagkainis,sa tingin ko kung hindi lamang ako nagsaliksik kung sino talaga si phile malamang ay baka pinatay ko na ito ng mas maaga pa.
Isa pala talaga siya sa mga tinuring na Dharmi kung saan ang puso niyay umaayon sa kasamaan at kabutihan.
Ibig sabihin lang non maari siyang maging blazilians kung makukuha ko ang loob nito.
At syempre dahil sa may alas akong tinatago alam kung gumagawa kana din ng plano sa ngayon Ayana.
Tumingin naman ako kay ayana na ngayon ay may iniisip na malalim.
BINABASA MO ANG
My Demon Brother
Fantasia𝑴𝒚 𝑫𝒆𝒎𝒐𝒏 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 🦋Plagiarism is a Crime❤🦋 🥀Prolouge🥀 "𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐠𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐈𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨" "𝐇𝐦𝐦𝐦"𝐍𝐚𝐚𝐥𝐢𝐦𝐩𝐮𝐧𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢...