Chapter 104(Observing)

336 9 4
                                    

Chapter 104

Drivulos Pov:

Hindi ako masyadong gumagalaw sapagkat inoobserbahan ko muna ang stratehiya ng dalawang babaeng kaharap ko ngayon.

At ng makuha ko na ang mga galaw nila'y sinamantala ko na ang pagkakataon upang silay kalabanin.

Mas mabuti naring obserbahan ang kalaban para ito'y malaman kung ano ang mga galaw nila at makuha mo kung anong mga stratehiya sa pakikipaglaban ang ginagamit nila.

"Isang malaking pagkakamali ang pag-pasok niyo rito"-Seryosong ani ko naman ng mapuruhan ko ang isa sa kanila.

"Nagkakamali ka,hindi sila nagkamali dahil andito sila para tapusin ka!"-Sigaw naman ni Rile na ngayon ay naging dilaw ang mata at nilapnos ang mga posas sa kanyang kamay.

Napangiti naman ako.Mabilis naman itong pumunta sakin at itinusok ang kutsilyo sa bandang puso ko ngunit naputol lamang ito.

Kita sa mga mata niya ang pagkagulat kayat sinampal ko naman ito dahilan upang maibato siya sa ulit kama.

"Ikaaawww!!..."-Gigil namang ani ni Tricia at nagpakawala ng mga bumubulang tubig at ibinato ito sa akin.

Umilag naman ako ngunit sadyang mabilis ang pagkakabato nito sakin at nalapnos ang balat ko.

Sumeryoso naman ako ng mukha at tinignan sila sa harapan ko ngunit wala na.Lumingon narin ako sa paligid at sa kama ng makitang wala na rin si Rile.

Kumunot naman ang noo ko at nagpakawala ng malakas na sigaw.

"Magbabayad kayo!!!"

Maya maya pay bumaba narin ako sa ere at lumabas na sa ginawa kong lugar.

Bumalik ang dati sa kwarto at lumabas nadin ako sa pintu ng biglang may magsalita sa gilid ng pintuan.

"Pinatakas mo sila"-Alos

"Kung ganon nakita mo na pala ang lahat"

Tumango naman ito at walang emosyong umalis at naglakad palayo.

Ngunit bago pa siya maglaho sa dilim ay mula sa pinakadulo ng pasilyo ng palasyo ay may sinambit ito na kataga na nakapagpasaya sa akin.

"Hawak ko na siya"-Alos

Ngumisi naman ako atsaka na nagdamit.

Dumeritso naman ako sa aking trono at nagpatawag ng pagpupulong.

"Mga alagad maghanda na kayo sa mga susunod na paglusob"

"Masusunod!"-Sigaw naman nilang lahat.Halos libo libong alagad ko narin ang mga narito kayat ginanahan ako ng husto.

"Maghanda kana Orhile na sa amin na ang iyong alas,ngayon sino na sa atin ang mas malakas?"

Humalakhak naman ako at ang mga alagad ko'y nagsibukahan ng mga pakpak at lumipad sa ere.

"Ako na ang bahala kay phile"-Sambit naman ng kararating lang na si Alos.

"Kung ganon gawin mo na ang nararapat at ng makapagsimula na tayo"

"Masusunod"-Alos

Humalakhak nalang ulit ako at nagpaubaya sa ritmo ng musika na pinatugtog ng aking mga alagad.

Musika ng nalalapit na pagkawasak at mga dugong magtatalsikan sa nalalapit na labanan.

Maghanda kana Orhile sa susunod ay uubusin ko na ang lahat ng lahi niyo at gagawin kung alagad ang iyong mga apo.

Tumayo nadin ako kalaunan at pumunta sa aking kwarto.

Dinampot ko naman ang telang naiwan ni Rile at inamoy ito.

"Hmmmm,napakabango mapapasakin ka rin huwag kang mag-alala Rile"

Humiga nadin ako sa aking kama kung saan gawa sa mga balat ng tao na pinatay ko.

Ughhh napakasarap sa pakiramdam.

🦋AN:;

:;Please vote for the next chapters^ ^
Votes are highly appreciated,let's make this story alive!❤TYSM.

My Demon BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon