Chapter Two

1.2K 45 2
                                    


“I’M SORRY, Dondie. Mas mabuti kung magiging magkaibigan na lang tayo,” sabi ni Frances sa kausap sa telepono. Isa sa kanyang mga manliligaw si Dondie. Tinawagan siya nito at niyayang lumabas pero tinanggihan niya dahil wala naman siyang interes sa lalaki. 
Ilang sandali pa ay tinapos na niya ang pakikipag – usap kay Dondie. Pumihit siya para ipatong sa mesa sa teresa ang hawak na cordless phone pero muntik na siyang mapatalon sa pagkagulat nang marinig ang boses ni Justin.
“Binasted mo 'yong lalaki sa telepono?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.
“Kanina ka pa ba diyan? Bakit nanggugulat ka?” Hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang binata.
“Hindi mo lang narinig, pinapasok na ako ni Tasya,” tukoy nito sa kasambahay nila. “Nambasted ka talaga sa telepono?” muling tanong nito.
“Uhm… parang gano'n na nga.”
“Masakit mabasted, Frances.”
“Own experience?” pagbibiro niya.
Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Justin bago sumagot. “Yeah, hindi mo gusto 'yong lalaki?”
“Dondie is nice but we’re not in the same league. Hindi ko rin siya gusto.”
“We’re on the same league, gusto mo ba ako?” biglang tanong nito na titig na titig sa kanya.
Hindi nakapagsalita si Frances sa narinig. Biglang rin siyang na - conscious sa paraan ng pagtitig ni Justin sa kanya pero hindi naman niya maiiwas ang tingin. There was something in the way he looked at her, as if he liked her and she was the most beautiful girl in the world.
Gumawa ng isang hakbang si Justin palapit sa kanya, at isa pa. Pero bigla siyang nilagpasan nito at nag – iwas ng tingin. Biglang nawala ang parang magic bumalot sa kanila dahil sa ginawa ng binata. Humarap ito sa mga nakapasong wild species of roses na nakapatong sa pasimano ng teresa. Bigay nito ang mga bulaklak noong eighteenth birthday niya bukod pa sa kuwintas na may birthstone kaya mahal na mahal niya ang mga iyon.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Justin habang nakahawak sa isang rosebud sa harap nito. 
“N - Nagti – trim lang.” Bahagyang  ipinilig ni Frances ang ulo dahil ramdam pa rin niya ang epekto ng pagkakatitig ni Justin sa kanya kanina. Lumapit siya sa tabi nito para ipinagpatuloy ang ginagawang pagti – trim sa mga alagang  bulaklak na natigil nang tumawag si Dondie sa kanya kanina.
“Nasa bahay ang mga kapatid mo, bakit hindi ka sumama?” tanong pa nito.
“Tinanghali ako ng gising, eh,” pagdadahilan ni Frances kahit ang totoo ay gusto lang niyang iwasan ang binata. Ang bahay ni Justin ang opisyal na tambayan ng barkada nila dahil doon din madalas na nagkikita – kita ang kanilang mga  magulang noong mga bata pa sila. “Ikaw, bakit nagpunta ka pa rito?” tanong niya.
“Busy kasi silang lahat sa bahay kaya naghahanap akong ibang mayayaya sa mall. Hmm… may iba ka pa bang gagawin? Puwede mo ba akong samahang mag - shopping? I’m sure hindi ko na masisingit ‘yon sa schedule ko pagbalik ko sa Portland. At hindi rin ako magaling pumili ng mga damit na babagay sa akin.”
Napatingin siya sa binata, nagtataka kung bakit siya ang niyayaya nito at hindi ang ate niya.
“Pero okay lang kung hindi ka puwede,” biglang bawing sabi nito.
“Bakit hindi ang ate ko ang niyayaya mo?” Nagawa niyang itanong ang nasa isip.
“Bakit hindi ikaw?” balik - tanong ni Justin. “Magkaibigan naman tayo, ‘di ba?”
“Oo.”
“So, pwede mo ba akong samahan?” muling tanong ng binata.
Sandali lang siyang nag – isip bago sumagot. “Oo. Sandali, magbibihis lang ako.”
“All right. Take your time,” nasisiyahang sabi nito.

HINDI napigilang kiligin ni Frances nang hawakan ni Justin ang kanyang kamay pagpasok pa lang nila sa loob ng mall. Sa pagtataka niya ay sa floor ng mga sinehan siya dinala ng binata.
“Akala ko ba magsha–shopping tayo?” nagtatakang tanong ni Frances nang malapit na sila sa ticket booth.
“Manood muna tayo. Showing na ang new movie ni Nathalie Portman. Favorite actress mo s’ya, ‘di ba?”
“Oo. Hindi ko pa nga napapanood,” napapangiting sabi niya. Hindi niya akalain na maaalala nito ang kanyang favorite actress.  Naalala niyang nasabi niya iyon  sa isa sa binata sa isa sa mga pag – uusap nila sa Skype.
“Manood na tayo ngayon, baka may iba pang magyaya sa 'yo ng date at yayain mo pang manood ng movie. Tayo na lang ang manood,” sabi pa nito na ikinataas ng kanyang kilay.
Iniwan si Frances ni Justin para  bumili ng tickets at snacks nila. Saka pa lang niya naalalang mag-text sa kanyang ina na kasama niya ang binata at baka gabi na sila makakauwi. Wala ang parents niya kanina nang umalis sila sa bahay. Nag – golf ang mga ito kasama ng mga magulang ni Troy. Nag–okay lang ang mommy niya at sinabing mag–enjoy sila. Hindi mahigpit ang parents ni Frances sa kanilang magkakapatid pero importanteng sabihin pa rin nila sa mga ito kung nasaan sila at kung sino ang kanilang kasama.
Tahimik lang sila habang nanood ng movie. Pero kahit na naka - focus ang tingin ni Frances sa pinapanood, aware siya sa maya’t–mayang pagsulyap ni Justin sa kanya.
“Ashton Kutcher is so hot,” napabuntong-hininga niyang sabi habang nakatingin pa rin sa screen. Favorite holywood actor niya ang naturang aktor.
“Uh – oh,” sabi nito na ibinalik ang tingin sa screen.
Nilingon niya si Justin. “You’re not a fan of romantic movies.” 
Muli siyang nilingon ng binata
bago sumagot. “Hindi na mahalaga 'yon. Basta masaya ka, masaya na rin ako,” sabi nito sabay akbay sa kanya.
Nalilito man sa mga sinasabi at ikinikilos ni Justin ay pinagbigyan ni Frances ang sarili na ihilig ang ulo sa balikat nito. Hindi niya akalain na darating ang araw na makakasama niya ang binata sa manood ng movie na hindi kasama ang mga kapatid at mga kaibigan nila kaya masayang – masaya siya. Pero bigla ring naglaho ang kaligayahang nadarama nang maalalang noong nakaraang araw lang ay nakipag-date ito uli sa ate niya. Nangako rin siya sa sarili na lalayo na sa binata pero bakit  kasama pa niya ito ngayon?
Nang akbayan siya ni Justin ay isiniksik pa niya ang sarili rito. Maari naman niyang simulan ang pag–iwas  simula bukas. Sa ngayon ay gusto muna niyang i–enjoy ang pagkakataon na masolo ito.
Sa branch ng Amelia’s Seafood and Restaurant, na pag–aari ng pamilya ni Justin na nasa loob ng mall, sila nag-late lunch. The Narvantez family was engaged in hotel, resort, bar and restaurant business that spread in the country and some parts of Washington State in America. Tulad ni Frances ay doktor din ang Mommy Jean ng binata na kasamahan ng mommy niya at Uncle Francis niya sa St. Francis General Hospital. Hindi pa man ganap na doktor si Justin ay may job offer na kaagad ang binata sa ospital oras na magdesisyon itong manatili sa Pilipinas.
Habang magana silang kumakain, napansin ni Frances ang mga panakaw na sulyap kay Justin ng mga babae sa kalapit nilang mesa. Hindi niya masisisi ang mga ito, super guwapo naman talaga at masarap titigan ang kanyang kasama. Pero hindi pa rin niya mapigilang hindi maiinis sa mga babae. Mabuti na lang at hindi pinapansin ni Justin ang mga ito.
Biglang nag–ring ang cell phone na nasa loob ng kanyang bag. Kinuha niya iyon at sinagot nang makitang si Troy ang caller.
“Troy,” sabi niya matapos mag – excuse kay Justin.
“Nag–date raw kayo ni Justin?”” nang–iintrigang tanong kaagad nito sa kabilang linya.
“Shut up!” bulalas niya. “Sino’ng nagsabi sa 'yo?”
“Mommy mo, tumawag ako sa inyo. Anyway, I just wanna say goodluck!” sabi ni Troy at sinundan pa ng malakas na tawa bago nawala sa kabilang linya.     
Napapailing na ibinalik ni Frances sa bag ang kanyang cell phone. Sira–ulo talaga ang best friend niya. Hangad nito ang happiness niya pero magaling din itong asarin siya. “Si Troy 'yon,” sabi niya nang makitang nakatingin si Justin sa kanya.
“Single na raw uli si Troy, ah. Hindi ka pa ba niya nililigawan?” tanong nito.
“Si Troy?” natatawa niyang sabi. “Mag–best friends lang talaga kami at para na rin kaming magkapatid.”
Tumango–tango lang si Justin at nagpatuloy sa pagkain.
“Akala ko ba magsha–shopping tayo?” nagtatakang tanong ni Frances nang akbayan siya nito habang papasok sila sa arcade paglabas nila ng Amelia’s. Tila normal na sa kilos nito ang akbayan at hawakan kanyang kamay.
“Mamaya na, mag–enjoy muna tayo. I’ve missed this,” nakangiting sabi ni Justin na nangungusap pa ang mga mata. Halatang nasabik itong gawin ang madalas nitong gawin noon; ang pagtambay sa bookstore at arcade kapag nagpupunta sa mall.
She was not a fan of video games at iilang computer games lang ang alam niya pero nang makita ang kaligayahan sa mukha ng binata pagpasok pa lang nila sa arcade, sino siya para kumontra?
Mahabang oras ang ginugol nila sa loob ng arcade. Hindi akalain ni Frances na mag-e–enjoy siya nang husto. He didn’t play any game alone. Sa lahat ng nilaro ni Justin ay lagi siyang nagpa-participate kahit taga-cheer lang nito. Tinuruan din siya ng mga video games na hindi pa niya nalalaro sa buong buhay niya. Iyon na yata ang pinakamatagal na nagkasama sila na sila lang at hindi kasama ang barkada.
“Hindi na tayo nakapag - shopping,” sabi niya nang papunta na sila sa kotse ni Justin para umuwi. Bitbit nila ang maraming stuff toys na may iba’t–ibang laki para sa kanya. Napanalunan nilang lahat iyon kanina.
“Next time na lang. Marami pa naman akong oras. Samahan mo na lang uli ako,” sabi nito habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse.
They both loved his new car. It was a red BMW X5 na ayon kay Justin ay advance birthday gift ng daddy nito kahit dalawang buwan pa bago ang birthday ng binata at ng kakambal nito.
“Saan mo gustong kumain? Hindi na tayo nakapag - dinner on time. Mag -bar din tayo later, Metrowalk?” tanong nito habang palabas na ng mall ang kotse.
“Justin, may pasok pa ako sa Petals bukas,” natatawang sabi ni Frances. Halatang nasa mood pa itong maglakwatsa.
“Oo nga pala. Ako lang pala ang nakabakasyon,” nakangiting sabi nito. “ So, saan tayo?”
“Sa bahay na lang. I’m sure may pagkain pa roon.”
“Okay,” sabi nito at sandaling nag - concentrate sa pagmamaneho. “You know what? We should do this more often,” mayamaya ay sabi nito.Nagtatanong ang mga matang napatingin siya kay Justin. “Hang out with me while I’m here para hindi naman ako mainip habang nagbabakasyon,” patuloy nito. “Is it okay kung ihahatid kita at susunduin sa Petals? Wala namang magagalit, ‘di ba?” kaswal na tanong nito habang nasa unahan pa rin ang tingin.
“Hmm...hindi ka ba magbabakasyon sa Palawan?” tanong niya habang naguguluhan na naman dito. He was really different that day.
“I don’t wanna go there alone. Gusto ko, may mga kasama ako na kahit sino sa barkada. Pero busy yata silang lahat, eh, ganoon din ang mga kapatid ko kaya dito na lang muna siguro ako habang nasa Davao pa naman sina Mommy at Daddy. Pupunta na lang siguro ako sa Palawan kapag nakabalik si Lola Amelia at si BJ.” Naunang dumating kay Justin ang mga kamag – anak ng daddy nito mula sa Portland at Seattle upang dumalo sa kasal ng mga pinsan nila at nang bumalik sa States ang mga ito ay sumama ang lola ni Justin  at si BJ para magbakasyon.
“Hindi yata busy si Troy. Yayain mo siya,” mungkahi niya.
“Okay. Ikaw, puwede ka bang sumama? Punta tayo sa Palawan kahit over the weekend lang.”
“Hindi puwede, eh. Kapag ganitong season ako kailangang – kailangan ni Auntie Danna sa Petals,” tanggi niya.
“Okay. But would you like to hang out with me after work kahit sandali lang? O kaya tambay na lang ako sa house n’yo pagkatapos kitang sunduin sa Petals kung ayaw mong maglakwatsa.”
“Wala ka ba talagang ibang mapagkakaabalahan?”
“Gusto lang kitang makasama, Frances. So, sunduin kita, ha,” muling sabi nito.
“Justin kasi…” atubiling sabi niya.
Napapailing na napabuntong - hininga ito. “Makakaabala ba ako o ayaw mo lang akong makasama? Nakukulitan ka na ba sa akin?” sabi nito habang nakatingin pa rin sa unahan.
Hindi kaagad nakasagot si Frances. Bakit ba kasi gusto pa siyang makasama nito, eh, gusto na nga niya itong iwasan? Napabuntong - hininga siya bago sumuko sa gusto nitong mangyari. Hindi talaga niya  matitiis ang binata. “Just call me up earlier kung gusto mong lumabas. At puwede mo rin akong puntahan sa opisina o sa bahay.”
Napangiti ito. “Don’t worry I won’t take too much of your time. Gusto lang kitang makasama.”
Napangiti na lang din siya.

One Man To Love - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon