HULING araw ni Justin sa bansa. Wala silang espesyal na plano ng nobyo para sa araw na iyon, pero maaga pa lang ay magkasama na sila sa bahay nito. Pero nakakapagtakang bago mananghali ay nakumpleto ang barkada nila na nangyayari lang tuwing Pasko at New Years Eve.
Maingay ang buong kabahayan, lalong - lalo na sa kusina dahil doon halos lahat nakatambay ang mga kababaihan. Ang mga lalaki naman ay nag – umpisa na kaagad ng drinking session sa pool area habang nagba–barbeque maliban kay Justin na nag–iisang lalaki na kasama nila sa kusina. Halos hindi ito umaalis sa tabi ni Frances mula pa kanina. Tinutulungan nila si Ate Trisha sa pagluluto ng paella. Isang celebrity chef si Ate Trisha na kapatid ni Troy. Ito rin napang–asawa ng pinsan niyang si Kuya Ken.
“Ate Trish, tulungan mo ako nilalasing na ni Kuya Ken si Lander!” malakas ang tinig na sabi ni Francine habang pumapasok sa kusina.
Nagkatawanan sila sa natatarantang boses ng kanyang kapatid.
Si Janine ang mabilis na sumagot. “Don’t worry, Francine, walang magre – release na video or picture ng boyfriend mo kung sakaling malasing siya at magkalat dito. Hindi masisira ang reputasyon niya sa mga constituents niya.” Isang batang – batang Congressman ang boyfriend ng ate niya na apo ni Mama Fe, step grandmother nila na asawa ng Papa Angelo nila.
“I know pero hindi sanay uminom ‘yon, ‘no,” nandidilat ang mga matang sabi ni Francine kay Janine.
“Puwes, masanay na siya dahil puro tomador ang mga tao rito,” natatawang sabi ni Frances habang nag -i – slice ng papaya. Masaya siya para sa kapatid dahil sa wakas ay tumibok na rin ang puso nito. At base sa nakikita niya kay Lander ay mahal na mahal naman nito ang kanyang kapatid.
Sumimangot si Francine sa narinig. “Ate Trish, please help me!”
“Give me some more minutes, malapit na ‘tong maluto. Kakain na tayo kaya matitigil na sila sa inuman,” sagot ni Trisha na nakaharap pa rin sa niluluto sa malaking kawali. Katulong nito sa paghahalo ng paella si Justin.
“Don’t worry, Ate Francine, nandoon naman sina Kuya Jay – Jay at Kuya Fran. Hindi nila pababayaan si Lander,” kampanteng sabi ni Justin habang hawak ang isang sandok.
“Ate Francine na talaga at Kuya Fran, huh?” nakapamaywang na puna rito ni Ate Francine. “Hoy, Justin mas matanda ka pa sa amin ni Kuya Fran!”
“Practice, sigurado namang in the future magiging ate na rin kita eh,” nakakalokong sagot ni Justin. Mabilis pa siyang hinalikan sa mga labi pagkakuha niya sa pitsel ng tubig na nasa tabi ng nobyo.
Namula naman si Frances sa ginawa ng nobyo at mabilis na lumayo rito sa takot na bigla na naman itong manghalik. Justin doesn’t mind practicing public display of affection. Siya ang hindi pa komportable at madalas pa ring mag - blush kapag umaakto ito ng ganoon.
“Naman! Maraming pagkain dito sa kusina, bawal magtawag ng langgam,” sita ni Ate Jane sa kapatid.
“In love, eh, wala kang magagawa, Ate,” nakangising sabi pa ni Justin.
Inulan sila ng tukso nang malaman ng lahat ang relasyon nila. Mainit na tinanggap ang binata ng buong pamilya bilang nobyo, at ganoon din siya sa pamilya nito. Nagbiruan pa kaagad ang mga magulang nila nang magtawagan ng balae.
“Tapos na kami, ilalabas na namin ang ibang mga pagkain para matigil na sila sa inuman,” sabi ni Frances bago pa uli sila tuksuhin ng mga kasama sa kusina. Nauna na siya sa paglabas sa kusina bitbit ang naka – slice na papaya at sumunod naman ang lahat sa kanya.
Pagkatapos ng kanilang late lunch ay tila nagkaroon ng tournament sa billards sa pagitan nina Justin at James. Ang dalawa ang pinakamagaling mag - billiards sa barkada nila na parehong professionals kung maglaro pero parehong walang interest na i – pursue ang sports.
Nanguna sina BJ at Gabe sa pustahan. Si BJ ang nagsilbing manager ni Justin, at ang Kuya Gabe naman niya sa pinsan nilang si James. Panganay na anak ng Auntie Danna niya si James at kararating lang mula sa Seattle kung saan ito nagtatrabaho.
“Ano ka ba katuwaan lang ‘to. Okay lang kay James kung kay Justin ka pupusta,” giit pa ni BJ nang tumanggi siyang makisali sa pustahan.
“No, huwag mo na akong isali,” muling tanggi ni Frances.
“Pabayaan mo na lang si Frances, BJ,” sita ni Justin. Saka lang tumigil sa pangungulit si BJ.
Nag – umpisa ang laro. Habang nanonood sa laban at nagkakaingay dahil kantiyawan ay biglang natigilan si Frances. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang ma - realize na paikli na nang paikli ang oras na makakasama niya ang nobyo. Ilang buwan na naman ang bibilangin bago niya muling makasama ang binata.
Napatingin si Justin kay Frances at napakunot - noo. Mabilis siyang ngumiti nang makitang nakatingin ang nobyo sa kanya. Gumanti ito ng ngiti bago muling itinuon ang atensyon sa laro.
Mabilis na natapos ang game at nanalo si James. Hindi makapaniwala si BJ na natalo ang kakambal nito dahil mas madalas na manalo si Justin laban kay James. Maingay itong humihingi ng rematch habang nagbabayad kay Gabe. Pero mabilis na tumanggi si Justin. Tinabihan siya matapos nitong kamayan si James.
“What happened?” masuyong tanong sa kanya ni Justin. Sa likuran nito ay maingay pa rin si BJ at kinukumbinsi ang kapatid sa rematch habang kaharap pa rin si Gabe.
“Nothing,” tipid ang ngiting sabi ni Frances.
Walang salitang kinuha nito ang kanyang kamay at hinila siya patungo sa tagong bahagi ng garden ng bahay.
“Nakita kita. Bakit bigla ka na lang sumimangot kanina?” tanong ni Justin matapos nilang maupo sa isang bench.
Napabuntong – hininga siya. “Nalungkot lang ako kasi naalala kong aalis ka na.”
Kinuha nito ang kaliwang kamay niya at hinalikan. “Hihintayin mo naman ako, ‘di ba?” Idinikit ni Justin ang kamay niya sa pisngi nito matapos halikan.
“Oo naman,” basag ang boses na sagot ni Frances. Naiiyak na naman siya. “Please come back and visit me as long as you can.”
“Yes, sweetheart. Hindi ko alam kung kailan uli ako makakabalik pero pinapangako ko sa 'yo na nandito ako sa araw ng graduation mo,” sabi nito at muling hinalikan ang kanyang kamay.
“Okay.” Isang taon pa bago ang graduation niya pero siguro naman bago iyon ay makakauwi ang nobyo para magkikita sila. Gayunpaman ay nakahanda naman siyang magtiis matupad lang ang mga pangarap nito.
“Ngayong tayo na, titigilan mo nang makipag – flirt sa mga babae sa States or else…” babala ni Frances. Alam niya kung gaano ka – liberated ang mga babae sa ibang bansa at takot siyang pumatol si Justin sa isa sa mga iyon.
Napahalakhak ito sa kanyang sinabi. “Ces, hindi ako katulad ni BJ. Pangako, hindi ako titingin sa iba dahil seryoso ako sa ’yo. Ipangako mo rin na hindi ka na mag – e – entertain ng mga manliligaw habang wala ako.”
“Hindi po ako two – timer,” ingos ni Frances.
“Alam ko, pero alam kong marami pa ring magtatangkang manligaw sa ’yo. Just continue taking them down. At kung may mangungulit at manggugulo pa rin sa ’yo, magsumbong ka sa kahit na sino sa barkada, lalong – lalo na kay BJ. Po– protektahan ka niya.”
“Okay.”
“Hindi magiging madali ang lahat para sa atin, lalo na at magkakalayo uli tayo,” patuloy ni Justin. “Pero gusto kong ipangako mo na magtitiwala at magpapasensiya ka sa akin. And I promise, I will do the same.”
“Just don’t stop loving me,” sa halip na sagot niya.
“Never,” sagot ng nobyo bago mainit na hinalikan ang kanyang mga labi.
Matagal na nagtagpo kanilang mga labi at kung hindi pa dahil sa pang – iistorbo ni BJ ay hindi sila maghihiwalay. Nangungulit pa rin ito sa rematch ni Justin sa pinsan niya. Para lang matigil na ang lalaki ay pinagbigyan ito ni Justin. Tumayo na sila at magka – akbay na sumunod kay BJ.
BINABASA MO ANG
One Man To Love - Published under PHR
RomansaSixteen years old pa lang si Frances ay secret crush na niya ang kababatang si Justin.Pinigil niya ang damdamin sa pag-aakalang may gusto rin kay Justin ang Ate Francine niya. Pero nang ligawan ni Justin ang ate niya, nabasted ito. Natuwa si Frances...