Chapter Ten

1.6K 43 0
                                    


PAGKAGISING pa lang ni Frances ng umagang iyon ay masama na ang mamayang pakiramdam. Hindi dahil may sakit siya. She was just feeling sad and depressed. Today was the ninth month when she had a miscarriage. Kung nagkataong hindi nawala ang baby niya, siguro ay kabuwanan na niya ngayon o nakapanganak na siya. Pinigilan niya ang sarili na muling mapaiyak dahilan para lalong bumigat ang kanyang pakiramdam. She didn't want to work with that kind of feeling. Mas gusto niyang magmukmok na lang at matulog sa kanyang silid kahit sa araw na iyon lang.
Mahigpit siyang niyakap ng kanyang mommy nang sabihin niya ang nararamdaman nang pasukin na siya nito ang kanyang silid nang tanghali na ay hindi pa siya bumabangon. Matagal siyang sinamahan ng kanyang mommy at pinilit siyang kumain ng almusal. Iniwan lang siya nito nang magdesisyon siyang magpunta na lang sa flower farm para doon niya ituloy ang kanyang pagmumukmok. Gusto pa sana siyang samahan ng ina at i – cancel na lang ang lakad pero tumanggi siya dahil gusto niyang mapag–isa na naunawaan naman ng kanyang mommy.
Naunang umalis sa kanya ang mommy niya. Pagpunta ni Frances sa garahe ay nagulat siya nang makita niyang nakasandal si Justin sa kanyang kotse na parang kanina pa siya hinihintay.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya habang lumalapit dito.
“I’m worried. Nakapatay ang phone mo. Hindi ka rin pumasok sa office. Ang sabi ng mommy mo, masama raw ang pakiramdam mo kaya nagdesisyon na akong pumunta rito. Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito.
Huminto siya sa harap ng binata. “Masama lang ang pakiramdam ko.Hindi ka na dapat nagpunta rito. I’m going somewhere anyway,” masungit na sabi niya.
“Masama na ang pakiramdam mo pero aalis ka pa rin. Bakit hindi ka na lang magpahinga?”
Tinignan nang masama ni Frances si Justin. “The last time I checked, wala ka nang karapatang sabihin sa akin ang dapat kong gawin,” sarkastikong sabi niya. 
Makikita ang sakit sa mukha ni Justin. Sinamantala ni Frances ang pagkakataon at lumapit sa driver side ng kanyang kotse. 
“Puwede ba akong sumama sa 'yo?” narinig niyang tanong nito habang nakasunod sa kanya.
“No,” sabi niya habang binubuksan ang pinto ng kotse.
“Frances, please,” pigil ni Justin. Hinawakan pa siya sa braso. “You’re not feeling well. Gusto lang kitang samahan, gusto kong makasiguro na walang mangyayaring masama sa ’yo.”
Napatigil siya sa pagbubukas ng pinto ng kotse. “Kaya kong alagaan ang sarili ko,” tanggi niya. “Wala ka bang trabaho sa ospital?”
“Meron, pero ayokong magtrabaho ngayon,” sabi nito na parang malungkot din. “Gusto ko lang na makasama ka.”
Natigilan si Frances nang ma - realize na tila pareho sila ng nararamdaman. Alam kaya nito na ngayon ang ika-siyam na buwan na nawala ang baby nila?
“Please, hayaan mo na akong samahan ka,” pagpupumilit pa nito.
“Pupunta ako sa flower farm. It’s a long drive, baka kaila – ”
“It’s fine. I can go with you anywhere, kahit sa ibang bansa pa sasamahan kita,” putol nito sa kanyang sinasabi.
Napatitig siya sa mukha ni Justin. Nakita niya sa mukha ng binata na pursigido talaga itong samahan siya.
“Okay,” sumusukong sabi niya. “Leave your car here, we’ll use mine.”
Kaagad itong napangiti sa kanyang sinabi. Sandaling kinuha ng binata sa kotse nito ang bag nito at kaagad nang sumakay sa kotse niya.
Kaswal silang nag – usap habang nasa biyahe. Kapwa nila ini- enjoy ang music na nagmumula sa car stereo habang nagda–drive si Justin at komportableng nakaupo si Frances sa passenger seat. Kahit paano ay gumanda na ang kanyang pakiramdam. Being with him was not a bad thing after all. At ang pagpunta sa flower farm kasama  ang binata ay isa sa mga pamilyar na pangyayari sa buhay na na - miss niya.
Nag–early lunch sila sa isang local restaurant na kinakainan nila dati sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. Malapit na sila sa flower farm nang sabihan niya si Justin na dumaan muna sila sa madaraanang simbahan na lagi rin nilang pinupuntahan noon. Hindi ito kumibo pero sumunod sa kanyang sinabi. Nauna ito sa kanyang bumaba ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
Naunang pumasok ng simbahan si Frances. Sumunod sa kanya si Justin nang magpunta siya sa isang pew at lumuhod para magdasal. Naramdaman niyang tumabi ang binata sa kanya at lumuhod din. Nang magtaas siya ng ulo matapos magdasal ay nanatili pa rin itong nakayuko. Iniwan niya ito at nagpunta sa gilid ng simbahan para magsindi ng kandila. Malapit nang mangalahati ang sinindihan niyang kandila nang sumunod si Justin sa kanya at pinanood din ang pagkalusaw ng kandilang sinindihan niya. Nang tingnan ni Frances ang mukha ng binata ay nagulat pa siya nang makitang namumula ang mata nito na parang galing sa pag – iyak. Pagkalipas ng ilang sandali ay niyaya na niya ang binata para magbalik sa kotse at ituloy ang biyahe nila.
“Puwede kang magpahinga rito o kung gusto mo namang bumalik na ng Manila, gamitin mo na lang ang kotse ko. Magpapasundo na lang ako sa driver namin bukas o sasabay na lang ako sa delivery van,” aniya pagpasok nila sa farm house.
“No, I’ll stay here. Sabay tayong babalik sa Manila,” tugon nito.
“Okay, I’ll take a nap. Kung may kailangan ka, nasa labas lang ang caretaker. Sa kanya ka magsabi. Doon ka na lang sa kabilang kuwarto,” paalam ni Frances at nagtungo na sa master bedroom para magpahinga. 
Kaagad nakatulog si Frances paghiga niya sa kama. Hapon na nang magising siya pero hindi siya nag – abalang bumangon at muling pumikit. Matutulog at magmumukmok siya sa silid na iyon hanggang gusto niya. Pero muli siyang napadilat ng maamoy ang kung anong niluluto sa kusina. Bigla siyang nakaramdam ng gutom pero binale-wala niya ang nararamdaman nang maisip na ang dating boyfriend ang nagluluto sa kusina. Laging may stock ng pagkain ang fridge dahil madalas siyang manatili sa lugar, kaya walang problema sa lulutuin. Natutunan na ni Justin na magluto sa tagal nitong tumira sa States at tinuruan din niya itong mag - bake. Muli siyang pumikit at natulog. Nagising siya nang maramdaman ang pamilyar na haplos sa kanyang mukha.
“Justin…” usal ni Frances hindi pa man niya naididilat ng husto ang mga mata.
“Yes, it’s me. You sleep a lot. Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” masuyong tanong nito habang nakaupo sa gilid ng kama. Lumipat ang kamay nito sa leeg niya at sinalat kung may lagnat siya.
“I’m fine,” tipid niyang sagot.
“Nagluto ako. Mamaya ka na uli matulog. Kumain ka muna.”
“Okay,” sabi niya habang paupong sumasandal sa headboard ng kama. “Susunod na lang ako.”
“Dadalhin ko na lang dito ang pagkain kung gusto mo. You love dinner in bed I remember,” kaswal na sabi nito.
Bahagyang naasiwa si Frances nang maalalang sinabi niya iyon sa binata nang minsang dalawin niya  sa Portland at ito mismo ang naghanda ng dinner nila. 
“H - hindi na ngayon,” kaila niya. Sa 'baba ako kakain.”
“Okay.” Tatayo na sana si Justin nang tila biglang may maalala. “Sa simbahan kanina, the candle was for the baby, right?” tanong nito.
Sandaling natigilan si Frances bago tumango.
“And today is the ninth month since we lost the baby,” patuloy pa nito.
“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong niya.
“Sa ospital. I looked for your medical records. Naalala ko lang ang date.”
“You shouldn’t look for my records.”
“Alam ko, pero nakikita kong nahihirapan ka pa rin kapag naalala mo siya.”
Nakaramdam si Frances ng pagkainis sa narinig. “Hindi siya madaling kalimutan at alam mong hindi siya dapat kinakalimutan.”
“Frances…” Humugot muna ng malamim na hininga si Justin bago nagpatuloy. “Akala mo ba madali ko lang natanggap na nawala ang baby natin? Nasaktan din ako at mas sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Siguro, kung kasama kita at hindi ako nasa malayo, siguro ay mas naalagaan ko kayo.”
Hindi siya kumibo. Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata.
“Pero nang mabasa ko ang medical records mo, natuklasan ko na nagkaroon ka ng ectopic pregnancy kaya sadyang nawala ang babay natin,” patuloy nito.
“Ectopic?” gulat na sabi ni Frances. 
Tumango si Justin. “Sinabi ni Gian na hindi mo alam ang tungkol doon dahil sila lang ang nakausap ng doktor mo. Halos hindi ka rin daw kasi makausap.”
“Ectopic …” muling usal niya. Alam niya ang ibig sabihin niyon.  It was a pregnancy outside the uterus. Gulat na gulat talaga siya sa nalaman.
“Yeah,” malungkot na sabi ni Justin. “Even if you never had a miscarriage our baby will definitely not survive. In the end, the doctor had to do an abortion.” Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil. “Frances, may dahilan ang Diyos kung bakit nawala ang baby natin. But He will send us the one that is meant to be ours someday. We should move on, I’ll help you to move on.”
Napatingin siya sa binata. Bigla, naalala niya ang sinabi ni Troy nang tanungin siya nito kung bakit hindi pa niya napapatawad si Justin.
“Maybe it was hard for you to forgive Justin because until now, sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa pagkawala ng baby n’yo. Let it go, Ces. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Walang kang kasalanan, pati na rin Justin.
Tama si Troy, hindi talaga niya magagawang mapatawad si Justin habang galit siya sa kanyang sarili. Alam ng kaibigan kung paanong ibinuhos niya ang halos lahat ng oras niya sa trabaho para lang makalimot. Ginawa rin ni Justin ang lahat para makauwi kaagad. In fact, inutusan pa nito ang kakambal nito na magpanggap bilang ito para damayan siya pero hindi niya nakita ang intensyon nito at mas nagalit pa siya sa binata.
Hindi rin totoo na siya lang ang nakahandang magsakripisyo para sa relasyon nila. Nabasa na niya ang mga e - mails ni Justin na sadya niyang hindi binasa noon nang magkagalit sila. Humingi ito ng kapatawaran sa muling pagbabago ng plano nito. At ayon pa sa isang e–mail ng binata, hindi na ito magpapatuloy sa fellowship program gaya ng plano nito dahil hindi siya nito makakasama sa Portland. Tatapusin na lang nito ang specialization at permanente nang uuwi sa Pilipinas at saka sila magpapakasal. 
Tuluyan na siyang napaiyak nang ma- realize ang lahat.
“Hindi natin kakalimutan ang baby natin, Frances,” patuloy pa nito. “Nandito na ako. Hinding–hindi na kita iiwan payagan mo lang akong makabalik sa buhay mo.”
Umiiyak na dahan – dahan siyang tumango bago mahigpit na yumakap dito. Sa oras na iyon ay napatawad na niya ang binata.

AWTOMATIKONG napunta ang tingin ni Frances sa kabilang bahagi ng kama nang magmulat siya ng mga mata. Magkatabi silang natulog kagabi ni Justin. Nakatulog siya habang tahimik na hinahagod nito ang kanyang likod. Pero wala na ito roon ngayon. Sa halip ay tatlong piraso ng red roses ang nakapatong sa unan na pinaghigaan nito ang kanyang nakita.
Napangiti siya. Kinuha niya ang mga bulaklak, sandaling inamoy at saka pa lang bumangon.
Dala ang mga bulaklak ay nagpunta siya sa verandah upang tanawin ang buong farm. She loved doing that every morning, tuwing naroon siya sa flower farm. Bahagya siyang nagulat nang makitang naroon din pala si Justin. Napatingin ito sa kanya at kaagad na ngumiti habang may kausap ito sa cell phone nito.
Tipid na ginantihan niya ng ngiti ang binata. Nakahanda na siyang bigyan uli ito ng isa pang pagkakataon. Mahal na mahal pa rin niya ang dating nobyo at naniniwala siyang hindi na siya iiwan nito. At kahit na muli itong magdesisyong umalis, kahit saan pa ito magpunta ay sasama siya. 
Hindi na itinuloy ni Frances ang pagpunta sa verandah para hindi ito maabala. Nagbalik na lang siya sa loob ng silid at nagtuloy sa banyo para maghilamos at nagsepilyo. Paglabas ng banyo ay naghihintay na si Justin kanya. Nakaupo ito sa gilid ng kama.
“‘Morning,” bati nito na kaagad tumayo at lumapit sa kanya. Hinalikan siya sa noo. Napapikit siya sa ginawa nito.
“Thanks for the flowers,” aniya.
“No sweat. Kinuha ko lang ang mga bulaklak sa 'baba kanina,” sabi nito na titig na titig sa kanya.
Biglang naasiwa si Frances sa pamilyar na paraan ng pagtitig nito sa kanya, na parang siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
“Kailangan ka na ba sa t-trabaho? P-puwede na tayong bumalik sa M-manila ngayon,” halos pautal na sabi niya.
“No, hindi pa. We can stay here for as long as you want,” sagot nito na hindi pa rin inaalis ang malagkit na tingin sa kanya.
“Well, I have to go back to Manila today.” Muntik na siyang mapasigaw nang bigla siyang hapitin ni Justin palapit sa katawan nito. Napalunok siya nang unti – unting lumapit ang mukha nito sa kanya.
“I’m sorry but I can’t control myself. I really want to kiss you,” sabi nito bago sabik na inangkin ang kanyang mga labi.
Sandali lang nagulat si Frances at kaagad na napapikit. Tumugon na rin siya sa mahigpit na yakap at mainit na mga halik ni Justin. Napakapit siya sa leeg nito nang buhatin siya nito at maingat na inihiga sa ibabaw ng kama. Muli siyang hinalikan ng binata. Humihingal na naglayo ang kanilang mga labi pagkaraan ng ilang minuto.
Tila maiiyak na tinitigan siya ni Justin. “I love you,” deklara nito.
Masuyong hinaplos ni Frances ang mukha ng binata na nagsisimula nang gumaspang dahil hindi ito nakapag - ahit. Mas kamukha na ito ni BJ ngayon. “I love you, too, Justin,” naiiyak na ring tugon niya.
Muling naghinang ang kanilang mga labi. Pagkalipas ng ilang sandali ay kumalas ito sa kanya, walang paalam na iniwan siya at lumabas ng silid. Nagtatakang napasunod siya rito ng tingin sa binata habang bumabangon. Sandali lang itong nawala. Pagbalik at saka niya nalaman ang dahilan ng biglang pag – alis nito.
Hawak ni Justin ang isang kahitang kilalang – kilala niya. Mula roon ay kinuha nito ang singsing. “I’m gonna ask you again, will you marry me?” kinakabahan  tanong nito.
“Yes,” walang pag – aatubiling sagot niya.
Muli siyang hinalikan ng binata sa kanyang mga labi bago isinuot ang singsing sa kanya. Pagkatapos ay muli silang nagyakap na kapwa umiiyak sa kagalakan.

                                                    

One Man To Love - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon