Chapter Nine

1.4K 40 9
                                    


UNTI – UNTING nawala ang antok na nararamdaman ni Justin nang halos mangalahati niya ang iniinom na kape sa loob ng Frances' na nasa tabi ng St. Francis General Hospital.
Frances owned the place that was established three years ago. Muli siyang nakaramdam ng guilt at pagkainis sa sarili nang maalala na wala siya sa bansa para suportahan ang dating kasintahan sa mismong araw ng pagbubukas ng mga shop nito. Of course, he was supported her by saying encouraging words, but would have been different if he was there during those times. Hindi man lang niya naipakita at naiparamdam sa dalaga kung gaano siyang ka–proud sa mga achievements nito.
Naalala rin ni Justin na hindi niya nakasama ang dalaga sa mismong araw ng kaarawan nito sa loob ng anim na taon ng kanilang relasyon. They were celebrated one week before or after her birthday, at ito pa ang nagpupunta sa Portland para makasama siya. No doubt, he was the worst boyfriend ever!
Napailing si Justin. Dapat bote ng beer ang hawak niya ngayon at hindi tasa ng kape. Pero naalala niyang isinumpa na nga pala niya ang lahat ng uri ng alak matapos niyang makaaksidente at hindi makauwi kaagad para damayan ang babaeng pinakamamahal. Sarado na ang kaso niya matapos bayaran ng kanyang pamilya ng malaking halaga ang pamilya ng teenager na kanyang nakabangga. The teenage boy was fine, still driving and enjoying life to the fullest. Habang siya ay bahagyang nagka–trauma sa pagda – drive. Mabuti na lamang at mabilis din niyang na – overcome ang takot na iyon. 
Pitong buwan na ang nakararaan magmula nang pormal na nakipaghiwalay si Frances sa kanya.  Sinunod niya ang kagustuhan nitong lumayo siya dahil na rin sa payo ng mommy nito.
"Alam kong hindi mo susukuan si Frances, pero mas makakabuti kung lalayuan mo muna siya para mas madali siyang maka-recover. Bumalik ka muna sa States, tapusin mo ang training mo at saka ka bumalik dito. After all of this, when she recovered, believe me, hindi rin magugustuhan ni Frances na hindi mo tinapos ang training mo nang dahil sa kanya," sabi sa kanya ni Tita Cheska matapos siyang iwanan noon ni Frances sa library.
Nang matapos at makapasa siya sa specialization niya ay bumalik kaagad siya sa Pilipinas, at wala na siyang intensiyong umalis muli. Walang dahilan para manatili siya sa Portland dahil hindi naman pumayag si Frances sa gusto niyang mangyari at tinapos na rin nito ang relasyon nila. Kinalimutan na rin niya ang tungkol sa fellowship program na naging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan noon. 
Tinaggihan ni Justin ang trabahong naghihintay sa kanya sa St. Francis General Hospital nang dumating siya sa bansa. Seryoso kasi siyang ligawan nang husto si Frances at kung maari ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Bigyan lang talaga siya ng dalaga ng isa pang pagkakataon ay babawi talaga siya ng husto. Pero hanggang sa kasalukuyan ay ayaw pa rin siyang makita ng dalaga. Tinanggihan ni Frances ang mga ipinadala niyang bulaklak na nagmula rin sa store ng Perfect Petals. Bukod sa galit  ito sa kanya, napapalibutan na ito ng mga bulaklak kaya marahil hindi na nito kailangan ng mga bulaklak na galing sa kanya. At least, hindi nito ibinalik sa kanya ang mga regalo at mga pagkain na ipinadala niya sa opisina nito. O marahil, sumuko na ito sa kakulitan niya.
Pagkatapos ng isang buwan ay kinausap si Justin ni Tita Cheska. Ito mismo ang nag–alok sa kanya ng trabaho sa ospital. Dahil sa malaki ang respeto niya sa ginang at sa magandang pakikitungo nito sa kanya ay hindi niya ito nagawang tanggihan.
Tuwing pumapasok siya sa ospital, hindi maaaring hindi siya daraan sa Frances' bago at pagkatapos ng duty niya. Nagbabaka-sakali kasi siyang makita roon ang dalaga kahit alam naman niyang hindi roon ang opisina nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Nagtaas si Justin ng tingin nang marinig ang boses na kilalang–kilala niya. Dahil nakatutok ang kanyang paningin sa coffee mug na nasa harap at hindi niya namalayan ang pagdating ng dalaga.
"F–Frances..."nasorpresang sambit niya. Noong una ay tinatanong pa niya sa mga crew kung naroon ito subalit dahil sa laging wala ang dalaga ay tinigilan na niya ang pagtatanong.
Bahagyang magkasalubong ang kilay nito at nakapamaywang na nakatayo sa kanyang harapa. "What are you doing here?" muling tanong nito.
"Drinking coffee. Regular akong pumupunta rito magmula nang magtrabaho ako sa ospital," sagot niya. Hindi man lang ba ito aware na nagtatrabaho na siya sa ospital na pag – aari ng pamilya nito tulad ng dati niyang plano?
Tumango–tango ito. "Okay, just enjoy your coffee," sabi nito at mabilis na siyang tinalikuran.
Kaagad siyang tumayo at mabilis na humabol.
"Frances, puwede ba tayong mag-usap?" Humarang siya sa daraanan nito. Napahinto naman ang dalaga.
"No. I am busy," tanggi nito. "Marami akong nakatambak na trabaho sa opisina."
"Please, kahit sandali lang," pangungulit pa niya.
"No!" muling tanggi nito.
Napabuntong - hininga si Justin. When she said no, it was final. He knew it. Pero hindi pa rin siya basta susuko. "Puwede ba kitang mabisita mamayang gabi?" giit pa niya.
Sandali itong natigilan si Frances at tila nag – isip bago sumagot. "Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi."
"Maghihintay ako sa harap ng bahay n'yo mula seven P.M. Wala akong pakialam kung anong oras ka pa dumating, basta hihintayin kita."
"Ikaw ang bahala," tugon nito.
Napangiti siya sa narinig. Nang muling humakbang ang dalaga para magpunta sa opisina nito ay kusa na siyang tumabi para makadaan ito. Hindi na niya tinangkang humabol at mangulit pa. Sapat na sa kanyang pumayag ito na dalawin niya.

One Man To Love - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon