Chapter Three

1.2K 52 4
                                    


BIHIRANG um-attend ng mga party si Justin pero hindi niya napahindian si Troy nang imbitahan siyang dumalo sa birthday nito na idinaos sa Malate branch ng Jason Pub. That bar and its branches all over the Metro and nearby provinces were managed by his twin brother BJ. Okupado ng party ang buong second floor ng bar. Karamihan sa mga dumalo ay kapwa basketball player ni Troy, ilang kasamahan sa pagmomodelo, at ang barkada nila.
Pagkatapos ng isang oras ay nag – umpisa nang mainip si Justin. Hindi kasi siya maka–relate sa pinag–uusapan ng Kuya Gabe ni Frances at pinsan nitong si Lance tungkol sa drag racing. Panay rin ang tingin niya sa paligid, hinihintay ang pagdating ni Frances. Tumanggi ang dalaga na sunduin niya para sabay na silang magpunta sa party. May client meeting pa kasi ang dalaga kasama si Fran, anak ng Ninang Danna niya, sa isang big-time client. Dadalo rin si Fran sa party kaya sasabay na lang daw si Frances sa pinsan sa pagpunta sa venue.
He really couldn't wait to see Frances. Nasanay na siyang araw – araw nakikita ang dalaga at nakakasama magmula nang pumayag itong ihatid at sunduin niya mula sa trabaho isang linggo na ang nakararaan. Madalas ay sa mall lang naman sila nagpupunta kapag sinusundo niya ang dalaga. He really loved to be with her. She was fun, cool and very talented. Walang dull moment kapag kasama niya ito. Gusto niya ang maturity nito at sense of humor.  Laging may sense ang mga sinasabi at marami itong alam sa lahat ng topic.
He noticed Frances as lovely and beautiful even before she turned sixteen. Gustong – gustong dinadalaw ni Justin ang tahanan ng mga Yuzon dahil nakikita niya ang dalaga na laging may magandang ngiti sa kanya. Gustong – gusto rin niya ang personal na pag – aasikaso nito bukod pa sa pagpapakain sa kanya ng kanyang mga paborito. Pero alam ni Justin na nakatatandang kapatid lang ang tingin nito sa kanya at inakala na para sa nakababatang kapatid lang ang fondness na nararamdaman para sa dalaga dahil ang ate nito ang nililigawan niya noon. Pero nag-iba na ngayon.
Dahil hindi naputol ang komunikasyon nila ni Frances ay mas napalapit siya rito. Hanggang isang araw ay ma – realize na lang niya na in love na siya sa dalaga. Hindi ganoon ang naramdaman niya noong niligawan niya ang Ate Francine nito. It was far different. Ni minsan hindi siya nakaramdam ng lungkot noon kapag hindi niya nakikita o nakakausap si Francine, kumpara ngayon kay Frances na isang araw lang na hindi niya makita ang magandang mukha kahit sa webcam lang o marinig ang boses nito ay bumibigat na ang kanyang dibdib. Much more kapag inabot pa iyon ng ilang araw. Hindi na siya makapag– concentrate sa kanyang pag – aaral. 
Ngayong habang nakabakasyon si Justin ay desidido na siyang sabihin sa dalaga ang kanyang nararamdaman. Pero lagi na lang ay nauunahan siya ng hiya at takot na magalit at layuan nito oras na magtapat siya dahil baka hindi naman pala siya gusto ng dalaga.
Ilang sandali pa ay natanaw na ni Justin si Frances kasama ng magkapatid na Fran at Denise. Tumayo siya mula sa kinauupuan para salubungin ang mga ito. Pero nang makita siya ng iba pa nilang mga kaibigan ay sandaling nakipagkuwentuhan muna si Justin sa mga ito kaya tumagal ng ilang minuto bago niya nagawang malapitan si Frances na kausap ni Lance.
“Pumayag ka na kasing makipag-date kay Luke,” narinig niyang sinabi ni Lance kay Frances.
“I’m sorry, Lance, pero busy ako kaya ayoko munang makipag–date,” sagot ni Frances habang nakatingin sa kanya.
“Who’s Luke, another model or an actor?” kunot – noong singit ni Justin. Hindi niya gusto ang pamimilit ni Lance na makipag - date si Frances sa kung sino mang Luke na iyon na marahil ay kapwa nito modelo.
“Model. I really know this man, bro. Sa tingin ko bagay sila ni Frances,” patuloy pang pamimilit ni Lance.
“Stop matching, Frances to any other guy, bro. She can have a boyfriend on her own. Kapag nalaman pa ito ni Ken magagalit ‘yon sa ’yo,” tukoy niya sa pinsan ni Frances sa father side na overprotective sa mga kapatid nito at mga pinsan.
“Bro, back off! Masyado kayong overprotective kay Frances, at ikaw naman panay ang bakod mo. Let her enjoy being single,” asar na sabi ni Lance bago sila iniwan.
Napailing na lang si Justin habang umuupo sa binakanteng upuan ni Lance.
“Sa tingin ko lasing na si Lance,” sabi ni Frances habang nakasunod pa rin ng tingin sa pinsan.
“He can take care of himself. Fran is also here. Sisitahin n'on si Lance kapag nakita siya.”
Ibinaling nito ang tingin sa kanya. “Kumain ka na ba?”
“Yes, with your Kuya Gabe and BJ awhile ago. Ikaw?”
“Yes, sa meeting kanina.”
“Oh, that’s why you're drinking beer now,” sabi ni Justin habang nakatingin sa bote ng beer na nasa harapan ni Frances.
“Oh, shut up, there’s nothing wrong with a bottle of beer. Hindi naman ako maglalasing.”
“Right. Mabuti na lang dumating na kayo, kanina pa kita hinihintay.”
“Hay, naku, kung hindi lang magagalit si Troy hindi talaga ako pupunta rito.”
Napangiti si Justin sa narinig. “How about going with me now?”
Napatitig ito sa kanya. “Ano’ng iniisip mo?” Halatang na - excite ito sa narinig.
“This place is not for us, let’s go somewhere.”
“Pero baka magalit si Troy kapag nalaman niyang aalis na kaagad tayo,” nag – aalalang sabi nito.
“Hindi natin kailangang magpaalam. Sa dami ng bisita, hindi rin nila tayo mapapansin na umalis. So, let’s go?” tanong niya sabay tayo at inalahad ang isang kamay. 
Walang pagdadalawang - isip na humawak ang dalaga sa kamay niya. Umalis sila ng bar na wala man lang nakapansin sa kanila.

One Man To Love - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon