CHAPTER 1

2.1K 32 2
                                    

Formerly titled "'Interesting Character"'.

♦♣♠♣♥♣♦♦♣♠♦♣♠♦♣♦♠♦♥♣♠♦

LULAN ng kotse ang isang dalaga. Maamo ang mukha nito at hanggang bewang ang kulot na buhok. Si Sheila Martinez.

Kanina pa ito inip na inip dahil sa sobrang haba ng traffic. Kanina lamang ay sobrang excited na syang marating ang patutunguhan. Kung saan man iyon ay hindi nya alam.

Kasama ng dalaga si Mrs. Pattie Formentera, ang ginang na nag-ampon sa kanya. Pinaampon ito sa Ginang ng isang kaibigang taga-states. Malugod namang tinanggap ito ng ginang, kahit pa walang gaaanong dahilan kung bakit ito pinaaampon.

Natutuwa sya at nakapag-ampon sya ng isang magandang dalaga.

Tumigil ang sinasakyang kotse sa tapat ng napakalaking bahay. Hapon na nila narating ang lugar.

Nang makababa ang dalaga sa kotse ay napahangad ito sa kabuuan ng bahay.

"Ang laki naman po ng bahay nyo." anito sa ginang.

"Dyan ka na titira mula ngayon, Iha. Gusto ko sana, if possible, well.. Im sure its possible.. Sana maging kaibigan mo ang anak ko, ang nag-iisang anak ko. Matagal pa makakauwi ang asawa ko galing abroad kaya tayong tatlo lamang ang titira jan, maliban sa mga katulong." pagbibigay alam nito kay Sheila. Na agad ring nagpatiuna maglakad papasok ng gate, sumunod naman ang dalaga rito.

Kinatok ng ginang ang pinto ng bahay.

Na agad rin namang pinagbuksan ng isang binatilyo.

Ganun na lang ang pagkabigla ni sheila, nang makita ito, ang napakagwapo at maputing binata. Ang matangkad na pigura at nangungusap na mga mata nito, ay hindi nakakasawang titigan.

"Who is she, mom?" sarkastikong tanong nito.

Parang may hinala na si Sheila na hindi sila magkakasundo nito.

"She's sheila, from now on, shes living with us."

Hindi umimik ang binata, napaismid lang ito.

Umalis itong nakasimangot, mukang hindi nito nagustuhan ang pagdating ng dalaga.

Nang makita ng ginang ang reaksyon ng anak, at ang ginawang pag-alis nito ay napabuntong hininga na lang ito. Mukhang sanay na ito sa ugali nitong iyon.

Hinarap nito ang dalaga, at saka nagsalita.

"Ija, Pagpasensyahan mo na ang anak ko. He's always been a snob."

"Ok, lang po yun, Mrs. Formentera.. Err... Tita.."

Napangiti ang ginang nang makita ang pag-aalinlangan ng dalaga.

"Call me mom, Ija. Since you're going to live with us, you should call me that." anito sa dalaga, na nangingiti.

"Ok.. Mom."

tinawag ng ginang ang katulong, matapos kausapin ang dalaga.

"Yaya! Paki-dala ang maleta ni Sheila sa kwarto." humarap naman ito kay Sheila. "you should rest now, I knew you're already tired, dahil sa napaka-traffic nating biyahe."

"Sige po."

Agad namang tumalima ang katulong at binuhat ang di-kabigatang maleta. Sumabay na rito ang dalaga sa pag-akyat nito sa hagdan patunggo sa kwarto nya.

MATAPOS mai-ayos ang mga gamit ay nakarinig si sheila ng katok.

Binuksan nya ang pinto at tumambad sa kanya ang binata.

Concealed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon