May dala-dala ang binata na mga bulaklak, Hindi rin maikakaila ang pagiging gwapo nito. Hindi ito maputi, di gaya ni Jason pero pareho itong may appeal.
Bumitiw ang dalaga kay Jason at nagmamadaling nilapitan ang binatang kararating.
Nang umahon ang dalaga ay nangislap ang mga mata ni Jason nang makita ang naka-bikining dalaga, napaka sexy nito sa suot nitong two-piece na purple. Pero mabilis iyong nawala, napalitan iyon ng inis dahil sa pagbitiw ni Sheila at paglapit sa lalaking may dala ng mga muka namang walang class na mga bulaklak at idagdag pa ang naudlot kanina.
"Kenneth!" nakangiting wika ni Sheila at yinakap ang binata, hindi alintana ang basang katawan.
Gumanti naman ng yakap si Kenneth.
Hindi nakaligtas sa paningin ni jason ang ginagawang paglapit ng mukha ng tinawag ng dalagang kenneth, alam nya ang balak nitong paghalik kay Sheila.
Agad syang kumilos at mabilis na hinila ang paa ni Sheila dahilan ng pagbagsak nito sa pool.
Umahon ang kanina pa nagngingitngit sa galit na binata at kinuha ang towel sa sundeck, tapos ay dire-diretsong naglakad papasok ng mansyon.
Naiwang napapamura si Sheila sa pool, kahit pa takang-taka sya sa ginawa ni Jason.
"Nakakainis ka talaga Jason!" pahabol pang sigaw ni Sheila sa papalayong binata.
Tinulungan naman sya ni Kenneth na makaahon sa swimming pool.
"Kapatid mo ba yun?" tanong rito ni Kenneth matapos makaahon si Sheila.
"Hindi." matipid nyang sagot rito.
"Sheila, mag-almusal ka na." wika ng ginang ng makita ang paparating na dalaga ng umagang iyon.
"Sige po."
"Alagaan mo nga pala si Jason, may lagnat sya."
"Po?! Bakit ako pa, ma? Saka may pasok ako."
"The maids took the day-off." matipid nitong tugon. "I need to go, iha. I already informed your teachers about this, ok lang daw na umabsent ka."
She sighed, "Sige po."
Pagkatapos mag-almusal ay nag-luto si Sheila ng soup para kay Jason.
Naisip nyang baka natulog ang mokong matapos mag-swimming, sinabi rin ng ginang na nasa ibabaw ng katawan nito ang basang tapis kahit may damit na.
Dala-dala ang tray na mayroong pagkain sa ibabaw ay umakyat si Sheila.
BINABASA MO ANG
Concealed Love
Teen FictionNakakakilig ang mga seloso at possessive na lalaki, hindi ba? Masyadong over-protective. Pero pano na lang kung wala na sa lugar?