Di nagtagal ay umalis na ang dalawang binatang kausap ni Jason at Sheila kani-kanina lamang.
Pupunta raw ang mga ito sa court at pinasusunod si Jason.
Sumaglit pa muna si Jason sa itaas, nang makababa ito ay nakasuot na ito ng pulang jersey, na sya namang ikinalaglag ng panga ni Sheila.
Halos maglaway na sya nang masilayan ito. He always wears his boyish grin, that'll made every girl's heart melt.
"Are you satisfied?" untag nito sa dalaga.
"H-ha?''
Napailing na lamang ito sa sinagot ng dalaga. "Sasama ka ba?" he asked instead.
Nag-aalinlangan si Sheila kung sasama ba sya, baka naman mabagot lang sya roon, na mukha namang imposibleng mangyari dahil sa simpleng pagtingin palang sa mukha ni Jason ay nakaka-aliw na.
Nanatiling nakatingin lang si Sheila rito, kaya nang hindi ito sumagot ay kinuha na ng binata ang kamay nito.
"Let's go." aniya at iginiya na ito palabas ng bahay.
Natigilan si Sheila sa ginawa nito, lalo na nang maramdaman nya ang mumunting boltahe na biglang dumaloy sa sistema nya. Napapasunod na lang sya sa lakad ni Jason.
Habang naglalakad ay naaaliw naman si Sheila sa pagmamasid sa mukha ni Jason. Lihim namang napapangiti ang binata, marahil ay napapansin nitong tinititigan s’ya ng dalagita.
Natigil lang si Sheila nang mapansin ang mga babaeng nakakasalubong nila. Napapaismid na lang s’ya dahil panay ang pagpapa-cute ng mga ito kay Jason.
Nang mapa-tingin naman s’ya sa gwapong lalaking papunta sa kanilang direksyon ay napangiti sya. Iyon ang napansin ni jason, dahil nilingon talaga ito ng dalaga nang lumagpas ito sa kanila.
Naramdaman ni Sheila ang pag-higpit ng hawak ni Jason sa kamay nya, ngayon n’ya lang napagtanto na hawak parin pala nito ang kamay nya. Naialis nya tuloy ang tingin sa gwapong lalaking kadadaan lang dahil sa ginawa nito.
Ngayon nama'y nahihiya sya, panay kasi ang sulyap sa kanila ng mga tao sa paligid. Ang mga babae ay kina-iinggitan na sya just because of the reason the two of them seem like a couple, holding each others hands.
At ang nakapagtataka pa ay balewala lamang ito para kay Jason, mukang nasisiyahan pa nga ito sa gesture nyang iyon.
A part of Sheila's mind is telling her that what she is doing is wrong, na mayroon na syang boyfriend, pero heto sya at nakikipaghawak kamay sa kanyang foster brother.
This is wrong... but another part of her mind tells her that its right.
Or it might be na kapatid lang talaga ang turing nito sakanya pero kung ano-ano na ang iniisip nya.
She just kept that in her mind. She already got a boyfriend, she has to remember that. And Jason, will remain her brother. Her foster brother, that is.
Nang makarating sa court ay tinawag ang binata ng mga kaibigan nito, para makapagsimula nang mag-basketball.
"Sige, maiwan na kita, ah. Maghanap ka na lang ng mauupuan." anito kay Sheila.
"Ok." tugon nya.
Nakahanap ng bakanteng upuan si sheila malapit sa mga nakararaming babae.
She heard the name of a boy that they were cheering for.
"Go!! Raph!"
Kahit na sumisigaw ang mga ito ay mas rinig ang pangalan ni Jason na isinisigaw rin ng mga nakararaming babae.
Nang matanto na mas madami ang nagchi-cheer para rito ay napasulyap s’ya sa binata. Na s’ya namang pagkindat nito sakanya, habang nagdidribol.
Napakislot pa s’ya sa tinuran nito.
Nahalata pa nga nya ang pagtingin ng masama ng mga katabi nyang babae dahil sa nakitang pagkindat sa kanya ni Jason, Na ipinagwalang-bahala nya nalang.
Ibinaling nya na lamang ang tingin sa nasa kanang tabi nyang babae, na ang patuloy paring isinisigaw na pangalan ay "Raph" kahit na natatakpan na ito ng mga boses na patuloy ring sumisigaw sa pangalan ni Jason.
"Sino si Raph?" tanong nya sa katabing babae.
"Ayun oh, yung number 15. Gwapo nya 'no?" anito.
Nang tingnan nya ang nagngangalang "Raph" ay nahuli nya itong nakatingin sakanya, nginitian pa sya nito.
'Guwapo nga ito, pero...
Napatingin ang dalaga kay Jason, na kasalukuyang hinaharangan ang isang player.
...mas lamang si Jason.
Nang matapos ang 1st Quarter ay huminto muna sa paglalaro ang mga players, para makapag-break.
Tumayo na ang dalaga para hanapin si Jason, pero hindi ito ang nahagip ng kanyang mata kundi ang binatang papalapit.
Naguguluhan man si Sheila ay pinagmasdan nya na lang ang papalapit na binata, na ang pangalan ay Raph.
"Hi. Miss."
"Hi." ganting bati nya dito.
"I’m Raphael. And the name of the beautiful lady standing in front of me is...?"
"Sheila." aniya at tinanggap ang pagkikipagkamay nito.
Lingid sa kaalaman ni Sheila ay nakamasid si Jason mula sa di kalayuan, and it looks like he doesn’t like what he is seeing dahil matalim ang tingin nito.
"May I know your number?"
"I don't think you should." aniya.
Hindi naman yata tamang ibigay nalang kung kani-kanino ang number nya at isa pa may boyfriend na sya, yun ang katwiran ng dalaga.
"Why? Do you already had a boyfriend?" ngiting anito.
Hindi nya ito sinagot.
"If not, then come with me instead." anito at aktong kukunin ang kamay ni Sheila.
Bago pa man mahawakan ni Raph si Sheila ay nahatak na ito palayo ni Jason. Palayo kay Raph at palayo sa lugar na iyon.
Pero bago nila nilisan ang lugar na yon ay binigyan pa ni Jason ng nakamamatay na tingin si Raph.
Pinagmasdan na lang ni Raph ang papalayong sina Jason at Sheila.
Agad naman itong dinaluhan ng isa pang binatang basketball player. Tinapik nito ang balikat ng binata.
"Tol, first time in my life na nakita kong tinanggihan ka ng isang babae."
Naiiritang tumingin rito si Raph, ni wala s’yang kaalam-alam na pinapanood pala siya nito kanina.
"Tumigil ka nga, It shouldn’t have happen if only that guy didn’t show up in the first place."
"You mean, si Jason? Balita ko maraming chicks yun ah. Di pa nakuntento?" natatawang anito.
Raph hated the fact that a girl was taken away from him by that guy named, Jason. He hates the name.
"I'll go ahead, sumunod ka na lang kung gusto mo." anito at muling bumalik sa paglalaro ng basketball.
Naiwang nagngingitngit si Raph sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Concealed Love
Teen FictionNakakakilig ang mga seloso at possessive na lalaki, hindi ba? Masyadong over-protective. Pero pano na lang kung wala na sa lugar?