Nagising si Jason sa sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas nyang bintana.
Naginat pa muna ito bago bumangon, saka pumunta sa banyo sa kwarto nito para magsipilyo at maligo.
Nang matapos ay nagbihis ito at naglakad patungo sa pinto at binuksan ito.
Nang makalabas ay isinara iyon.
Napahikab pa muna ito bago napatingin sa kanan, kung saan nakita nya si Sheila na kasabay nya ring napadako ang tingin sa kanya.
Nginitian nya ang dalaga kasabay niyon ay ang pagpula ng pisngi nito at pagngiti ng tipid.
Kasabay ng pagiging masaya dahil sa unang nakita ngayong umaga ay ang pagtataka, marahil sa nakita ng binata ang pagiging malungkot ng kislap ng mga mata ni Sheila.
Nagsimulang humakbang si Sheila, halatang nahihirapan ito dahil sa paika-ika itong mag-lakad.
Naalala ni Jason nang mabagsakan ito ng martilyo kahapon, dahilan upang muli syang magalit sa sarili.
Sinisisi nya ang sarili dahil hindi nya man lang napigilan ang mga pangyayari.
Napatingin si Jason sa paa ni Sheila na mayroong benda kasabay niyon ang ang pagtumba ng dalaga.
Mabuti na lang at naging maagap ang binata at nasalo ito.
Hindi nya na papayagang masaktan pa uli ang dalaga.
Kapwa napatingin ang dalawa sa mukha ng isa't-isa.
Di nagtagal ay sa mata nalipat ang tingin nila.
Si Sheila naman ay kanina pa nararamdaman ang pagwawala ng kanyang puso, bagamat nalulungkot ay nangingibabaw ang istrangherong pakiramdam.
Lalo na't nagsimulang lumapit ang mukha ni Jason.
Napapikit si Sheila.
Hindi pa man nakakalapit ng husto ang mukha ni Jason ay naga-assume na ito sa mangyayari.
Napadilat si Sheila ng maramdaman ang labi ni Jason.
Hindi sa kanyang labi, kundi sa noo.
Sa noo sya hinalikan ng binata.
Nakaramdam tuloy sya ng pagkapahiya.
Nginitian sya ni Jason bago sya hinalikan sa ilong.
Matapos nito iyong gawin ay lumapit ang labi nito sa labi nya.
Napakislot pa ang dalaga ng maramdaman ang malambot na labi ni Jason, wala syang ibang nagawa kundi ang pumikit
Papalalimin pa sana ni Jason ang halik ngunit narinig niya ang pagtawag ng ina sa kanila
At ang paghakbang nito ng hagdan.
Sandali lang ang pagdamping iyon ng labi ni Jason sa labi ni Sheila.
Kailangan na nilang maglayo bago pa maka-taas ng hagdan ang ginang.
Sabay na naglayo ang dalawa at lumapit sa ginang na katataas lamang.
Hinalikan sa pisngi ni Jason ang ina, ganun rin ang ginawa ni Sheila, matapos itong batiin ng 'Good morning'.
"Good morning, mom." bati ni Jason sa ina.
"Good morning too, son. I'm done eating, it’s your turn." bumaling si Mrs. Formentera kay Sheila. "You too, Sheila. Eat it before it gets cold. I’m so tired and I need to rest."
"Kadarating n’yo lang po ba?" tanong rito ni Sheila.
"Just a while ago, ija." nakangiting anito at pumunta na ng kwarto para matulog.
Alas-onse nang gabi nang bumaba si Jason. Balak nyang kumain at manuod na lang ng telebisyon ngunit hindi ito natuloy ng marinig nya ang pagtangis ng isang babae na sa tingin nya ay si Sheila kaya't agad nyang pinuntahan ang lugar kung saan ito nagmumula.
Nakita nya ang dalaga sa may terrace, linapitan nya ito. Nakikita nya ang luhang patuloy na bumabagsak mula sa namumugto nitong mga mata.
Natigilan ito nang maramdaman ang presensya nya. Agad sya nitong binalingan at nagpunas ng luha.
Nag-aalala at malungkot itong tinabihan ng binata.
"Hey, what's the matter?"
"W-wala." ani Sheila sa garalgal na tinig.
"Come on, Tell me."
Bumuntong hininga si Sheila bago nag-salita.
"I-Its about Ken, I mean Kenneth. Nakipaghiwalay na ko sa kanya."
Hindi alam ng binata kung ano ang magiging reaksyon, matutuwa ba siya dahil wala na ang lalaki o malulungkot dahil sa kalagayan nito?
Hinawakan ni Jason ang baba ng dalaga at itinaas ang mukha nito para magtama ang paningin nila. Pinagmasdan nya ang magandang mukha nito pati ang mga malungkot nitong mata bago ito pinunasan ng luha gamit ang hinlalaki.
Hindi na nag-abala pang magtanong si Jason kung ano ang nangyari, hinalikan na lang nito ang noo ng dalaga, saka ito masuyong yinakap.
"It's alright... I'm always here."
Habang nakapikit, nakadantay ang ulo ng dalaga sa malapad at matipunong dibdib ni Jason. Ang binata naman ay nakayapos sa kanya ng gabing yon, habang nakaupo sa upuan sa terrace.
Naalala ni Sheila, kanina lamang ay umiiyak pa rin sya at patuloy naman syang pinapatahan ni Jason. Hindi ito umalis ng tabi nya, nanatili lamang ito roon hanggang tumahan sya.
At ngayon nga ay nakatingala ito sa kalangitan.
"Babe."
Naidilat ni Sheila ang mga mata ng marinig ang endearment ni Jason.
Nasisiyahan sya sa tawag nito sa kanya. Nagtaas sya ng mukha at tumingin rito.
"Look at the stars." anito habang patuloy na pinagmamasdan ang kalangitan.
Tumingala si Sheila at namangha sa nasilayan. Napakaganda ng mga bituin. Kalat ang mga ito, yung iba ay nakahilera sa ibat-ibang direksyon at paraan.
"Beautiful." komento ni Sheila habang hindi nag-aalis ng tingin sa mga bituin.
"Yeah." wika ni Jason na kanina pa pala nagmamasid sa maganda nyang mukha.
Hindi pa ito nakuntento at hinaplos ang makinis nyang pisngi.
Dahil doon ay naipukol ni Sheila ang paningin sa binata.
"You're very beautiful." ani Jason at mabilis syang dinampian ng halik sa labi matapos iyon ay ngumiti ito ng matamis sa kanya.
Namula ang dalaga ng husto sa ginawa nito.
"You liked it, huh?"
Pinisil ni Sheila si Jason sa pisngi dahil sa sinabi nito.
"Asa ka!" nangingiting aniya sa binata.
"Let me try it again." anito at akmang hahalikan muli ang dalaga.
"Hep!" pigil rito ni Sheila. "Sumusobra ka na, ah!"
"Sayang! Akala ko makakalusot!"
Natawa silang pareho matapos nito iyong sabihin.
Maya-maya ay tumayo ito.
"It's late. I think we should sleep now."
Tumango ang dalaga at inabot ang nakalahad na kamay ni Jason upang maalalayan s’yang tumayo.
BINABASA MO ANG
Concealed Love
Genç KurguNakakakilig ang mga seloso at possessive na lalaki, hindi ba? Masyadong over-protective. Pero pano na lang kung wala na sa lugar?