CHAPTER 4

948 16 0
                                    

TIIM-BAGANG na napaupo si Jason sa kama, bakit ba sya nagalit ng husto?

Dahil ba sa isiping mayroong manliligaw si Sheila? At maaaring hindi lang iisa ang lumalapit ritong lalaki? Hindi ba't sinabi na nito na mayroon itong manliligaw, kanina lamang ng umaga? Madaming katanungan ang binata na ngayon ay isa-isang pumapasok sa isip nya.

Napahawak si jason sa ulo, nalilito na sya... Why is he getting so confused? 

‘What's with me today?'

KASALUKUYANG nanunuod si Sheila ng mga oras na iyon. Matapos ipagtulakan ni Jason ay nanuod na lamang ito ng telebisyon.

Nang hindi sinasadya ay mapadako naman ang tingin ni Sheila sa papalapit na binata.

'Jason?'

Nakapagtataka para sa dalaga dahil kanina lamang ay ipinagtabuyan siya nito.

Tumabi si Jason kay Sheila sa couch.

"Akala ko ba galit ka? Saka anong gagawin mo at tumabi ka sakin?"

"Ano bang iniisip mo? Yayakapin o hahalikan kita?"

'Aba't! Teka-teka, kanina lang ay galit tong mokong na 'to ah, ba't nag-iba ng mood?' tanong ng dalaga sa isipan.

"Ano ka Sira!?"

Kinuha ni Jason ang remote sa kamay ni Sheila. O, di kaya'y inagaw? At inilipat ito sa channel na ang pinapalabas ay basketball.

Mayroon namang t.v. sa kwarto n’ya pero nandito ang kumag na ‘to at inaagawan ako sa panunood? May sapi yata ‘to eh.

"Akin na nga yang remote!!"

Sobrang nawili na talaga ang binata na asarin si Sheila kaya hindi maiwasan ng huli na hindi makapagtimpi.

Hinila ni Sheila ang remote na hawak ni Jason, pero hindi ito bumitaw, nakipaghilahan pa ito.

"Bitiwan mo nga yang remote!!" inis na wika ni Jason.

Napalakas ang hila ni Jason kaya't pareho silang na out-of-balance at natumba. Pumaibabaw si Sheila kay Jason, muntikan pa nitong mahalikan ang binata.

Agad na tumayo si Sheila.

"Hindi pa nga tayo, hahalikan mo nako kagad?" nakangising wika ni Jason na bahagyang bumangon sa pagkakatumba.

"Ewan ko sayo! Nakakainis ka!" namumulang ani Sheila.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Sheila na nakapatong sa ibabaw ng couch.

Kukunin na sana ito ng dalaga nang bigla naman syang unahan ni Jason.

Concealed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon