Chapter FOURTEEN

414 24 7
                                    

KAORI POV

"Rhys.."

"Bakit? Anong kailangan mo?"

"Bakit? Bakit mo ginanun si Jelay?"

"She's just like my other girls. One night is enough."

Hindi sya makatingin sakin.. Alam ko di sya nagsasabi ng totoo..

"Alam mo bang minahal ka ni Jelay sa loob ng isang gabing sinasabi mo?" nagulat sya sa sinabi ko at napatingin ngunit nag iwas din ng tingin.

"It's not my problem anymore.."

"Ang sama mo. Pinaglalaruan mo ang feelings ng mga babae." nakita ko syang ngumisi..

"Yan na lang sabihin mo kay Jelay. Makikinig naman sayo yun." sagot nya at umakto ng aalis..

"Hindi ako pumunta dito sa New York para lang sa ganyang sagot mo! Di pa tayo tapos mag usap!" bulyaw ko dito na lumingon naman ulit sya.

"So what do you want me to do?!" balik bulyaw nya sakin..

Ano ba nagustuhan ni Jelay sa lalaking ito?? Napaka un-gentleman

"Kausapin mo sya! Explain to her! Kung di mo sya gusto sabihin mo! Hindi yung bigla ka na lang walang sasabihin!" medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao pero di naman nila kami maiintindihan dahil nagtatagalog kami.

Yumuko si Rhys.. Hindi ako sure pero parang may pumatak na luha na agad nyang pinunasan..

"Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya." sabi nya at tumalikod.

"May mga ibang mas nararapat sa kanya. Wag na lang ako." pahabol nito

"Pero ikaw ang mahal nya.. Hindi yung ibang nararapat." parang wala naman syang narinig at tuluyan na syang umalis..

Flashback

"Sino yung tinutukoy mo na mahal mo?"

Tanong ni Jelay sakin.. Handa na ba akong umamin?

Di ako agad nakasagot kaya pinaharap nya ako sa kanya..

"Sino?" ulit na tanong nya..

Kapag sinabi kong sya, mamahalin nya rin ba ako pabalik?

"Kumusta kayo ni Rhys?" gusto ko malaman kung may kahit konting pag asa lang ako bago ako umamin.

"Ganun pa rin. Di nya pa rin ako pinapansin.. Na parang wala lang talaga sa kanya ang nangyari samin sa Hongkong"

That guy is so lucky. Ano bang meron sya?

"Mahal mo pa ba sya?" Please say No and i promise to risk everything to atleast have a glimpse of you being mine.

"Di naman basta basta mawawala kung anong naramdaman ko sa kanya." malungkot na sagot nya..

I saw in her eyes the longing..

"Kalimutan mo na sya Jelay.." kalimutan mo na sya. Andito ako, handa akong burahin ang sakit nararamdaman mo.

"Akala mo ba ganun lang kadali yun? Kung kaya ko lang ginawa ko na Kao." medyo tumaas ang boses nya.. Dahil lang sa sinabi ko na kalimutan nya si Rhys.

Ganun nya ba ito kamahal?
2 nights lang. One night lang sya pinasaya pero minahal nya na! Ang unfair..

Ako nakasama mo ng isang dekada mahigit! Pero bakit di mo ko nagawang mahalin??

"Di mo pa na sasagot tanong ko. Sino yung mahal mo?" kapag sinabi kong ikaw baka di mo matanggap. Baka mawala ka lang sakin.. Ayuko.

"Si Fumiya." Sorry kuya Fumi.. Ginamit ko pangalan mo. Wala na akong ibang maisip e..

Are you my Destiny? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon