Chapter EIGHTEEN

413 33 5
                                    

After ng Birthday ni Jelay ay malaki ang pinagbago nya.

Mas nag focus sya sa pag-aaral, naging mailap sa boys, si Lie, Karina at Kaori na lang ang lagi nitong kasama.

Pinatawad nya si Achi sa hindi nito pagsipot bilang isa sa 18 roses nya ngunit nagkaroon sila ng malaking gap at mas nagfocus si Achi sa pagbabasketball nya. Paminsan minsan ay pinapadalhan pa rin sya nito ng Ice Cream. Madalas ay niyaya din sila ni Kaori nito lumabas na kung minsan ay pinapa unlakan nila.

Samantalang si Kurt at Reign naman ay nagkakamabutihan na. Dahil dito ay bumait na rin sa kanila ang grupo ni Reign.

After Jelay's Birthday, yun na rin ang huling beses na nakita nila in person si Rhys. Tumira sya sa New York at di na muling nagparamdam pa.

Time passes so Quick. Graduating na sila.

Nakatambay ngayon ang 4G sa Restaurant na pagmamay ari ni Jelay. Her first owned Business na dahilan bakit sya naging busy din.

"Mag CR lang ako.." paalam ni Kaori sa mga kaibigan.

Napansin naman ni Jelay ang phone ni Kaori na kanina pa nag Vivibrate.

"Unregistered number? Sino 'to?" dadamputin na sana ni Jelay ang cellphone ni Kaori ng maunahan sya nito.

Pagkakuha ni Kao ng phone ay sya namang layo nya..

Sa malayo ay tanaw ni Jelay ang pagkunot ng noo nito. Mabilis lang natapos ang pakikipag-usap dito ni Kaori

"Sino yun Kao?" curious na tanong sa kaibigan.

"Wala. Di ko kilala." di natingin kay Jelay na sagot ni Kaori.

"Ate Jelay! Kilala ko yun. Si Seth yun! Yung pogi na new transferee. Artista yun e" sumbong naman ni Lie na tumaas ang kilay ni Jelay

"Akala ko ba di tayo magBoboyfriend hangga't di pa tayo na graduate?" halatang inis na tanong ni Jelay kay Kao.

Nang makatapos sa First Year ay naging usapan ng magbestfriend na wala munang mag Boyfriend sa kanila. Focus sa pag aaral. Hinay hinay muna sa love.

" Hindi ko pa naman sinasagot." sagot ni Kaori dito

" WHAT??? NAGPALIGAW KA SA KANYA NG DI KO ALAM?" napataas ang boses ni Jelay dito

"Kahapon lang naman ako pumayag. Sasabihin ko rin naman sayo." walang emosyong sagot ni Kao

"B-Bakit hindi ko ito alam? B-bakit di ko sya kilala??!" halata na galit sa boses ni Jelay kaya hinimas himas naman ni Kare ang likod nito para kumalma.

Samantalang si Kaori ay chill lang.

"Relax ka nga. Try lang naman.." sagot ni Kao

"Try? Para saan? Bakit?" naguguluhang tanong ni Jelay

"Ano ba feeling ng may boyfriend. Masyado ng stressful ang study Je para naman may iba akong pinagkaka abalahan." sagot ni Kaori at nag sip sa coffee nya..

"Yun lang ba?" halos pabulong na tanong ni Jelay na tinanguan naman ni Kaori

"Hindi na ba ako sapat? I-i mean, kaming 4G? Hindi na ba sapat ang sayang nabibigay namin?"

"Romantically. Iba yun." sagot ni Kaori.

Gets na ni Jelay. Bilang tao ay naghahanap na si Kaori ng magbibigay kilig sa kanya na di mabibigay ng kaibigan lang.

"Ah. Ok. Pero gusto ko malaman mo, sa akin sapat ka na."

Sagot ni Jelay at dumiretso sa Office nya.

Are you my Destiny? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon