Chapter SEVENTEEN

390 22 5
                                    

To my Dearest,
             Nakita ko sa mata mo na masaya ka na talaga. Am i selfish if i can't be happy for you? Naiinggit ako sa kanya pero nakikita ko rin na mahal na mahal ka nya.. Higit pa nga ata sa pagmamahal ko sayo. Wala e. Duwag ako. Hanggang dulo duwag ako dahil hindi ko man lang nasabi sayo na mahal kita. Higit pa sa akala mo. Siguro nga hanggang dulo ibubulong ko na lang sa hangin at isusulat sa buhangin ang nararamdaman ko para sayo, baka sakaling marinig mo baka sakaling anorin papunta sayo.

       Paalam sa nararamdaman ko pero hindi sayo.

"Gusto kong mainggit kay Jelay.."

Napakalingon sya sa nagsalita.

"bakit sa dami ng babae sa mundo sya pa nagustuhan ni Rhys? Anong wala ako na meron sya?"

Nakatitig lang ang dalawa kay Jelay at Rhys na nag uusap sa dalampasigan.

"pero nung nalaman ko na gusto mo rin sya. Dun ko naisip na she got that one thing i couldn't have... Her Genuineness."

Napangiti naman ang kausap nito..

"Bakit hanggang ligaw tingin ka lang?"

"Wala naman akong laban.. Galit pa sya sakin ngayon." nakangiting alanganing sagot nito

"Bakit di ka magpaliwanag na kaya ka naLate ay dahil sinundo mo pa si Rhys?" nakibit balikat naman ito

"Achi.. Atleast tell her what you really feel for her. Di biro ang sakripisyo nating from Cebu to Manila to Cebu! Halos kaladkarin mo pa yang si Rhys. Coat mo pa sinuot nya! Hanggang ngayon suot nya pa rin nga." naiiritang pangaral nito

"Criza.. Ok lang ako. Masaya sya, ok na ako. Kapag umamin pko gugulo na naman, baka mawala pa sya sakin." mahinang sagot ni Achi

"Alam mo? Mag inom na lang tayo! Tapos dun mo ikwento lahat lahat! Kung ayaw mo talaga sabihin kay Jelay. Sakin mo sabihin para kahit papano naman mailabas mo." kumbinsi ni Criza na agad sinang ayonan ni Achi.

Alam nya na kailangan nya ito.
--
Black Label ang ininom ni Criza at Achi.

Parang mga batang naghahamon ng bottoms up.

Sa panglimang shot nila ay tawang tawa sila at nararamdaman na nila ang medyo pagkahilo.

"Go! Kwento!" utos ni Criza kay Achi.

Flashback #1

"Bro! Bro!" tapik ni Kurt kay Achi.

"Bakit?" iritang tanong nito.

"Ano kaya maganda kong ilagay dito?" tanong ni Kurt kay Achi..

Tinignan naman ni Achi ang tinutukoy nito..

"Sino pagbibigyan mo?" curious na tanong ni Achi..

Nakita nya kasi ang paper bag na may lamang chocolate. Malamang ang letter ay para sa babaeng pagbibigyan ni Kurt

"Basta.. Ano lalagay ko?"

"You're a blessing to everyone. Keep smiling." sagot ni Achi kay Kurt
---
ACHI POV

"Hindi ko alam kelan nagsimula. Nung nagchechess ba kami? Basta simula nung unang araw nahumaling ako sa ngiti nya. At yung araw ng unang nanuod sya ng Basketball Game namin. Dun ako natakot sa sarili ko."

Flashback #2

Nakita ko na dumating na ang mga kaibigan ko kaya nilapitan ko agad sila.

"Hello Guys! Salamat at nakapunta kayo!" masiglang bati ko sa kanila pero di ko maiwasan sumulyap kay Jelay

"Wala yun.. Ikaw pa ba? Malakas ka kasi sakin.." sagot ni Lie na kinindatan pa ko.

Are you my Destiny? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon