Chapter TWENTY

507 25 11
                                    

"Alamin mo muna Jelay dahil ayuko ng maging kaibigan mo lang" mababakas ang pagka gulat sa muka ni Jelay

"A-ano ibig mong sabihin?" utal na tanong nito

"I'm crossing the line! I don't want to be your friend anymore. I want more of you! I want you. I love you!" naiiyak na pag amin ni Kaori...
"Sorry...Sorry for crossing the line." At di na napigilan ni Kaori ang sunod sunod na pagpatak ng luha nya..

"Pero sabi mo noon hanggang kaibigan lang? Kaibigan lang tingin mo sakin." naguguluhang tanong ni Jelay.

"Ang tanga mo! Ang manhid mo kahit kelan!!!" bulyaw ni Kaori dito na pabalibag na sinara ang pinto ng kotse at iniwang tulala si Jelay.

Nakita ni Achi ang buong pangyayari at ng mapansing di umaalis si Jelay sa kinakatayuan ay nilapitan nya ito..

"Je.." tawag ni Achi dito na nagpalingon sa kanya..

"Achiiii!!!" umiiyak na takbo ni Jelay kay Achi at niyakap ito..

"Sshhh.. Magiging ayos din ang lahat." pag aalo ni Achi

Patuloy lang sa pagiyak si Jelay kaya inuwi sya sa kanila ni Achi..

Pagdating sa Mansion nila Jelay ay agad na binigyan ng tissue at ice cream ni Achi si Je..

Kinain naman ito ni Jelay at maya maya ay nahinto na sa pag iyak.

"Ok ka na ba?" tanong ni Achi dito.

"Thank you Achi.. Thank you for always being there for me." ngumiti lamang si Achi sa sinagot ni Jelay..

Nanunuod na sila ngayon ng Movie..

Nakaramdam ng antok si Jelay kaya humilig ito sa balikat ni Achi..

Nakaramdam naman ng kaba and uneasiness si Achi ngunit di nya magawang tanggalin ang ulo ni Jelay sa balikat nya kaya pinabayaan nya na ito..

Malapit na matapos ang pinapanuod nila... Ang kwento ay tungkol sa babaeng naghahanap ng pag-ibig at natagpuan ito sa taong andyan lang pala sa tabi nya noon pa.

"Je..." mahinang tawag ni Achi sa pangalan ni Jelay.

"B-bakit di mo nasagot kanina tanong ni Kaori? I-i mean... Mas matagal mo syang nakasama, mas marami na kayong napagsamahan pero bakit hindi  sya ang sagot mo kung sino samin mas mahal mo?"

"Ayuko ng ganung tanong.. Parehas ko kayong mahal." mahinahong sagot ni Jelay

"Jelay.. What if parehas kami ni Kaori?" muling tanong ni Achi

"Parehas na ano?" balik tanong ni Jelay

"P-parehas ka naming gusto.. Higit pa sa isang kaibigan. Magagalit ka ba samin?"

"Hindi ako magagalit. Mahal ko kayo parehas kaya di ko magagawang magalit sa inyo."

Bumuntong hininga si Achi..

"It's now or never. Bahala na, kahit ngayon lang lalakasan ko na loob ko." Kausap ni Achi sa sarili.

"Jelay.. I love you." mahinang sabi ni Achi ngunit sapat na para marinig ni Jelay.

Ngumiti lang si Jelay at di sumagot.
Hinihintay ni Achi ang magiging reaction ni Jelay ngunit wala syang nakuha kaya naman lumayo sya unti kay Jelay at tinignan ito sa muka..

Nakangiti lamang si Jelay kay Achi.

"B-bakit wala kang reaction?" kinakabahang tanong ni Achi.

Hinawakan ni Jelay ang kamay nya..

"Achi.. Alam ko. Nung debut ko nalaman. Tinanong ko si Rhys kung pano sya nakapunta dun at sabi nya nga.. Ikaw daw. You made an effort na sunduin sya, nagpasama ka pa kay Criza dahil no choice ka na. Sobrang na appreciate ko yun. Pilit akong tinutulak palayo ni Rhys kaya sinabi nya sakin na ikaw daw ang piliin ko. Sinabi nya sakin ang araw araw na pagluluto mo para sakin, sinabi nya rin na ikaw ang nakakatext ko madalas at hindi si Kurt, ikaw rin ang nag set up ng date namin ni Kurt. Alam ko lahat ng ginawa mo at ginagawa mo.. Hindi ako nakaramdam ng kahit konting galit sayo. Napaka ungrateful ko naman diba? Pasensya na kung nilayuan kita nun. Sobrang gulong gulo ako nun. Magkakaibigan kayong tatlo ni Kurt at Rhys. Di ko magawang may piliin sa inyo at may masasaktan. Pinili ko na i-distansya ang sarili ko sa inyo. Pero minsan hinahanap pa rin kita. Namimiss kita kaya sumasama pa rin ako sayo... Achi, maniwala ka. Mahal kita. I want to treasure you forever, so let's just stay friends."

Are you my Destiny? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon