Chapter 28

414 15 12
                                    

KAORI POV

Pag gising ko ay wala na si Jelay sa tabi ko..

Umaga na at tapos na ang aming gabi.

Wala akong ganang bumangon.. Ilang minuto o baka inabot ng oras na nakatulala lang ako sa kisame.

Ngunit kailangan ko ng harapin ang tunay na mundo.
Habang dinadampot ang mga damit ko at sinusuot ay napansin kong may pagkain sa side table ko. May maliit na papel nakaipit dun kaya kinuha ko ito.

It's YOU always.

Simple note mula kay Jelay.

Kinain ko agad ang hinanda nya, ninamnam ko ang bawat karne ng Steak.. Inunti onti ko ito.. Kung pwede lang na kainin ko ito sa mga susunod pang araw ay titipirin ko talaga ito pero hindi maari.

May mga bagay na di maaari. May mga bagay na kahit gusto mo ay di pwede.

Pagkatapos ko kumain ay dumiretso ako sa kwarto ni Jelay.

Ewan ko bakit, siguro nagbabakasakali na andun pa sya.

Ngunit wala na sya...

Amoy na amoy ko pa rin sya dito.. Dinampot ko ang unan nya at inamoy ito.

Pakiramdam ko andito pa rin sya. Kasama ko pa rin sya.

Humiga ako sa kama nya at niyakap ang unan nya..

Para akong baliw na hinahalik halikan ang unan nya.. Hanggang sa di ko mapigilan ang pag iyak..

Hinarap ko sakin ang unan tsaka ito kinausap..

"Kumusta ka na? Siguro nasa eroplano ka pa ngayon.. Pagdating mo ng Pilipinas magkaka Jetlag ka kaya uminom ka ng gamot ha? Wag kang magpapasaway kay Ate Ailyn.. Malaki ka na! Galingan mo ha? Yung business na tinayo mo, iniwan mo pa talaga para sakin.. Sana walang naging problema sa Cafe mo habang wala ka dun kasi alam ko pangarap mo yan e. Andyan ang pangarap mo at andito rin ang akin."

Muling niyakap ni Kaori ang unan.

"Baka hanggang dito na lang talaga tayo.. Baka, sana sa susunod na libro tayo naman ang bidang magkakatuloyan sa dulo."

"Jelay? Gusto kitang pigilan umalis. Gusto ko dito ka lang pero ang selfish ko naman kapag ganun. Jelay, bakit sa pag alis mo parang sinama mo buong pagkatao ko? Wala akong ibang maramdaman kundi sakit"

"Hindi ba talaga tayo pwede?"
-----------

Pagdating ni Jelay sa Pilipinas ay sinalubong sya sa airport ni Karina at Lie na may buong ngiti.

Agad syang tumakbo palapit sa dalawa at hindi napigilan ang pag iyak.

"H-hindi ko sya kasama.." umiiyak na saad ni Jelay

Hinagod hagod ni Karina ang likod ni Jelay

"Sssshhh.. Umuwi muna tayo. Ihahatid ka na namin." pag-aalo ni Karina sa kaibigan.

Inalalayan nilang dalawa si Jelay dahil halata ang pagod nito sa biyahe at iyak pa ng iyak.

Pagdating nila sa Mansion nila Jelay ay agad nila itong pinagkwento dahil hindi pa rin ito natigil sa pag-iyak.

"Anong nangyari?" alalang tanong ni Karina

"Anong nangyari? May nangyari samin.." sagot ni Jelay habang nangiti pero patuloy pa rin sa pag agos ang luha.

"Kaya nga, anong nangyari sa inyo?" mukang di nagets ni Karina ang sinabi ni Jelay kaya ngumiti na lang ulit sya at pinunasan ang mga luha nya..

Inabotan naman sya ng tissue ni Lie.

Are you my Destiny? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon