"Hindi ko 'to malilimutan. Hindi kita malilimutan." - Jelay
RHYS POV
Napangiti ako habang pinagmamasdan syang nanunuod ng fireworks..
Ito ang dahilan bakit di ako nakasabay sa kanya kumain kagabi..
Hinanda ko ang lahat..
First time.. First time ko itong ginawa.
At sobrang sulit ng makita ko ang ngiti nya..
Ngayong madaling araw ang balik namin sa Pilipinas.
Sa pagbalik namin, babalik na din ako sa realidad.. Sa tunay na mundo kung saan hindi lang ikaw at ako, at hindi tayo.
Kung anoman mangyari sa pagbalik namin ay masaya na ako.
----
JELAY POV"WELCOME BACK ATE JELAY!!!" masayang salubong sakin ni Lie at Karina..
Nagpalinga linga naman ako hinahanap ko ang imahe ng taong labis kong namiss..
"Hi!" - Kurt
Narinig kong bati sakin ni Kurt. Hinarap ko sya at nakita kong ngiting ngiti sya...
Ewan ko pero naiilang ako sa kanya ngayon..
"Hello.." sagot ko na lang sa kanya..
Lumapit naman sya at niyakap ako..
Nakita ko naman ang likod ni Rhys na palayo na sakin..
Di man lang nagpaalam..
"Hoy! Tama na yan! Miss na miss ang isa't isa?" biro ni Kare.. Di ko namalayan na magkayakap pa pala kami ni Kurt kaya agad akong bumitaw ng matauhan ako..
Pero teka!!
"Asan si Kaori???" nagtatakang tanong ko.
"Di ka pa nag oopen ng phone mo nuh? May sakit sya ngayon." sagot sakin ni Achi.
"Huh?"
"Nagka LOVEnat.. Wala ka daw kasi. Hahahaha" natatawang pang asar ni Kare
"Sira! Seryoso? May sakit Kaoni ko? Kelan pa?" sunod sunod kung tanong.. E kasi naman di yun sakitin e....
"Kahapon pa.. Dun kna lang dumiretso sa kanila bigyan mo ng Yakapsule at Kisspirin.. Need na rin kasi namin umuwi dahil madaling araw pa lang." sagot naman sakin ni Lie
"Eh sinong maghahatid sakin dun? May mga dala ako." akala ko naman mga sundo ito..
"Kami na lang ni Achi.." volunteer naman ni Kurt..
Nahihiya talaga ako sa kanya.. Na-guguilt? Ewan pero pumayag na rin ako.
--
Andito na kami sa kotse ni Achi.. Magkatabi kami sa likod.. Walang nakibo samin kaya si Achi na bumasag ng katahimikan.."Kumusta gala nyo Je?" tanong ni Achi sakin habang nakatingin pa rin sa kalsada.
"Ayos naman. Sa hongkong kami e." tipid kong sagot.. Ayukong magkamali ng sasabihin..
"E kumusta kayo ni Rhys?" - Kurt
"H-huh? K-kami ni Rhys? A-yos lang.. Puro away.." myghad! Bakit ako nauutal??
"Hahaha... Di ka naman nya siguro sinaktan?" - Achi
"Siya saktan ko e! Hahaha" natatawang sagot ko kay Achi.. Medyo gumaan naman ang paligid..
"Osya, andito na tayo.." sabi ni Achi at hininto na ang sasakyan..
"Salamat Achi and Kurt." At nagmamadali na akong bumaba para makatakas na kay Kurt at dahil na rin gusto ko na makita si Kaori.
BINABASA MO ANG
Are you my Destiny? (COMPLETED)
FanfictionHappy Shipping lang po ito. This story is about JelRi /JelRhys and KuLay. May kanya kanyang moment yung mga nabanggit kong ship so, tiis lang. hahaha and i'm not a professional writer so bare with me. Libangan lang. FAN FICTION ONLY