Epilogue

707 34 9
                                    

After 8 years....

"Christian Dale!!!"

"Uy, ano na naman ba yan? Sinisigawan mo ang bata.."

"Yan! Kampihan mo pa yan Oinuma kaya na sspoiled yang anak mo e!"

"Excuse me Pilones! Anak mo rin yan.. Tsaka ang sungit sungit mo sa bata."

"Di ako masungit, tingnan mo ginawa nya. Pinunturahan nya ang kwarto nya." reklamo ni Jelay sa kanyang asawa

"Gusto lang maging painter ng anak natin. Ayaw mo nun? Bata pa lang artistic na.. Diba baby?" lambing ni Kaori sa bata

"Uurrrgggh! Ang kalat kalat! Magsama kayong dalawa! Lagi naman kayo nagkakampihan!" tsaka lumabas ng kwarto si Jelay na akala mo'y nag tatantrums

"Baby, wag mo na uulitin yun ha? Tingnan mo si Mommy mo na stress.. Alam mo namang bawal ma stress si Mommy baka mapahamak kapatid mo sa loob ng tiyan nya.." paliwanag ni Kaori sa anak.

"Gusto ko mag Paint Mommy.." naka pout na saad ng bata.

Napapangiti naman si Kaori dahil kamukang kamuka ito ni Jelay..

Ito ang first baby nila ata tatlong taon na ito.. Si Kaori ang nagbuntis sa kanya ngunit Cell ni Jelay ang ginamit at donor na di nagpakilala..

"Osige, bibilhan kita ng gamit ha? Basta wag ka na lang sa pader magdradrawing kasi magagalit si Mommy.." masaya namang tumango tango ang bata

"Tara, puntahan natin si Mommy mo. Lambingin natin kasi topakin yun, gusto lang ng lambing. Hehehe" tumawa naman si Christian sa sinabi ng kanyang Mommy..

Nakita nilang nakahiga si Jelay sa kama nilang mag-asawa.
Tinabihan naman ito ni Kaori at niyakap mula sa likod..

"Looove.." lambing nito sa asawa at saka hinalikan sa pisngi at niyakap

Humiga naman sa kabilang side ni Jelay si Christian.

"Mommy, sorry na.." natatawa naman si Kaori dahil para syang nakakakita ng maliit na Jelay

"Kiss mo si Mommy ng dami dami.." seryosong saad ni Jelay na agad sinunod ni Christian..

"muah muah muaaah" sabi ni Christian at sumiksik pa ng yakap kay Jelay

"I love you Mommy.."

"Pakiss din ako dami dami.." singit naman ni Kaori sa lambingan ng dalawa

"Wag ka na.. Malaki ka na!" pang asar ni Jelay dito

"Ah ganun? Sige. Wag kang tatabi sakin mamaya."

"Oo, dun ka sa sofa." balik sagot ni Jelay

"Ba't ako dun?"

"Ayaw mo tumabi sakin e. Bahala ka dyan"

"Joke lang naman.. Di ka naman mabiro.. Uy, Christian.. Matulog ka na sa kwarto mo. May pag uusapan kami ni Mommy mo." utos ni Kaori sa anak

"Bakit mo pinapaalis anak ko?! Dito ka lang baby.." sabat ni Jelay na niyakap pa si Christian ng mahigpit

"Ok. Ako na lang lalabas.. Sino kaya pwedeng tawagan ko? Si Seth? Si Ali, Si Lance...."

"Christian baby labas ka na.. Puntahan mo si Yaya, tulog na kayo" di na pinatapos ni Jelay ang sasabihin ni Kaori.

Tulad pa rin sya ng dati na sobrang selosa kaya natutuwa si Kaori kapag inaasar nya ito..

Agad naman sumunod si Christian sa utos ng kanyang Mommy..

"Subukan mong may tawagan talaga.. Lalayas kami ni Christian dito. Iiwan ka namin!" pananakot ni Jelay dito na kinatawa naman ni Kaori

Are you my Destiny? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon