#1 The Introduction

32 2 2
                                    


Antipolo Hills, Antipolo City

January 2020

What's up everybody!

Welcome to the first entry of my blog. Dito ko ipopost ang mga thoughts, ideas, kung ano ba pinagkakaabalahan ko at kahit ano na maisip kong isulat na mababahagi ko sa inyo.

Sa mga hindi pala nakakakilala sa akin ako pala si Forfatter, syempre hindi ito ang tunay kong pangalan, gusto ko manatiling anonymous kasi hindi ko naman kailangan ng acknowledgement and recognition sa gawa ko. Gusto ko lang magshare ng ideas sa inyo.

So tawagin nyo na lang akong Forfatter, from the Danish word meaning writer. Hindi kayo naniniwala? Search nyo sa Google translate. I'm twenty-six years old. Katulad ng nakakarami sa inyo ako rin ay aspiring author kaya para sa akin ito ang isa sa paraan para mag-develop ang writing skills ko. Active kasi ako dati sa Wattpad na almost everyday may bagong chapter akong napopost pero tinamaan ako ng writer's block and naging busy na ako sa buhay. Mahigit three years ang lumipas noong huling beses akong nagpost sa Wattpad.

Ano ba yan ang dami ko nang nasabi nakalimutan kong batiin kayo ng Merry Christmas and Happy New Year. Sa paskong nagdaan sigurado ako madami kayong nagastos at madami kayong kinain kaya ngayong bagong taon kailangan muling mag-ipon ng salapi at magbawas ng timbang. Hindi lang iyon, siyempre kailangan nating magbago as a person. Tayo din naman kasi ang makikinabang sa mga bagay at gawain na ating gagawin.

This New Year gusto kong i-share sa inyo ang isang quote na nabasa ko sa The Achievement Factory by Andrii Sedniev: "I am 100% responsible for everything that happens in my life. My actions, not the circumstances, create my future." Para sa akin ang ibig-sabihin nito ay tayo ang responsible sa anumang bagay na mangyari sa atin either good or bad. Oo may mga problemang darating pero lahat naman ng iyon ay may solusyon kung pursidido tayong maresolba iyon. Hindi tayo babagsak sa school kung nag-aral tayo ng mabuti, hindi tayo mala-late sa trabaho kung gumising tayo ng maaga (alam ko traffic pero kung gigising tayo ng mas maaga hindi tayo maabutan ng heavy traffic).

Ang gusto ko lang sabihin ay wag nating isisi sa iba anumang masamang mangyari sa atin. Ang ating sarili ang responsible. Kaya ngayong bagong taon wag magsawang maglista ng "New Year's resolution" kasi pinapakita nito na meron tayong goals ngayong taon. Meron tayong plano na baguhin ang ating sarili. Sa pagbabagong iyon mahahanda natin ang ating sarili sa mga problemang darating.

Hindi pa huli ang lahat, ngayong bagong taon magbagong buhay na din tayo. Itama na ang mali, ayusin na ang dapat ayusin, nabigo ka noon gamitin mo iyon bilang aral sa iyong pagtagumpay. Huwag mo hayaan ang sarili mo na magmukmok sa tabi. Bumangon ka at ayusin mo ang sarili mo kasi walang iba ang gagawa nun para sa iyo. Take a risk and live your life.

P.S Sinulat ko itong first blog ko habang nagpapautok sila sa labas at 12:24 am na January 1, 2020. So this is it New Year and new life for me. I will update every week or twice week. Next update is more about myself.

What's UpWhere stories live. Discover now