Kabanata I

14 2 1
                                    

Aica's POV

Maaga akong gumising para maghanda ng pagkain dahil alam ko na may lakad na naman si kuya.

Pagkababa ko ay nagulat na lang akong nakapaglinis na at may niluto na rin.

Parang kinabahan ako sa nangyayari, hindi hilig ni kuya ang mag-gayak sa umaga. Naluluha pa akong lumapit sa lamesa nang may mapansin akong papel doon, kinuha ko iyon at binasa.

Good morning baby girl!
Hhhmmm.. sorry di na nakapagpaalam ng maayos si kuya, medyo nagkainitan yata kasi tayo kagabi eh. But I hope you understand. Wag ka ng magalit, okay? May mission si kuya at hindi sure kung kailan matatapos, so take care of yourself, okay? Mahal na mahal ka ni kuya, I love you baby girl.

Tumulo ang luha ko sa nabasa ko.

I-ilang buwan? Eh isang linggo nga lang s'ya na 'di umuwi nababaliw na ako sa pag-aalala, tapos ngayon ilang buwan?!

Nanghihina akong umupo sa upuan at hinayaang umagos ang luha ko.

Nakakainis! Alam n'ya na mag-aalala ako at hindi ako papayag na umalis s'ya kaya hindi s'ya nagpaalam, alam ko na yun ang dahilan! Tsk.

Tumayo ako at kinuha ang baril ko sa ibabaw ng ref.

Mas okay pa na mag ensayo.

Nagbihis ako bago pumunta sa training area ko, nasa bandang gitna ng isla El Fuenco ang bahay namin kaya hindi marami ang naliligaw sa pagdalaw doon bukod sa rason na pribadong isla ang El Fuenco dahil pag-aari ito ng King ng Royalties at dahil na din sa marami ang mababangis na hayop dito.

****

Sunod-sunod na putok ng baril ang ginawa ko pero hindi parin ako natuwa sa pagbagsak ng 10 bote na nakahelera. Inis kong ikinasa ang baril ko at itinutok iyon sa isang kutsara na nasa bato.

Bang!

Lumipad iyon at mabilis kong inasintang muli, pero hindi pa ako naaliw kaya paulit-ulit ko iyong pinaputukan at tila ito nagsasayaw sa ere ng dahil sa ginawa kong paglalaro. At sa huli, inasinta ko iyon at pinatama sa isang puno.

Tsk! Nakakainis ka DARK!

Humihingal akong nagkasa ng baril ko nang biglang-----


Napalingon ako sa likuran ko dahil sa palakpak at bumungad sa akin ang hindi kilalang magandang babae.

"Hindi ko alam na may bisita ako." Seyosong tingin ko sa kanya

Hindi p'wedeng hindi s'ya kasali sa Royalties dahil hindi s'ya makakapasok ng isla kung ganoon.

Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa at wala akong nakikitang bakas ng lakas sa kanya o peligro.

Naka high heels itong pula at long gown na pula, at makapal ang kolorete sa mukha na bumagay naman sa kanya, maputi sya, matangkad at makinis, hindi mapagkakaila ang kagandahan at alindog.

Ngumiti lang ito ng matamis sa akin at tiningnan ang baril ko.

"Hindi ko alam na ang batang dinala ni Dark ay isa na palang sharpshooter." Nakangiting saad nito at bahagyang lumapit sa akin bago kinuha ang baril ko

Your Dearest KarmaWhere stories live. Discover now