Aica's POV
Parang tanga akong nakatitig sa kanya na nakaupo sa sofa sa tapat ko, sya naman ay nakatingin din sa direksyon ko pero tila lampas sa sarili ko. Napakamot ako sa batok dahil sa bahagyang pagkailang dahil parang magtititigan kami kahit ang totoo ay hindi naman.
"Aaahhh.. hmmm..s-sir, b-bakit po pala wala kayo kasama?" Pagbasag ko sa katahimikan na namumutawi sa paligid
"I don't think I must answer that, miss." malamig at seryosong sagot nito na hindi man lang nawala ang paningin este mata lang kasi wala syang paningin sa direksyon ko.
"I-I am j-just curious since, in your situation kailangan po talaga ng----"
"You applied as my personal maid, right?" Nakangising tanong nito bagamat hindi ko malaman kung masasabi pa bang sa akin pa sya nakatingin dahil bahagyang nalihis ang kanyang mga mata
"Y-yes sir." Tila kinakabahan kong sagot
"Then act like one. I almost forget that you are my maid, cause you act like a media reporter." Masungit na saad nito bago tumayo at tumalikod
Kumapa-kapa sya paligid nya, at sobrang nakakatawa nyang tingnan! Isipin mo? Kung makayabang sya akala mo naman kayang mabuhay mag-isa! Tsk. Yabang.
Hinabol ko ang mga kamay nya at pilit syang inalalayan, sa nga oras na ito, malapitan kong nakikita ang mukha nya bagamat nakasideview sya ay maaninag mo kung gaano sya ka gwapo. Lalo mong makikita ang kataasan ng kanyabg pilik mata at ng kanyang ilong.
"Stop staring me." Malamig pero mahina na utos nya
Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya. Paano nya naman nalaman na nakatingin ako? Sabagay, miyembro sya ng Royties dati, hindi malabo ang talas ng pakiramdam nya.
Huminto kami sa tapat ng isang pinto ng kwarto at kumapa-kapa sya doon pero tinabig ko na lang ang kamay nya at binuksan ang pintuan.
"Okay na sir." Sabi ko ng may ngiti sa labi na tila ba nakikita nya ang ginagawa ko
"May kwarto sa kabila, kulay asul ang pintuan, kita mo?" Biglang sabi nito na malayo aa usapan
Napamaang na lamang ako at sinilip ang pinto ng katabing kwarto
"Y-yes sir." Agad kong sagot
"Yan ang gamitin mo, medyo magulo yan dahil walang gumagamit. Pero malinis naman." Pagbibigay impormasyon nito bago pumasok sa loob
Napatango na lamang ako sa sinabi nya at dala ng kyuryosidad ko ay sumilip ako sa kwarto nya, malinis yun at maayos ang pagkaka arrange ng mga gamit, bagay na nakapagtatala dahil mag-isa lang naman sya.
Pero baka naman kasi may pumupunta dito minsan?
Pumasok sya sa kwarto nya at hinayaan na ako sa labas habang hawak ang doorknob.
Bakit kaya hindi ako pumasok?
Napangisi ako sa ideyang pumasok sa utak ko, kung sabagay nga naman kasi, hindi nya naman ako nakikita at hindi naman ako nagpabango kaya malabong may maamoy sya, hindi ba?
Pumasok ako sa kwarto at isinara ang pinto upang kunwari ay isinara ko mula sa labas, nakatayo ako sa isang sulok at pinagmasdan syang kumilos.
Mahinahon iyon, mukhang hindi nya nga alam na nasa loob ako. Pumunta sya sa salamin na tila ba mananalamin samantalang wala naman syang nakikita, tsk.
"You will pay your action, because your curiosity takes you here." Mahinahong saad nito habang nakatingin sa salamin
Fuck! Tumayo lahat ng balahibo ko pagkasabi nya nun, malalim ang boses nya pero napakalamig, at parang ako ang sinasabihan nya kaya sobrang kaba ang naramdaman ko.
Bigla syang ngumiti dahilan kaya lalong nanindig ang balahibo ko, mukhang nakikita ko na ang isang maaring dahilan kung bakit sya pinapakuha ni King. Mukha syang demonyo sa ngiti nya pero napakagwapong demonyo.
Yumuko sya at ambang maghuhubad na ng damit,
W-what the---- tumalikod ako dahil maghuhubad na sya sa harapan kooo!
Wait teka? Hindi sa harap ko, hindi nya naman kasi alam na nandito ako eh.
"I think you must go out now." Malamig na saad nya dahilan kaya dahan-dahan akong lumingon sa kanya
Nakatayo lang sya sa harap ng salamin at suot ang damit, mukhang amba nya kang yun, at teka? Alam nya na nandito ako?
"Tsk. Please go out, miss. Hindi maganda tingnan na ang isang babae at lalaki ay nasa loob ng iisang kwarto." Malamig pa rin nitong saad
Tumayo ako ng maayos
"Ehe-ehem, ahhh ehhh o-opo, n-natatakot po k-kasi ak-ko mag-isa. S-sorry po." Uutal-utal kong paalam bago naglakad binuksan ang pinto
"B-bye!" Sigaw ko at lumabas na ng kwarto nya
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nangyari. Grabe, kinabahan ako dun. Paano nya kaya nalaman na nasa loob ako? Hindi naman ako mabango, at hindi rin ako nag-ingay!
Nagmamadali akong tumungo sa kwarto na sinabi nyang tutulugan ko at agad na hinubad ang lahat ng suot, kailangan kong malgo at magpalamig, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at inamoy pa ito.
"Ang bango talaga ng bu------ fuck! Ikaw ang may kasalanan!" Bigla kong sigaw nang maalala ang nangyari kanina
"Bakit ka ba kasi mabango? Aish! Kasalanan to ni kuya! Ang bango ng shampoo na binili nya! Aish!" Reklamo ko at imbis na pumunta ng banyo ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama
Gosh! Hindi na ako maliligo! Ayaw ko na! Nabulilyaso ang plano ko ng dahil sa pagligo!
Tumayo ako at pumunta sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili.
"Ang ganda ko, ang ganda ng katawan ko, sayang at hindi ko magagamit sayo, hindi kita malalandi dahil wala ka namang makikita. Tsk!" Inis kong sabi habang nakatingin sa salamin
"At bakit ko naman pala gagawin yun? Tsk! No way! Napaka etsuserong frog nun tapos ipagkakaloob ko pagkababae ko? Nooo way!" Inis kong dagdag bago padabog na bumalik sa higaan at ibinagsak ang sarili.
Nakahiga ako sa kama, nakalugay ang mababangong buhok, walang suot na kahit na isang saplot at ang mga paa ay nakatapak parin sa lupa, gumapang ang kamay ko mula sa pusod ko paakyat sa leeg ko hanggang sa buhok ko, bakit? Ewan ko naaabnormal yata ako.
"Tsk. Gwapo sana kaso suplado" bulong ko sa hangin
Pumukit ako ng panandalian nang
(Eeekkk, kunyari tunog yan ng pinto)
Mabilis ako dumilat at napatalon sa gilid ng kama ko at doon nagtago.
Fuck nakakahiyaaaaa!!!!
YOU ARE READING
Your Dearest Karma
RandomAica Creznaya Valdez, isang dalaga na naulila limang taon na ang nakakaraan nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari at hindi malamang dahilan. Nais nyang matuklasan ang misteryo sa pagkawala ng kanyang mga magulang at mangyayari lamang iyon kung g...