Aica's POV
Tahimik ako na sumunod kay kuya Dark, hindi ko alam pero natutulala talaga ako pag s'ya na ang kaharap ko. Lalo pa ngayon na ang tagal ko na s'yang hindi nakikita, ang gwapo n'ya.
Tumigil kami sa paglalakad pagkapasok na pagkapasok namin ng bahay at maisara ang pinto. Nanatiling tahimik ang paligid habang ako ay pinapanood ang napaka-g'wapo n'yang mukha kahit pa sideview lang ang nakikita ko.
"Anong ginagawa mo sa bahay ni Nathalia? Doon ka ba namamasyal mula nang umalis ako?" Natutulirong tanong ni kuya at humarap sa akin
"Opo, nakasanayan ko na ang magpunta doon at makiligo ng dagat." Sagot ko habang nakangiti sa kan'ya at mataman na tinitigan ang mga asul n'yang mata na nababasahan ko ng pag-aalala.
Tumingala ito upang humugot ng malalim na hininga at yumuko ng bahagya upang ibuga ito, bago muling nag-aalalang tumingin sa akin.
"I missed you." Tila paos ang boses n'ya nang sabihin ang mga katagang yun.
Tila may humaplos sa puso ko nang marinig yun, na parang gusto kong tumalon sa kilig pero hindi ko iyon nagawa.
Hinila n'ya ang braso ko upang mapaikli ang distansya namin bago ako mahigpit na niyakap.
Amoy na amoy ko ang mabango n'yang pabango kaya idiniin ko ang ulo ko sa dibdib n'ya upang lalo pa itong maamoy.Tumagal kami ng ilang minuto sa ganoong pwesto, kumalas s'ya sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mga mata bago ako binigyan ng isang ngiti.
"Wag na wag kang gagawa ng bagay na ipag-aalala ni kuya, ha? Ayoko na masaktan ka, ayoko na mapahamak ka. Naiintindihan mo ba yun?" Nag-aalalang paalala nito
Kung alam mo lang kuya, mahal na kita higit pa sa inaakala mo, at kung ayaw mo ako masaktan doble nun ang nararandaman ko.
Ginantihan ko lang s'ya ng matamis na ngiti.
"Hindi ako mapapahamak dahil alam ko na darating ka para protektahan ako, hindi ba Razen?" Nakangiti kong saad at tinawag pa s'ya gamit ang totoong pangalan n'ya, pero imbis na pagsang-ayon ay iba ang natanggap ko na sagot mula sa kan'ya.
Naging blangko ang ekspresyon n'ya na nakatingin sa mga mata ko.
"I can't promise to be by your side forever Aica. Prinsipe ako ng palasyo na ito at gagawin ko ang lahat protektahan lang ang kahariang ito." Malamig na sagot n'ya bago ako tinalikuran at naglakad na palayo, pero bago pa man s'ya umakyat sa taas ay lumingon sya sa akin.
"Kumain ka na lang dyan kung nagugutom ka, naghanda na ako. Matutulog na muna ako kaya ikaw na bahala dyan." Saad n'ya bago naglakad paakyat sa hagdan.
Kung minsan hindi kita maintindihan kuya....
Nang pumasok s'ya sa kwarto ay nanlulumo na din akong pumunta sa kwarto ko.
I missed him! I want to stare him, to hold him tight and never ever let him go again, but I can't....
Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay dumiretso na ako sa kama at ibinagsak ang katawan ko.
Tomorrow won't be easy for me, halos ilang araw na lang ang preperasyon para sa misyon na iniatang sa akin, kailangan ko ng double time, and to be more passionate to the training para hindi ako pumalya, dahil kung totoo ang sinasabi ni Nathalia na isa itong taksil sa grupo tiyak na matalino ito, mailap at matinik.
Pero paano ako mag do-double time kung nandito na si Kuya?! Hindi n'ya p'wedeng malaman ang misyon, pero matalino si Dark kaya paano ko itatago?
"Hayst!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isiping imposible kong maitago kay Dark ang misyon sa mahabang panahon. Kailangan n'ya na umalis, kailangan magkaroon s'ya ng rason para lumayo ng matagal!
YOU ARE READING
Your Dearest Karma
RandomAica Creznaya Valdez, isang dalaga na naulila limang taon na ang nakakaraan nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari at hindi malamang dahilan. Nais nyang matuklasan ang misteryo sa pagkawala ng kanyang mga magulang at mangyayari lamang iyon kung g...