Kabanata II

4 0 0
                                    

Aica's POV

Tahimik at wala akong marinig.
Pula ang palagid at iilan lang ang ilaw, sapat lang para makita ko ang ilan sa mga disenyo ng kwarto.

Yan ang nadatnan ko nang imulat ko ang mga mata ko. May isang upuan na nakatalikod at nakikita ko mula doon ang kamay ng isang babae na bahagyang nakalabas at naka white gloves.

"S-sino ka?" Utal na tanong ko

Nakatali ako sa isang silya at ramdam ko pa rin ang hapdi sa likod ko. Kaya kong makaalis sa pagkakatali pero hindi ako magpapadalos-dalos dahil alam ko na p'wede akong mamatay nang walang ibang nakakaalam.

"Gising ka na pala, binibini." Maginoong boses ang sumagot pero hindi n'ya nasagot ang tanong ko.

Teka wait? L-lalaki? Eh bakit----- shit!

Bakla yata ang punyetang king na yan eh! S'ya nga kaya ang King? Eh kasi sabi nung kinginang Nathalia eh dadalhin daw ako sa King, diba?

"B-bakit ako d-dinala dito, k-ka-kamahalan?" Uutal-utal kong tanong sa nakatalikod na upuan, umaasang haharap s'ya

Pero diba ang sabi ay wala pang nakakakita sa kanya? Eh bakit ako nandito?! M-magpapakita s'ya?

ASA!

Nakatitig lang ako pero nanatiling tahimik ang kwarto at walang sumasagot.

"I want to be happy hearing the word kamahalan from a person that is not belong to my palace, but it's not the reason why you are here, Miss." Sagot nito at bahagya pang gumalaw-galaw ang mga kamay sa gilid ng upuan n'ya.

Bakla ang puta!

"Alam ko na interesado ka sa nangyari sa mga magulang mo at nandito ako para sagutin lahat ng yun para sayo." Basag nito sa katahimikan

Parang napako ang emosyon ko at hindi na nagbago. Na-init pa ang mga mata ko nang biglang maalala ang nadatnan ko noon.

"I will give you a mission, in exchange of the information that you want." Dagdag pa nito dahilan kaya lalong nag-liyab ang interes ko sa sinasabi n'ya

"Isa kang regalo, Aica. Alam mo ba yun? Maganda ka at talagang magagamit ka namin! Hahahahaha! Hindi ka isasali ng grupo pero isa ka na sa servant ni Nathalia, tama ba?" Biglang tanong nito na ikinagulat ko

So totoo? S-servant ako ng malanding manyakis na yun?!
Bulshit! Tomboy yata ang hayuk!

Ano 'to? Royal Bisexual Group? LGBTQ palace lang ang peg? Putangina!

"H-hindi ko po alam." Utal na sagot ko

Saglit na natahimik ang paligid bago s'ya tumawa ng tumawa.

"Whahahaa. Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na mukhang hindi ipinakilala sayo ni Dark ang grupo at kung ano-anong klaseng majesty ang nakatira sa isla. Malamang ay pinag-iisipan mo pa ng masama si Nathalia sa ginawa n'ya, pero miss, normal lang iyon dito." Tumatawa pa nitong dagdag

Tsk! Saya ah! At ano daw? Normal?
Yung biglang halikan, normal? Putang----- teka what tha-?

Yung m-mga mag-giging servant ni k-kuya....... yayz! No! No! Wala s'yang ipinakilalang servant. Wala! I-imposible, h-hindi yun----aish!

Your Dearest KarmaWhere stories live. Discover now