Prologo

13 1 0
                                    

Aica's POV

"Isang bala lang, Aica, isang bala lang. Pag nakita mo na ang hinahanap mo, wag kang mag-aatubiling itutok ang baril at kalabitin ang gatilyo"

Ipinutok ko ang baril kasabay ng pag-udyok n'ya at tatlong mag-kakasunod na bote ang natumba.

Ngumiti ako sa kan'ya dahil sa nagawa ko.

Limang taon na din ang lumipas nang kupkopin n'ya ako at ituring na kapatid, namatay ang mga magulang ko at s'ya ang tumayong kuya ko, pero lingid sa kaalaman n'ya ay higit pa doon ang pagtingin ko sa kan'ya.

"Kuya, pag nakita ko na yung taong gumawa nun sa mga magulang ko, sana nandoon ka para palakasin ang loob ko na komprontahin s'ya." Nakangiting usal ko habang nakatitig sa magaganda n'yang mata

May mahaba s'yang pilik mata at magagandang bilog na asul na mata, matangos ang ilong, maganda ang tindig, maputi, itim na itim ang buhok at makapal ang makorte n'yang kilay.

Perpekto na sana kaso miyembro s'ya ng isang grupo ng sindikato, pero kahit na ganoon ay hindi naman s'ya pumapatay ng taong walang kasalanan, sa totoo nga n'yan ay napakabait n'ya!

"Gusto kong gawin 'yan, Aica. Pero hindi ko kayang gawin ang dalawang bagay ng sabay." Makahulugan nitong sagot bago tumalikod at pumasok ng bahay

Eh? Eh isang bagay lang naman yun ah?

Sumunod ako sa kanya at kinulit pa sya ng kinulit.

Si Kuya ang s'yang nag-alaga sa akin nang mawala ang mga magulang ko sa hindi ko malaman na dahilan. Isa s'yang miyembro ng sindikato pero kahit na ganoon ay hindi nya ako pinayagan pumasok sa grupo n'ya.

"K'yuryosidad mo ang papatay sayo kung pakakainin mo yan ng pakakainin." Minsan n'ya pang payo sa akin.

Ano bang meron doon? Nagawa n'ya nga na hindi pumatay ng inosente kahit nasa loob s'ya ng grupo, at gawin ang lahat ng gusto nya, kaya paano ako mamatay?

Tsaka, alam ko naman na lagi s'yang nand'yan para sa akin, para iligtas ako, at kaya ko na ang sarili ko! Bakit ba natatakot parin s'ya?

"Kuya, bakit ba kasi ayaw mo akong pasalihin sa grupo n'yo? Magaling na naman ako! Sharpshooter na ako, magaling ako sa karate, taekwondo at iba pang martial arts dahil tinuruan mo na ako! Ano pa ba ang kulang?" Nangungulit kong tanong sa kan'ya

Nasa sofa kami ngayon at nanonood na sya ng TV, hindi nya na ako pinapansin dahil itong topic na namang ito ang binubuksan ko. Hindi s'ya nagsasalita at hindi n'ya na ako pinansin.

Tsk!

"Kuya? Woooyy kuya?" Natatawa ko pang pangungulit at tinusok-tusok ang bewang n'ya dahilan kaya bahagyang umangat ang gilid ng labi n'ya.

May kiliti s'ya doon pero pinipigilan n'ya ang tumawa dahil sa pagkukunwari n'yang hindi ako naririnig o nakikita.

Ginulo ko s'ya sa panonood, dumagan sa kan'ya, tinusok ang gilid, ilong, hinila ang buhok at marami pang iba! Nakakapagod kung iisa-isahin ko pa.

Pero wala s'yang imik at nanatiling seryoso sa pinapanood.

Suko na ako

Akmang ilalapit ko ang labi ko sa pisngi n'ya para ikiss s'ya sa pisngi nang------

Humarap s'ya sa akin at nanlaki ang mga mata ko dahil muntik ko na s'yang halikan! Nakatitig ako sa magagandang mata n'ya na halata ring nagulat.

"Pwede ka ng dumistansya." Seryosong sabi nito

"S-sorry k-kuya di ko naman sinasadya. Ahhh.. ehh... s-sige matutulog na ako." Paalam ko at tumayo bago mabilis na tumalikod pero napahinto ako.

Hawak n'ya ang braso ko at tila ba pinipigilan akong umalis. Hinila n'ya ako paharap sa kanya kaya nagtama ulit ang mga mata namin.

God knows how much I love his eyes!

"Sumali ka sa grupo, pero tsaka na. Pag bulletproof ka na." Madilim ang mga mata n'yang saad

"H-hindi kita maintindihan." Utal kong sagot

"Maraming sikreto ang grupo namin. Kaya pag nakapasok ka, hindi ka na p'wedeng lumabas. At pag sumuway ka, isandaang bala ang sasaluhin ng katawan mo, kaya sumali ka na lang sa grupo namin pag bulletproof ka na." Paliwanag nito

"Sige kuya, matutulog na 'ko. Inaantok na po ako." Matamlay na sagot ko bago n'ya ako binitawan.

Tumalikod ako at nanlalambot na naglakad patungo sa kwarto ko.

Para naman sa kapakanan ko ang sinasabi n'ya kaso bakit pakiramdam ko may tinatago s'ya?

Bakit kuya? Bakit ayaw mo akong pasalihin sa grupo n'yo? Bakit nararamdaman ko na higit pa d'yan ang dahilan mo?

Kuya mahal kita, at isa yun sa dahilan kung bakit gusto kong sumali. Gusto ko na samahan ka sa laban, at panatilihing ligtas ka palagi.

-*-

"Love if you can love. And kill if you need to kill."- Ezekiel

"Lahat ng pangyayari may dahilan, at sa tingin ko kaya yun nangyari para bigyan ng landas ang tayo sa kasalukuyan."-Ezekiel

"Don't trust too much, baby. Cause that trust will pull the trigger for you."-Dark

"Don't let your guard down, but if you want to be fooled then go on, Be blind and let your expectation kills you"- Nathalia

"Baliw kayo! Nagtiwala ako sa inyo pero ginago nyo ko!"-Aica

Your Dearest KarmaWhere stories live. Discover now