Aica Creznaya Valdez, isang dalaga na naulila limang taon na ang nakakaraan nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari at hindi malamang dahilan.
Nais n'yang matuklasan ang misteryo sa pagkawala ng kan'yang mga magulang at mang-yayari lamang iyon kung gagawin n'ya ang misyon na ibinigay sa kan'ya ng Royalties's King.Ang iharap sa palasyo ang isa sa taksil na dating miyembro ng grupo, si Ezekiel Villa Ramoz, pero natitiyak n'ya na magiging mailap ito kaya naman gumawa s'ya ng plano.
Handa na s'yang lumaban at makipagbakbakan. Dinala s'ya ng misyon sa isang simpleng bahay pero masasabing may kaya ang naninirahan, ang gagawin n'ya ay kukunin n'ya ang loob ng binata upang mapadali ang pagdala nito sa plasyo pero sa pagpasok n'ya sa bahay nito bilang isang katulong ay hindi n'ya inaasahan ang nadatnan.
Isang gwapong binata, maganda ang pangangatawan, mabait kahit simpatiko at BULAG!
Paano n'ya naman gagawan ng masama ang isang may kapansanan?
Paano n'ya ito dadalhin sa palasyo kung nakapagbitiw s'ya dito ng pangako na hindi n'ya ito pababayaan? Ano kaya ang gagawin n'ya para mapang-hawakan ang pangako n'ya gayong mukhang makikigulo pa si Justin Razen El Fuenco, isa sa prinsipe ng Royalties at naging kuya n'ya sa loob ng limang taon?
At maipaglaban n'ya kaya ang namumuong damdamin n'ya para kay Ezekiel oras na isa-isa ng bumukas ang katotohanan sa pagkawala ng kan'yang mga magulang?
Sino ang pagkakatiwalaan n'ya? Sino ang sasandalan? At ano ang dapat na gawin?
------------------------------------------------------------
Ang akdang inyong nababasa ay pawang kathang isip lamang ng manunulat, at ang mga tao, lugar, at pangyayari ay mula sa malawak na imahinasyon kaya ang ano mang pagkakapareho nito sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi sinadya.
-*-
PLAGIARIZING IS A CRIME
ALL RIGHTS RESERVE
TO THE AUTHOR:
Knight_prinzessa15
©️January 2019
![](https://img.wattpad.com/cover/210255656-288-k673349.jpg)
YOU ARE READING
Your Dearest Karma
RandomAica Creznaya Valdez, isang dalaga na naulila limang taon na ang nakakaraan nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari at hindi malamang dahilan. Nais nyang matuklasan ang misteryo sa pagkawala ng kanyang mga magulang at mangyayari lamang iyon kung g...