Legal

432 21 0
                                    

Legal

"Ma, Pa..." pagtawag ko sa kanila habang isa-isa silang binalingan ng tingin. "Si Harry nga po pala, boyfriend ko."

"Good morning po." Lumapit siya kina mama at nagmano bilang paggalang.

"Mabuti naman at pinakilala ka na sa'min ni Mikhaela," masungit na sabi ni Papa habang kinkilatis ng tingin si Harry. Napansin ko ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo at ang panlalamig ng kanyang kamay kaya palihim kong inabot ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan.

Ngiting-ngiti si mama na sumulyap sa akin. "Alam mo ba, ikaw lagi ang bukambibig nito sa bahay. Kilig na kilig pa nga 'tong anak namin sa'yo!"

"Mama naman e!" nakangusong sigaw ko na ikinatawa niya.

My God, parang uminit ata ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan! Pati si Harry na nasa tabi ko ay natawa rin.

"K-Kumain na nga lang tayo!" sabi ko at nagmartsa papuntang kusina para makatakas sa kahihiyan. Jusko!

Year 2010, iyon ang taon na naging legal kami ni Harry both sides.

---

"Baby, gusto ni mommy na sumama ka sa family outing namin sa Sabado. Sama ka na, please!" sabi ko habang pinagdadaop ang magkabila kong kamay sa harap niya.

Mahina siyang natawa. "Sige, baby. Alam mo namang game ako d'yan. Dagdag points na rin 'yon sa family mo."

"Ano ka ba!" natatawang saad ko sabay pulupot ng aking braso sa leeg niya. "Botong-boto na sa'yo ang family ko, hindi na kailangan no'n."

Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga?"

"Yup! Lagi rin kitang kinukwento kay mommy kaya natutuwa talaga siya sa'yo."

"That's good to hear then. Thank you and I love you, baby." Hinalikan niya ako sa noo at mahigpit akong niyakap na agad kong ikinangiti. I hugged him back as I savour our loving moment.

Geez, I really feel safe in his arms.

Year 2013, iyon ang taon na hindi ko makakalimutan. He made me complete. I never felt so happy and contented until he came into my life.

---

"Happy sixth anniversary, baby!" bati ko sa kanya habang pinapaulanan siya ng halik sa mukha.

"Hey baby, stop..." natatawa niyang sabi kaya tumigil ako.

"Bakit? Ayaw mo ng kiss ko?" nguso kong tanong.

Ngumiti siya at marahan akong siniilan ng halik sa labi. Sinapo niya ang mukha ko at nanggigigil na kinurot ang pisngi ko. "Ba't ko naman aayawan ang halik mo, hmm? I would never ever, baby."

Ngumuso ako, pinipigilang ngumiti. "So, uhm, change topic na tayo." Natawa siya pero hindi ko na ito pinansin. "Date tayo sa labas, please?"

Doon unti-unting napawi ang ngiti niya. "Sorry baby, masakit ang likod ko ngayon. Pwede next time na muna?"

"Oh," medyo dismayadong sabi ko. "Sige. Dito na lang tayo sa condo mo, ayos lang ba?"

Tumango siya at hinalikan ulit ako sa labi. "Thank you for understanding, baby."

Year 2015, iyon na pala ang taon ng unti-unting pagbabago ng relasyon namin.

--

Sabado, abala akong nanonood ng TV sa sala nang tabihan ako ni Mama sa couch.

"Nasaan na nga pala si Harry, anak?" takang tanong niya. "Ilang araw ko na siyang hindi nakikitang dumadalaw dito."

Natigilan ako, doon nawala ang aking atensiyon sa panonood ng TV. "Wala na kami, Ma."

"Ano?" She was shocked. "Anong nangyari? Hindi ka na rin nagkukuwento sa akin, Mikhaela ah?"

Napayuko ako, iniiwasang magtama ang mga mata namin. "Nakipaghiwalay na ako e. Sorry po, Ma, kung hindi ko sinabi sinabi sa'yo. Alam ko kasing botong-boto ka na sa kanya kaya baka magalit ka kung sinabi ko 'yong totoo."

I was in the verge of crying when I heard her sighed and hugged me. Marahan niyang tinapik-tapik ang likod ko dahilan para gumaan ang aking pakiramdam.

"It's okay, anak. I may not know the real reason why you broke up with him but that doesn't mean na magagalit na ako sa'yo. Kung ano man ang desisyon mo, suportado ako roon."

Mahigpit ko siyang niyakap pabalik. "Thank you, Ma."

Year 2016 was the year we finally cut all the strings between us. Nawala man siya sa akin, may pamilya pa rin akong mananatili sa tabi ko.

---

"Hey..." tipid-ngiting bati ko sa kanya. "Long time no see, Harry."

"Yeah." He smiled awkwardly. "It's been three years, right?"

"Yeah, three years," pagsasang-ayon ko.

After that, silence took over between us. Tanging mga kuliglig at ang marahang paghampas ng hangin ang maririnig sa buong paligid hanggang sa magsalita siya muli.

"I was wondering..." panimula niya.

"About what?"

"About your parents."

"What about them?"

"They acted so normal when I met your parents again. Like they don't have grudges against me?" Natawa siya sa kanyang sinabi. "I know, I should be thankful for that but I couldn't help to ask why."

Sinulyapan ko siya at mapait na ngumiti. "Hindi ko sa kanila sinabi na niloko mo ako. Ang sinabi ko ay ako ang nakipag-break kasi nagsawa na ako sa'yo." Mahina akong natawa samantalang napatitig lang siya sa akin, gulat na gulat habang nakaawang ang bibig.

"B-Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya nang mag-sink in na sa kanya ang sinabi ko.

"Wala e. Ayokong sumama ang tingin nila sa'yo. Despite the fact that you cheated on me, I'm still thankful that I met you..." Tinapunan ko siya ng tingin at ngumiti sa kawalan. "Being in love with you completed me even though you just broke me in the end, Harry."

"Sorry, Mhikaela." Napayuko siya.

"It's okay. Just thank me," biro ko.

"Huh?"

"Kasi isipin mo, kung sinabi ko sana kay Mama na niloko mo ako noon edi sana hindi ka pasado ngayon para kay Ate," hilaw na ngising sabi ko.

"Oh, right."

Siniko ko siya. "Congrats nga pala sa first new born baby niyo. I'm a proud Auntie here."

Year 2019, we weren't that legal couple anymore. Bayaw ko na siya. Legal na bayaw at kasal sa Ate ko. Just what the hell. I saved his image and in return, I became his sister-in-law.


The End



Kisses of Tragedy (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon