Doctor Kwak Kwak Game

363 18 0
                                    

Doctor Kwak Kwak Game

As soon as me and my friends—Harvey, Louie, Jessica, Ricky and Faye—were done twisting ourselves to each other, we shifted our gaze to Zhoe and yelled. "Doctor Kwak kwak, tulungan niyo kami!"

Tatlong beses naming inulit 'yon hanggang sa humarap siya at patakbong lumapit sa amin. We were all giggling as we saw her confused and problematic face. "Ang hirap naman!"

"Doctor kwak kwak, tulungan niyo kami!" muli naming sigaw na para bang inaasar siya. Inirapan niya kami at bumuntong-hininga.

She started untwisting our arms from each other. One by one, she finally untwisted us all, but our hands were still tightly holding to each other.

"'Wag kang bibitaw, Harvey ah!" paalala ko sabay sulyap sa kanya na mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ko.

Paulit-ulit naman siyang tumango at bumungisngis. "Walang bibitaw!" he shouted back and held my hand even tighter.

That curved my lips into a smile as I felt a strange and weird feeling inside my stomach.

What was that?

Zhoe smirked and raised her hands in the mid-air as she hit the intertwined hands of Louie and Jessica.

"Waaah!" sigaw nilang pareho dahilan para mapabitaw sila sa isa't isa. "Ang sakit naman, Zhoe!"

"Bleh!" Zhoe giggled, sticking out her tongue.

One by one, unti-unting naipaghiwalay ni Zhoe ang mga kamay namin hanggang sa kami na lang ni Harvey ang natira.

She giggled and raised her hands again, aiming for our intertwined hands. Agad akong napapikit nang maramdaman ko 'yong hapdi pero wala sa aming bumitaw.

"Eh? Ba't hindi pa rin kayo bumibitaw?" She grumbled.

She hit our hands again and again until Harvey shouted in pain, "A-Araaay!"

"H-Harvey, don't let go! Don't!" sigaw ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya nang maramdaman kong lumuluwag ang kapit niya.

Pinaibabaw ko 'yong kamay ko para sa akin tumama 'yong palo ni Zhoe. Kitang-kita ko 'yong pamumula ng kamay ko sa palo niya pero hindi ako bumitaw.

Halos maiyak ako sa sakit pero tiniis ko lahat.

Pero sa ikasampu na paghampas ni Zhoe ay bumitaw si Harvey. "Ayaw ko na! Ayaw ko na!"

Tumakbo silang lahat palayo pati na rin si Harvey. Habang ako, naiwan at hindi pa rin gumagalaw sa pwesto dahil sa humahapdi na kamay ko.

My hand—it hurts!

Sa gitna ng paghihimas ko rito ay bigla akong hinawakan sa braso ni Zhoe sabay sigaw sa akin ng, "Keisha, taya!"

---

"Remember when we were still kids?" I asked out of the blue, placing my cup of coffee on the table. I gazed at him again and smiled. "We used to play outdoor games and one of our favorites was the 'Doctor kwak kwak' game." Mahina akong natawa nang bumalik muli ang mga alaala ko noong kabataan pa namin.

Nakakamiss talaga maging bata. 'Yong tipong pinoproblema ko lang noon ay kung paano makalusot para hindi ako patulugin ng tanghali at makalabas ng bahay para makapaglaro.

Childhood days are the best.

Naguguluhan man, tumango siya. "Oo, naaalala ko pa rin 'yon," sagot niya. "Ba't mo natanong?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Sa halip ay humalumbaba ako at nagsalita muli, "Kapag naglalaro tayo noon, sa'yo lagi ako tumatabi. Pansin mo ba?"

Kumurba ang gilid ng kanyang labi at napatango. "Oo nga 'no, bakit nga ba?" natatawa niyang tanong.

"Doon lang kasi sa larong 'yon nagkakaroon ako ng chance na mahawakan ka e," sagot ng utak ko pero pinigilan ko ang sarili na sabihin 'yon at kumibit-balikat na lamang. "Gusto ko lang, close tayo no'n e."

"Talaga ba?" Mahihimigan sa kanyang boses na hindi siya naniniwala.

Damn, kilalang-kilala niya na talaga ako.

I rolled my eyes and sighed in defeat. "Oo na, crush kasi kita noon. Happy?"

Humagalpak siya ng tawa, kitang-kita pati gilagid. "Sabi ko na nga ba e. Iba talaga ang kamandag ng isang Harvey."

"Heh!" singhal ko. "Pero alam mo? Nakakatampo ka talaga noon e. Ikaw kasi madalas ang unang bumibitaw sa ating dalawa."

Napakamot siya sa batok. "Sorry, masakit sa kamay e."

"Ano ka ba, wala na rin sa akin 'yon. Ngayong matatanda na tayo, naiintindihan na kita."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Dahil kasi sa simpleng laro na 'yon, natuto akong huwag basta-bastang bumitaw kahit nasasaktan na ako physically..." pagkasabi ko no'n ay saktong nagtama ang mga mata namin. Doon unti-unting naglaho ang malawak na ngiti sa labi niya.

"Keisha?" tawag niya, naguguluhan.

Pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Pero may exception pala. May mga bagay pala na alam kong makakasakit lang sa akin sa huli. 'Yong mga bagay na wala ng dahilan para kapitan pa. 'Yong mga bagay na dapat ko nang bitawan kasi kapag pinagpatuloy ko lang ang pagkapit, parehas lang tayo masasaktan."

Nagbago muli ang kanyang ekspresyon na para bang alam niya na kung saan ang patungo ng aming pinag-uusapan.

"Keisha, don't." Inabot niya ang kamay ko at mahigpit 'yong hinawakan. "Mahal kita."

Parang literal na sinasaksak ang puso ko sa sakit nang mabakas ang lungkot sa kanyang boses pero pinili ko pa ring ngumiti. "Harvey, kaya ko sinasabi sa'yo 'to para maintindihan mo ako. 'Di ba binibitawan mo ako sa larong 'yon kasi nasasaktan ka na? Gano'n din ang gagawin ko sa'yo ngayon kaya sana maintindihan mo naman ako."

"Keisha naman. 'W-Wag mo naman gawin sa 'kin 'to oh. Nasasaktan ako," garalgal na sabi niya pero umiwas lang ako ng tingin.

"Alam mong hindi na tayo pwede. Sasaktan lang natin ang isa't isa. Mas mabuti nang bumitaw na tayo."

Paulit-ulit siyang umiling habang dinadampian ng maliliit na halik ang likod ng kamay ko. Animo'y wala siyang balak na bitawan ako. "Keisha, mahal kita. Mahal kita..." He was damn crying in front of me and it hurts me so much.

If only I could take away his pain but I can't.

Wiping his tears is all I could do.

"Walang patutunguhan ang pagmamahalan natin, Harvey."

I can no longer stay beside you. We need to let go. I need to let go of you.

Sa natitirang lakas ko, inilayo ko ang kamay ko mula sa mukha niya at walang emosyon siyang tiningnan. "Itigil na natin 'to, Harvey. Hindi ko na maatim na maging kabit mo. B-Bumalik ka na kay Zhoe, siya ang asawa mo."


The End

Kisses of Tragedy (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon