Wedding Proposal

395 16 1
                                    

Wedding Proposal

As her favorite music starts to play, I stood up and offered my hand in front of her. Her lovely eyes met mine. "May I have this dance to the most beautiful woman on earth?"

She chuckled. "Hindi mo naman ako kailangang bolahin, mahal."

Napasimangot ako. I'm being serious here and yet hindi niya sinusunod ang script sa isip ko. "Come on. I'm trying to be sweet here." 

Nangingiting tinanggap niya naman ang kamay ko at saka tumayo. "Sure, I would love to."

Nang nasa gitna na kami, agad kong pinulupot ang braso ko sa bewang niya at hinila siya papalapit sa akin. Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko kasabay ng paggalaw namin sa malumanay na tugtog ng kanta. Sa sobrang lapit namin, ramdam at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

When we reached the chorus part, I can't help myself but sing along. "I was born for you, it was written in the stars..."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Nakakainlove talaga ang boses mo, mahal..."

Natawa ako. "Siyempre naman, gwapo ako e."

Pabiro niya akong kinurot sa tagiliran kaya't bahagya akong napaigtad. "Ang hangin mo talaga."

"Mahal mo naman." Ngumisi ako.

"Oo na," kunwaring sabi niya na parang napipilitan.

"Ano ba 'yan, parang napipilitan ka lang." reklamo ko.

Umalis siya sa pagkakasandal at saka ako hinalikan sa baba. "Oo na, I love you."

"Bakit sa baba ko lang?" reklamo ko ulit.

"Kung matangkad ako, edi sana 'yung labi mo 'yong nahalikan ko diba?" She rolled her eyes. "Hintayin mo munang tumangkad ako para saktong sa lips na kita mahalikan."

"Ang tagal naman! Ako na nga lang ang maga-adjust."

"Anong gagawin mo—Hoy! Zyron, ibaba mo ako!" Napatili siya nang inangat ko ang katawan niya.

"Put me down, Zyron!" Natawa lang ako.

"Wrap your legs on my waist, Kheiz." 

Agad niya namang sinunod ang sinabi ko. "Now, what?"

"Kiss me."

"Ano?"

"Magkapantay na mukha natin oh," I pointed out. "Now where's my kiss? Gusto ko sakto sa lips."

"Ayoko nga."

I frowned. "Mahal naman."

Inirapan niya ako. "Fine." Mabilis niya akong hinalikan. Sa sobrang bilis, hindi ko man lang namalayan ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Anong klaseng halik 'yon? Parang hinalikan lang ako ng multo."

Binelatan niya ako. "Tama na 'yon, aba. 'Wag kang abuso." Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya sa pagkakapulupot sa'kin.

Napasimangot na lang ako kaya natawa siya.

"Kain na nga lang tayo. Gutom na ako." Hinila niya ang kamay ko pabalik sa mesa namin.

Doon lang bumalik muli ang kaba ko. Ilang minuto na lang, magpo-propose na ako sa kaniya. Will she say yes? I hope so.

Nang dumating na ang pagkain ay agad niya itong nilantakan. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Ang cute niya talagang kumain. Halatang patay-gutom e.

Hanggang sa dumating na ang dessert, hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

"Wow, chocolate cake!" Agad niyang tinikman ito. "Yummy!"

Paborito niya 'yon kaya sunod sunod ang pagsubo niya sa cake. Sa gitna ng pagnguya niya, kinuha ko ang atensyon niya.

"Kheiz."

"Hmm?"

"Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba?"

"Oo naman." Sumubo ulit siya.

"At mahal mo rin ako, 'di ba?"

"Mahal na mahal," she corrected.

That made me smile. Sa huling subo niya ng cake, I reach for her hand across the table.

"So, uhm, Kheiz, will you marry me?"

---

Ilang minuto ko nang tinititigan ang nakangiting mukha ni Kheiz, at masasabi kong siya pa rin ang pinakamagandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko. Mahal na mahal ko talaga siya.

"Stop looking at her picture, Zyron." Natigilan ako nang sabihin 'yon ni Dan na kakaupo lang sa tabi ko.

I sighed. "I can't," sabi ko. Bumalik ulit ako sa pagtitig ng picture niya. I smiled bitterly. "Looking at her picture is the only way para mabawasan ang lungkot at pagka-miss ko sa kanya. Masama ba 'yon?"

"This is your fault," sumbat niya. "She doesn't deserve a killer like you."

Napayuko ako kasabay ng pagbuhos ng konsensiya sa isipan ko. He's right. I'm a killer.

I killed her.

"God knows how much I regretted it, Dan."

Kinuha ko ang singsing sa bulsa ko at saka nilaro laro 'yon. Ito sana 'yong singsing na gagamitin ko para sa wedding proposal ko sa kaniya.

Pero wala e, I'm so stupid.

"Kung hindi ko lang sana naisipang itago 'tong singsing sa kinakain niyang cake, edi sana hindi niya nalunok 'to. Edi sana hindi siya namatay..." natapon ko ang singsing sa galit, "Edi sana asawa ko na siya ngayon, damn it! Ang bobo ko talaga."


The End

Kisses of Tragedy (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon