It was now quarter to five and the sun is setting down. Yeah, it's sunset. They said it symbolizes ending. But for me, looking at the sunset makes me feel....happy. Nung unang taon ko sa california, the thing I always do to at least ease the pain was to watch the sunset every end of the day. It's like, as it slowly disappear up in the sky, it also took all the sorrows away, like it washes everything away.Nakatayo lang ako rito sa dalampasigan habang nakatingin sa papadilim na kalangitan. Tumatama ang mahihinang alon ng tubig sa mga paa ko. Tinatangay din ng malakas na hangin ang buhok ko. Everything is breathtakingly beautiful. Kakatapos ko lang magbihis at napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna sa labas. Sigurado kasi akong pagod at nagpapahinga yung apat ngayon kaya hindi ko na sila dinisturbo. At isa pa parang gusto kong mapag-isa, at ang lagi kong ginagawa kapag ganun ay kumuha lang ng litrato. Kaya naman dala ko ngayon ang maliit na dslr ko.
Marami-rami parin ang mga tao sa paligid at ineenjoy rin ang napakagandang tanawin. Merong naliligo, nakaupo at nagkukwentuhan lang sa isa't-isa. May magpamilya, magbarkada at mga magkasintahan. Hindi nga talaga maipagkakailang maganda ang lugar na ito, kaya ang daming pumupunta rito eh. Lalong-lalo na ang mga dayuhan na mula pa sa malalayong lugar.
Kuha lang ako ng kuha ng mga litrato ng maramdamang parang may nagmamasid sakin sa malayo. Napalingon-lingon ako para tignan kung sino yun, ngunit wala akong nakitang nakatingin sakin. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa, baka guni-guni ko lang siguro yun.
Nang makaramdam ako ng pagod, napaupo ako sa buhangin. Biglang pumasok si marcus sa isipan ko. Hindi na ulit kasi ito tumawag sakin. Baka sumuko na sa kakahanap kung nasaan ako. I can't help but grin, siguro hindi na maipinta ang mukha nun ngayon. Noon kasi, nung mga panahong inlove na inlove pa ako sa kanya, natatakot akong gumawa ng ikagagalit niya. Ayaw na ayaw ko nun paggalit siya sakin kaya naman lahat ng gusto niya sinusunod ko. Tulad nalang kapag may gusto siyang iwasan at layuan ko na lalake, kasi daw nagseselos daw siya. Pero I guess, hindi naman yun totoo. But now, wala akong pakialam kung nag-aalab na siya sa sobrang galit ngayon. Siguro kunot na kunot na ang noo nun at halos magdikit na ang dalawang kilay. I giggled silently as the image of his furious face entered my mind.
"Nababaliw ka na ba, Mars, at tumatawa ka ng mag-isa diyan?" I heard someone spoke at my back.
So I turned around and there I saw reygen standing crossed-arms, looking at me raising her right brow. She's wearing fitted jeans and a black leather tube and from the looks of it, I think she's planning to go somewhere.
"Kanina ka pa diyan?" I asked
She just shrugged as she move closer and sit beside me. "Nah, kararating ko lang, then I heard you laughing alone. Kung hindi nga kita kilala, aakalain kong nababaliw ka na." Natatawang aniya.
I smirk, "As if may baliw na sobrang ganda."
"Meron nga. Ikaw." She mockingly said.
I rolled my eyes at her that made her laugh even more. If you haven't seen her before, you really wouldn't believe that this sizzling hot woman beside me was once a geeky nerd. A girl who wore oversized shirt, a huge eyeglasses, and below-knee skirts. Actually, we've met her when we save her from those bully brats in where we studied before. Then we've become friends after that.
As I stare at her now, I can say she really did changed a lot. Far different from the old her I used to know. From her looks, attitude, everything. But beyond those things that have changed, there's still one thing remains. That is, her, being a good friend. She might be wicked to others, but not with us.
"O, bat na tahimik ka na diyan?" Pukaw niya
"I was just wondering, gusto mo pa bang bumalik sa dating ikaw?"
BINABASA MO ANG
The Seductress
Romance"Never think of falling in love with me, coz it'll just surely make you crazy." - Shane Haines The Seductress ⓒYhalaneCollections 2015