Paikot-ikot ako habang nakahiga at di dinadalawan ng antok. Nang tignan ko yung orasan sa bedside table ko, it's almost two in the morning pero gising parin ako. Ano bang nangyayari sakin?
Mula ng bumalik si marcus sa buhay ko, di ko na makontrol ang sarili ko. Lage nalang siya ang laman ng isipan ko. Hindi siya mawala-wala.
Sa sobrang frustration na pa sabunot ako ng buhok. Tumayo ako at lumabas ng kwarto, siguro iinum nalang ako ng gatas para makatulog ako. Nang makarating ako sa kusina, agad akong nagtimpla. Sana naman makatulog na ako nito.
Painum na sana ako ng may magsalita sa likuran. "Bakit gising ka pa?" Tanong nito.
Tawag ko sa kanya saka ngumiti. "Mom. I can't sleep, kayo po?"
"Ganun din. May problema ka ba, anak?" She smiles to me very tenderly. Ngayon ko lang napansing parehas pala kaming ngumiti.
I've always admire my mother eversince, para kasi sakin she's has the purest heart I have ever known.
"Po?"
"Your dad told me na nagkita na raw kayo ni marcus."
I frown. "You knew him?" Nagtatakang tanong ko. Akala ko si daddy lang yung nakakakilala sa lalakeng yun, pati rin pala si mommy.
"Yeah. I knew him...since you two became a couple years ago." I looked at her surprised. Kung nagulat akong kilala niya si marcus mas nagulat akong alam din nitong naging kami. "Yes, sweetheart. I know about the two of you, what he did, how he hurted you. I know everything." Dugtong nito.
"You do?" Tanong ko.
"Of course. A mother would always want to know what's happening in their daughter's life." Saad nito.
"Alam din po ba ni daddy?"
Umiling ito bilang sagot. I didn't expected that my mother knows about it. Tinago-tago ko pa sakanila yun, sa kanya yun noon. I was so scared to tell them about that when all these time she already knew about what me and marcus had.
"Alam mo ba kung gaano ko pinigilan ang sarili kong bugbugin ang lalakeng yun." She pause then smile. "Pero alam mo ba, anak. When you left he---""Mom, can we not talk about him?" Putol ko sa kanya. Ayaw kong pag-usapan ang lalakeng yun ngayon, siya na nga yung dahilan kung bakit di ako makatulog.
I don't also want to talk about the past. Ayaw kong kaawaan ako ng sarili kong ina. Ayaw kong maalala kung paano ako nagpakatanga, kung pano ako nagpaloko.
Masaya ako at naiinggit at the same time sa magulang ko. Coz what they have was real, the love they had was true.
I always wonder kung magkakaroon din ba ako ng lovestory katulad ng sa kanila. Kung magkakaroon din ba ako ng happily ever after. Pero hindi na ako naghahangad nun ngayon, siguro noon, oo. Because the hope and dreams of finding true love already happened but it was all smashed down.
She stare at me seriously then smile. "Ikaw bahala, anak. Just remember na me and your dad are always here." Niyakap niya ako tulad ng lage niyang ginagawa.
"I know, mommy."
Sinamahan ako pabalik ni mommy sa kwarto. Nakahiga na ako sa kama ko habang si mommy naman nakaupo may ulonan ko at nakalean dun sa headboard. She slowly humming at hinihimas ang mahaba kong buhok, just like what she always do when I was a child everytime I can't sleep. Her voice always makes me at peace, para kasing isang anghel ang boses ni mommy.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako. At nagising nalang ako sa tunog ng alarm clock.
Ang sakit ng ulo ko. Ilang oras palang kasi akong natutulog, tapos kailangan magising ng maaga. Pinilit kong tumayo at magready papuntang kompanya. Hindi ako pwedeng umabsent ngayon, may meeting kasi ako sa bago naming clients. Kaya no choice ako kundi ang pumasok.
BINABASA MO ANG
The Seductress
Romance"Never think of falling in love with me, coz it'll just surely make you crazy." - Shane Haines The Seductress ⓒYhalaneCollections 2015