Bea's POV
Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit wala pa'kong nagiging boyfriend na kahit kelan, naging seryoso sakin. Hindi naman ako panget. Hindi rin naman masama yung ugali ko (except sa pagiging sarcastic ko.) at hindi rin naman ako mahirap pakisamahan. So bakit ganon? Kung sa bagay, apat palang naman yung mga mokong na naging boyfriend ko at lahat sila, nangaliwa na agad kahit wala pang 2 months yung relationship namin. Saklap noh? wala eh, mahina ang lola nyo.
"Uy Bea nakikinig ka ba?" nalipat yung atensyon ko mula sa pader papunta sa bestfriend kong si Monique
"Ha? uh .. oo! tama yung sinabi mo, panindigan mo yan." Sinampal ko yung sarili ko sa isip ko nung ma-realize kong wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nitong babaeng 'to.
"Tinatanong kita kung anong order mo." Sabi naman ni Monique sakin with matching 'narrow eyes'.
Bea Anne Francisco, ladies and gentlemen.
Another round ng kahihiyan ang sumampal sakin. Gosh, ganito ba'ko ka-tanga?
"order ko? uh .. haha! err .. Chicken and Fries nalang."
"nasa Starbucks tayo."
"ay? oo nga no."
"Oreo Cheesecake, gusto mo?"
"hmm .. sige yun nalang. atsaka isang Oreo Frappe."
Tinitigan muna ako ni Monique na para akong sira-ulo bago sya tumayo para umorder sa counter.
Habang hinihintay kong bumalik yung napaka 'bait' kong bestfriend, napukaw ang atensyon ko ng isang lalaking naglalalakad sa labas ng coffee shop.
Matangkad, maputi at may kalakihan ang katawan. Iba rin ang kulay ng mga mata nya at may pagka curly-shaggy ang buhok nya. Nakasuot ng white v-neck T-shirt, dark skinny jeans at sneakers si Mr. Unknown Guy and I must say, he's pretty hot.
Habang gumugulong yung mata ko sa kanya mula ulo hanggang paa, lumingon sya sakin at ngumiti sabay kindat. Holy shit, I swear may naramdaman akong kakaiba sa tyan ko. Yun ata yung butterflies in stomach-chuchu na sinasabi nila? pero sa sitwasyon ko ngayon, sa tingin ko gamu-gamo yung nagsasayawan sa loob ng tyan ko. Ngumiti ako sa kanya kahit labag sa kalooban ko dahil ayokong isipin nya na attracted ako sa kanya kahit ang totoo, eh handa akong lumabas sa punyetang coffee shop na 'to at tanungin yung pangalan nya.
Mabilis pa sa alas kwatro, nawala si Kuya Kulot sa labas ng coffee shop. Teka, ano? jusko po nagsisimula na'kong magbigay ng nicknames sa kanya. At buti nalang, nakabalik na si Monique bago ko pa habulin sa labas yung super hot na lalaking kumindat saken ng walang paalam.
"Bea, bakit namumutla ka?" tanong ni Monique habang dala dala yung order namin papunta sa inuupuan ko.
"Monique, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko."
"O, ano yon?"
"shems, in-love na ata ako."
************
Hey guyth! first chapter is done :D hindi ko muna pinakilala ng lubos si Bea kasi makikilala nyo rin naman sya further sa continuation ng story. Pasesnya narin kung maiksi lang sya ha? wtf it's like 11:00 pm tapos may pasok pa bukas. lol so, wait for the next chapter! love y'all! .xx
-Mama Nutella
BINABASA MO ANG
Fil And Brit
Fanfiction"Ako si Bea Anne Francisco. Filipina, 19 year old college student. At sa mga oras na to, in-love ako sa isang british guy na walang naiintindihan ni-isa sa mga pinagsasabi ko."