Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. ingay na kahit kapitbahay mo magigising once na mag alas-sais na ng umaga. Nakapikit pa'ko habang kinakapa ko yung bwisit na orasan at nang mahawakan ko na, pinatay ko agad bago ko pa mabato sa pader. ang nakakainis pa, The Walking Dead ampeg ng katawan ko kapag ganito kaaga kaya mukha akong zombie na naglalakad papunta sa banyo para maligo. hopefully pagkatapos ko, magmukha naman akong tao.
Pagkatapos kong mag shower, nagsuot ako ng black skinnies, loose T-shirt, sneakers at naglagay ng konting mascara at face powder. you can call me 'baduy' pero mas okay na yun kesa magsuot ako ng maiiksing dress at heels papuntang school. I mean, bakit ka magpapaka fashionista kung sa torture chamber ka pupunta?
After kong magbihis, pumunt ako sa kusina para kumain. naabutan ko si mama na nagluluto ng agahan pero napansin ko na wala si papa.
"Hi ma. anong niluluto mo? atsaka nasan si papa?" nagtaka ako kung bakit wala si papa. usually kasi, wala lang sya sa bahay kapag may trabaho o emergency. Day off naman nya ngayon, so nasan sya?
"Wala si papa mo, nak. wait, naaalala mo pa ba si tito Feorge mo?" tanong ni mama.
"George? opo, yung bestfriend ni papa mula pa pagkabata. pero nasa Europe na sila diba?"
"oo pero bumalik na sila dito kahapon kasama ng pamilya nya. inaya ni George ang papa mo na pumunta sa kanila kaya ayun, hindi na pinauwi ng kaibigan nya. miss na miss nya eh. pero maya maya lang andito na yun. kumain ka na at baka ma-late ka pa."
si tito George. yung lalaking palaging nasa bahay namin nung bata pa ako. naaalala ko pa kung pano sila mag away ni papa. kapag sinabi mong away, it's either hindi sila makapili ng movie na papanoorin o kaya naman, nagtatalo sa isang football team. actually, hindi ko pa talaga sila nakitang mag away. basta ang alam ko, sabay silang lumaki at malalim ang turingan nilang dalawa.
Pagkatapos maluto ng sinangag at hotdogs, umupo ako sa mesa at kumain. tumulong din akong magligpit sa kusina bago ako umalis papuntang eskwelahan.
-------- ------- ------- ------- -------- -------- -------- -------- -------- ---------- --------- ---------- -------- ------- -------
Isang oras din ang biyahe ko mula sa bahay hanggang sa Ateneo De Manila University. oo, Atenista ako at bago nyo pa matanong kung mayaman ako, HINDI. dito ako nag aaral ngayon dahil sa scholarship at dahil sa quality narin ng school na'to. Sino ba namang tatanggi na mag aral sa ADMU kung may pagkakataon, diba? HQ teaching, HQ facilities, HQ students na kung minsan, mga artista pa. lahat High Quality at masaabi ko narin na thankful ako dahil nakakapag aral ako sa ganitong school kahit may mga tao rin na nagsasabing hindi raw ako bagay dito.
Dumiretso ako sa classroom 5 minutes after mag ring ng bell. Yay, late na naman ako sa first subject ko! for sure, tuwang tuwa na naman yung prof ko saken kapag nauunahan nya 'ko sa klase namin.
Himala! pumasok ako sa klase pero wala pa si Mr. Sanchez na supposedly, dapat nakaupo na sa teacher's desk at sinesermonan ako. at syempre dahil natuwa ako, hindi ko na sinayang ang pagkakataon at agad agad akong umupo sa upuan ko sa may bandang gitna ng classroom. maya maya, pumasok na sa klase si Mr. Sanchez at tumayo sa harap.
"Good morning, class."
"Good morning, Mr. Sanchez" sagot naman naming mga estudyante. uunahan ko na kayo ah? dito sa schol na'to, ENGLISH ang major language. bihira kang makakita ng magkakaibigan na may tagalog conversation at kung bago ka dito, kelangan mong magdala ng extra napkin in case na dumugo yung ilong mo.
"I'm sorry I'm late but before we start, I'm going to announce something first." may mga estudyanteng nagbulungan at may iba namang nagtanong kung ano ang announcement.
'It's probably the new student!'
'yeah! I've heard he is soooo dang hot and he happened to be a british guy'
Halos mabasag ang eardrums ko nung magtilian na yung mga babae sa likod ko. Oh please, hindi pa nga alam kung ano yung announcement eh! malay nyo kung suspended ba yung klase or luckily, nabawasan na ng isang taon ang college years.
"Now, now students, keep quiet. Anyway, we have a new student to join us here for the rest of the year. And please, treat him nice as you get along with him."
Ugh. unfortunately, tama yung mga hysterical na babae sa likuran ko. Wait, so ibig sabihin toto rin na british yung bago naming classmate? hindi naman sa ayaw ko pero ... promise, kaawa awa ang magiging lagay nya sa paligid ng mga babaeng ito lalo na't usap usapan din na gwapo raw ang newbie. umaasa nalang ako na sana mahaba ang pasensya nya sa mga taong parang nakalunok ng sirena ng bumbero. binuksan ni prof yung pintuan ng classroom at pinapasok yung lalaki sa labas.
Biglang tumigil ang daloy ng hangin sa buong katawan konung pumsok yung lalaking pinag uusapan ng lahat. feeling ko sumayad yung panga ko sa sahig nang makita ko yung pamilyar na ngiti nya na nagpa aliwalas sa buong klase.
"Hi. I'm Harry Styles."
*************************************************************************************************************
HARRY SPOKE A WORD! lol
let me get this straight, ha?
Iba ang version ng ADMU sa story na ito. wala itong kinalaman sa totoong Ateneo De Manila University. kung may napansin kayong mali, leave it. it's my own version.
thank you! love love .xx
-Mama Nutella
BINABASA MO ANG
Fil And Brit
Fanfic"Ako si Bea Anne Francisco. Filipina, 19 year old college student. At sa mga oras na to, in-love ako sa isang british guy na walang naiintindihan ni-isa sa mga pinagsasabi ko."