Bea's POV
Fortunately, nakaandar na yung kotse ni Harry pagtapos tumugtog nung punyetang kanta na yun. Di ko nga alam kung bakit ako naiilang eh. Wala namang gusto sakin si Harry pero super affected ako dun sa kanta. I mean, it's not like the song was about us, right?
Although may mga napansin lang ako sa kanya nung nilalamon kami ng awkward moments kanina. Habang tumutugtog yung kanta, nakikita ko syang nakatingin sakin in the corner of my eye. Hindi ko sya direktang tinignan dahil nga naiilang ako kaya sa bintana ako nakatangin, pero alam kong nakatingin sya. May mga times din na hindi sya mapakali. Paikot ikot yung mga daliri nya sa manibela, pagiging uncomfortable sa pag upo at maka ilang ulit na "ehem" ang nagmula sa kanya kanina. I can't explain further pero grabe, SUPER AWKWARD TALAGA.
'No, wala syang feelings sakin.' sabi ko sa sarili ko. I'm just his friend. Wag kang mag assume, Bea.
"We're almost there." I snapped back in reality nung narinig ko sya. Tumingin ako sa labas ng kotse at nakita ko na papasok pala kami sa isang malaking village.
"Oh thank goodness, my butt hurts." I sighed
"Oh, we'll work on that one" Kinindatan nya ko.
Oh god no ..
"Harry whatever you're thinking, it's not happening." Tumawa ng malakas si kuyang green minded
"Alright, alright! I was just joking!"
Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. May garden sa labas, at .. well, hindi ko masyadong ma describe dahil medyo madilim na. Pinatay ni Harry ang makina ng kotse nya habang tinatanggal ko naman ang seatbelt ko. Pagkatapos, lumabas sya ng kotse at umikot para buksan ang pintuan ng passenger seat.
"Thanks Harry" ngumiti ako at bumababa. "Anything for a pretty lady" Sabi naman nya. Shet, ayan na naman yung mga gamu-gamo sa tyan ko.
Inilagay nya ang kamay nya sa likod ko, guiding me towards the house. Medyo nagulat ako nung una pero binalewala ko nalang. Bukas ang mga ilaw sa loob ng bahay so I guess may tao sa loob. Baka parents nya.
Wait.. Oh my god.
"Uhm, Harry .." Huminto ako sa paglalakad
"What? what is it?" Tumingin sya sakin. Pero nakakainis parin yung height difference namin kaya kelangan ko pang tumingala
"Uh .. do I look okay?" Tumingin ako sa suot ko. Jeans, simpleng white shirt at sneakers lang ang suot ko.
"Silly girl." He chuckled "You look fine, love. We're here to study so it doesn't matter what you wear." Ngumiti sya sakin at tumango naman ako. Ouch.
He's right, though. Di naman nya ako ipapakilala sa parents nya as someone special eh. But why am I so nervous?
Pagdating namin sa harap, binuksan nya agad yung pinto at pinapasok ako. Pagkatapak ko sa loob, isang floral scented living room agad ang bumungad sakin. White sala set, flat screen TV, cream colored carpet at iba't ibang magagandang house decors ang makikita sa sala nila. Hindi fancy, at definitely not cheap. Simple lang pero disenteng tignan.
Hinubad ni Harry ang sapatos nya at kinuha ang bag naming dalawa at nilagay sa rack sa gilid ng front door.
"Mum I'm home!" Sumigaw sya. Hmm, ano kayang itsura ng mama nya? kamukha kaya nya? green din ba yung mata?
Maya maya, nakarinig ako ng footsteps pababa ng hagdan. Lumingon ako sa direksyon nun at nakita ko ang isang babaeng may long brown with blonde highlighted hair na bumababa ng hagdan. Naka suot sya ng leggings at tank top.
BINABASA MO ANG
Fil And Brit
Fanfiction"Ako si Bea Anne Francisco. Filipina, 19 year old college student. At sa mga oras na to, in-love ako sa isang british guy na walang naiintindihan ni-isa sa mga pinagsasabi ko."