Chapter 6

76 0 0
                                    

Bea's POV

Umaga na naman. Isang parte ng araw na kung saan kailangan mong humiwalay sa kumportable mong kama para maghanda at pumunta sa torture chamber. Mga oras na bangag na bangag ka pa pero kelangan mo nang maligo kahit nilalamig ka pa. Yung tipong nakapikit ka pa pero naglalakad ka na papuntang banyo para maligo? Pero may kakaiba sa umagang 'to, eh. For the first time in my fucking life, na-eexcite akong pumasok.

Himala nga eh, nauna pa'kong gumising kesa sa alarm clock ko. Ito ang unang umaga na hindi ako binulabog ng bwisit na ingay ng orasan na yun. Instead, 45 mins bago mag alarm, dilat na dilat na yung mga mata ko, nakatulala ako sa kisame habang mukha akong tanga na nakangiti sa mga agiw na nakasabit sa white-painted ceiling ng kwarto ko.

Hindi talaga ako makapaniwala eh. Putek, si Harry Styles! kasama ko sya kagabi! Oh my gosh nakausap ko pa sya tapos inaya pa nya ako na sumabay sa kanya pag uwi. Pag sinu-swerte ka nga naman oh, nung isang araw lang pinapangarap ko palang sya tapos kahapon kasama ko na sya? hmm, ano kayang mangyayari ngayong araw na'to?

Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Gumamit ako ng coconut shampoo dahil nagustuhan ko yung amoy at effect nun sa buhok ko. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng white tank top, grey cardigan, faded jeans at flat shoes. Naghanda narin ako ng sarili kong almusal bago dumiretso papunta sa school.

Na realize ko na parang masyado yata akong maagang umalis ng bahay dahil pagpasok ko sa classroom, ako palang yung tao dun. Oh well, kesa naman pagalitan ulit ako ng prof ko dahil sa pagiging late araw araw, inenjoy ko nalang ang free time ko bago mag start ang klase.

Inilabas ko ang libro kong The Fault In Our Stars para makapagbasa man lang habang naghihintay na mag start yung klase. Ngayon ko lang uumpisahan yung novel kaya naka focus ako sa libro. Andun nako sa part na nagkakilala si Hazel at Augustus nang biglang may kamay na humawak sa upper part ng libro. Tumingala ako at nakita ko yung pares ng green orbs at pink lips na naka stretch into a wide grin na nagpapakita ng dimples nya.

"Good morning Ms. Francisco." low, raspy and thick voice ang bumati sakin, dahilan para ngumiti ako from ear to ear

"Good morning to you too, Mr. Styles" Binaba ko yung libro ko sa table ko, since andito na lahat ng kailangan ko. Si Harry, sya lang okay na.

Pakshet ang corny ko.

"So, how's your bestfriend Molly?" umupo sya sa table ko habang ako, sa upuan.

"Harry, her name is Monique."

"Same thing, Bea." He smirked

"Anyway, she didn't call me last night. I was texting her but I got no response. I guess she's out of town." Lanyang Monique 'to, oh. Hindi man lang magparamdam!

"Oh."

wow, haba ng sagot nya.

"So what do you think about this school?" naglakas loob akong magtanong sa kanya. Makapag open man lang ng conversation, diba?

"This school is great, really. But some people here are weird." Binulong nya sakin.

Natawa ako sa actions nya. Ayaw nyang may makarinig na naiirita sya sa ibang mga estudyante dito pero ayaw naman nyang mag reklamo.

"I totally agree with you, Harry. People here have their eyes on you and I bet it makes you uncomfortable." Tumingala ako sa kanya at pa-yuko syang ngumiti.

Tumayo sya mula sa pagkaka upo sa table ko para umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Comfortable silence ang sumunod na nangyari. Ako, nagbabasa at sya naman, nagsusulat ng random things sa notebook nya. Ilang minuto rin ang lumipas bago sya nagsalita

Fil And BritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon