Nagtinginan lahat ng tao sa'min nang tumawa ng napakalakas si Monique. Aba, sabi ko sa inyo may sumpa talaga sakin 'tong coffee shop na'to.
"Ikaw!? ... in .. inlove!? ano to, joke of the year?" pinapanood ko sya habang tumatawa na para bang nauubusan ng hininga. alam nyo, hindi ko talaga alam kung bakit naging besfriend ko tong loka lokang 'to. Siguro dahil sa lahat ng kaibigan ko, sya lang yung totoo at magsasabi ng mistakes ko in a good way?
"Oh, bakit? may mali ba? alam mo Monique, totoong may 'love at first sight'. in fact naniniwala ako na meant to be kami." Sabi ko naman sa kanya habang kinikilig at nakangiti. nagulat nalang ako nung may lumipad na piraso ng Oreo at lumanding diretso sa mukha ko.
"Monique!? alam mo bang masyadong masarap ang Oreo para ibato mo sa mukha ko?" Aysus, ginoo patawarin nawa ang kaluluwa ng babaeng ito. Napa tawa nalang ako sa kakulitan naming dalawa habang naghaharutan sa loob ng coffee shop. Siguro ito yung dahilan kung bakit kami nagkakasundo. Parehas kaming baliw at carefree.
"Anong kalokohan na naman ang hinalo ng nanay mo sa almusal mo, ha Bea? pagpasok natin dito halos mag ala 'Juliet' ka sa kaka drama tapos after 15 minutes ng pag order ko In love ka na agad!? walang forever uy! lalo na kung less than one hour puma- pag ibig ka na."
"haha! baliw. Alam mo naman na hindi ako ganun ka-obsessed pagdating sa ganyan. Yung sinabi ko kanina, panahon pa ng taong kweba yun. imagine, 'love at first sight' tapos may 'love is blind'? kalokohan."
Totoo yang sinabi ko. maybe nag overreact lang ako kanina nung makita ko si Kuya Kulot na nakangiti at kumindat sakin. kung iisipin mo, ang OA talaga diba? pero swear, kung hindi man sya 'pag-ibig', iba sya sa lahat ng lalaking nakita ko.
So after naming pag usapan si Unknown Guy, tinanong ni Monique yung hitsura nya. Ako naman, aba syempre kinuwento ko sa kanya kung gaano ka-attractive yung guy. lumipas ang isa pang oras sa coffee shop nang mag decide kami na umuwi na. lumabas kami ng coffee shop at naghiwalay para umuwi.
Naglakad ako pauwi dahil walking distance lang naman yung pagitan ng bahay namin at nung coffee shop. magdidilim narin kaya hindi gaanong mainit at masarap maglakad tuwing hapon, diba?
Habang naglalakad ako sa sidewalk, naalala ko na linggo pala ngayon at may pasok na naman bukas. Perks of being a college student, eh? palaging tambak ng assignments, reports at higit sa lahat, THESIS. okay na sana yung dalawa eh. kaso Thesis yung nagpapahirap. srsly gagawa ka ng ten-page essay tungkol sa isang topic tapos ikaw din ang magpo-prove? well, wala naman akong ibang choice kundi gumawa at maka graduate. yun ang life goal ko bilang isang estudyante.
Isa lang naman akong ordinaryong babae eh. nag aaral, nakikipag socialize, parents na nagtatrabaho at laging wala sa bahay, at may lovelife .. DATI.
Nang makarating nako sa pintuan ng bahay namin, kinuha ko yung susi sa bag ko at binuksan yung pinto. At since wala namang tao dahil nasa trabaho sila mama at papa, hindi nako naglinis ng bahay at dumiretso na agad sa kwarto ko sa itaas ng bahay. Agad akong nagbihis at naghilamos bago humiga sa kama kong mahal na mahal ko.
Biglang pumasok sa isip ko yung lalaki sa may coffee shop. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Ilang taon na sya? dafuq, ANONG PANGALAN NYA? madaming tanong ang pumapasok sa isip ko na lalong nagpapagulo sa buhol buhol kong utak. pero isa lang ang alam ko tungkol sa kanya.
"Hindi sya pilipino."
*******************
And that's the 2nd Chapter! yay natapos ko rin. huehue. Guys dont forget to vote ha? if ever magustuhan nyo yung story ko, paki press yung 'star' button to vote :) thanks! love lots .xx
-Mama Nutella
BINABASA MO ANG
Fil And Brit
Fanfiction"Ako si Bea Anne Francisco. Filipina, 19 year old college student. At sa mga oras na to, in-love ako sa isang british guy na walang naiintindihan ni-isa sa mga pinagsasabi ko."