"Wait, bakit gusto mong matutong mag gitara?" Tanong ko kay Monique.
Nasa CR kami ngayon ng school, nagre-ready bago umuwi. Well at least sya dahil may Filipino lessons pa'kong ituturo kay Harry.
Tinanong ko sya kung bakit parang nagiging busy na sya palagi at ang sabi naman nya, meron syang guitar lessons.
Akalain mo? nagpapaka superstar ang gaga ..
"Wala lang, na-amaze lang ako kay Yeng. Tapos naisip kong kumuha ng lessons. I mean, why not diba? willing naman akong matuto eh." Says Monique habang naglalagay ng foundation sa mukha.
"Alam mo nakakagulat ka. Hindi ka naman mahilig sa music tapos ngayon bigla kang kukuha ng guitar lessons. Sino bang teacher mo?"
Napatigil sya sa paglalagay ng kolorete. Ibinaba nya ang foundation sa sink at napangiti bago tumingin sakin sa malaking salamin ng CR.
"Kilala mo si Niall diba?" tanong nya sakin
Huh? Niall? Sinong ...
"Teka, Niall? si Horan!? sya yung Irish na tumutugtog sa banda ng school nati- Wait.. sya ang teacher mo!?"
Emergheeed! Si Niall James Horan lang naman ang pinaka cool na estudyante sa school namen! Pati mga varsity namin sa school talbog lahat, porma palang nya. Lead guitarist sya ng rock band sa school namin. No wonder kung bakit maraming babae ang napapaiyak sa kilig pag nagpe-perform sila.
"Yes, he's my teacher. Magka chat kami last week at nabanggit ko yung interest ko sa music. Sabi naman nya kung gusto ko daw, pwede nya kong turuan every other day. Aba syempre tinanggap ko! We're talking about Mr. Horan here." Niligpit nya lahat ng make up na ginamit nya at inayos ang buhok.
"Ang swerte mo naman! Baka mamaya ibang lessons makuha mo jan ah?" I smirked
"Hmm, sana nga." Ngumiti naman sya
"Wag kang malandi. Tara na!" Hinatak ko sya palabas ng CR and in return, she sticked her tongue out.
"Sige na mauuna nako, Tuturuan ko pang magtagalog si Harry eh. Good luck sa guitar lessons!" Binigyan ko sya ng thumbs up at kumindat naman sya.
"Sure, akong bahala kay Niall. Si kulot ang intindihin mo! Bukas kelangan tumutula na yan. Ba-bye!" Lumapit sya at niyakap ako and I did the same.
"Bye!" kumaway ako sa kanya bago umalis. Lumakad ako sa hallway papalabas ng school kung saan ako hihintayin ni Harry.
Nagplano na ako kung anong ituturo ko sa kanya. Uumpisahan ko muna sa basic tagalog words and phrases para hindi sya mahirapan sa mga susunod na lessons. Naisipan ko rin syang bigyan ng English-Tagalog dictionary na may extra pages sa likod para sa mga extra notes na ilalagay nya.
Nasa harapan na ng school gate yung kotse ni Harry paglabas ko. Agad ko syang pinuntahan at habang lumalakad ako papunta sa kotse nya, binaba nya yung bintana at ngumiti sakin.
'Focus on your path, Bea. Wag kang madadapa.'
Bubuksan ko na sana yung pintuan sa passenger seat pero dali-dali syang lumabas at inunahan ako.
"Nuh-uh, man's job." Binuksan nya ang pinto at pinapasok ako. Yung mga simpleng bagay na ginagawa nya, napaka common pero parang feeling ko ang special ko. Feeling lang ah?
"Thank you, Harry." Sabi ko sa kanya pagkaupo ko. He flashed me a smile bago nya sinara ang pinto at pumunta sa driver's seat. Di nagtagal, nag start narin yung engine ng kotse.
"Ready to go?" tanong nya sakin
"Yep." I smiled
---------- ----------- ---------- ----------- ---------
"Ikaw, ang pag ibig na binigay. Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw, ikeeew!" Nagwawala ako ngayon sa passenger seat ng kotse nya. As usual, traffic na naman kaya nainip kami. Eh sakto, pagkabukas ng radyo nya, si Yeng agad yung pambungad.
"At hindi paaaaa, ko umibiiig!" Hawak hawak ko yung hairbrush ko sabay headbang at haplos sa bintana.
"Jesus christ, what the fuck are you doing?" Nakatingin sakin si Harry as if tinubuan ako ng cactus sa ilong
"Ssh! I'm performing so shut up. Ikewww! ang pag ibig na--"
"You need help, Bea."
"Nah I dont think so. I'm a natural singer, no need for lessons or shit"
Napa face palm nalang ang loko pero kalaunan, natawa narin.
Andun nako sa mataas na part ng kanta nang bigla nyang nilipat yung station ng radyo.
So bastusan, ganon?
Napatigil tuloy ako sa kalagitnaan ng performance ko. Tumingin ako sa kanya with a shocked-slash-annoyed face na naka paste sa mukha ko. "Hey! What the fuck man, I'm singing!"
He shrugged "Oh I thought you were cleaning my car window." Wala, sya rin yung natawa sa remarks nya. Dinilaan ko sya (not literally uy!) at nanahimik ako sa upuan.
Biglang tumugtog sa radyo ang isang kantang pamilyar sakin. Passenger Seat by Stephen Speaks.
Boy, wasn't this awkward.
Harry's POV
You've GOT to be kidding me. Passenger Seat? right at this moment? Shit, this place is killing me.
I nervously shuffled in my seat as the intro played. The traffic makes it worse and I think we'll stay inside the car for an hour or so.
Fucking great.
'As we go on a traffic light
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the eveningAnd I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on they road
Knowing that she's inches from me'Harry and Bea's POV
'Awkwaaaard ..'
**********************************************
A/N: wow look at that, an update. LOOOOOLLL! XD omfg I know, I know. I didn't update for like, a hundred milleniums and shit but I'll be honest, orayt?
I'm kinda losing the motivation on writing Fil And Brit. I Don't think the story is good anymore (hell, idk if this story was good at some point) but I'm trying my best to make it readable. I know this chapter is shitty but I'll try to make it nice in the upcoming chapters :) if there will be.
Sorry if this chapter is really short. Harry's tagalog lesson will start in the next chapter :)
Peace out yow! :D xx
~Neneng B.
BINABASA MO ANG
Fil And Brit
Fanfiction"Ako si Bea Anne Francisco. Filipina, 19 year old college student. At sa mga oras na to, in-love ako sa isang british guy na walang naiintindihan ni-isa sa mga pinagsasabi ko."