Chapter 7

105 1 0
                                    

She's glaring.

Sa buong 30 minutes na lunch break namin, nakatutok lang yung colored lens ni Mitch sa amin- wait, mali.

Sa akin.

Ano bang problema nun? jusko lord, nakakairita talaga sya. Kung isda yung kinakain nya malamang pati tinik nalunok na nya. Halos hindi na nga sya tumingin sa pagkain nya eh! I swear, maglalagay talaga ako ng bomba sa salad nya balang araw

"What the hell is wrong with her?" Tanong ni Monique.

"Honey, everything is wrong with her." Sagot ko naman.

"Probably because crayon raped her face. Seriously though, she looks like a colouring book"

Bengga! Harry Styles, ladies and gentlemen.

Dinig sa buong cafeteria ang halakhak naming tatlo. Humahampas pa ako sa mesa habang tumatawa samantalang maiiyak na si Monique sabay apir sa'ming tatlo

"Such a sweet soul, Harry. You should have a Noble prize" Sabi ko sa kanya. Now it's my turn to wink

"Well we cant blame her. She has the luxury of buying a whole branch of every cosmetic brands. I mean .. damn, if my dad was a senator, I'll have Victoria's Secret as my closet" Sabi ni Monique

"There should be a store that sells kindness. She should have that for free" I smirked. Lumingon ako sa direksyon ni Mitch. Natatawa nalang ako kapag nakikita ko syang ganun.

Yung mukha nyang punong puno ng makapal na make up, yung paraan nya ng pagkilos, pati na yung pakikitungo nya sa ibang tao. Mahilig syang manglait. Siguro dahil mas lamang sya sa karamihan samin dito. Hell, lamang sya sa kahit kanino dito sa school na'to. But that's not an excuse to degrade people.

Matagal ko na syang kilala. Since high school, nakikita ko na sya at back then, palaging si Mitch ang may title na 'It Girl'. Maganda, mayaman, matalino, lahat ng magandang katangian nasa kanya na pero pangit ang ugali nya. Isang bagay na hindi matatakpan ng kahit anong make up. Okay na sana eh, kaso sinisira ng personality nya yung buong pagkatao nya. Yan ang disadvantage kapag pinalaki ka sa yaman, dun lang iikot ang mundo mo. Wala eh, dun ka nasanay kaya yun ang panghahawakan mo. Sa kaso ni Mitch, lumaki sya sa pamilyang lumalangoy sa yaman. Senador ang tatay, business woman ang nanay at nag iisang anak na pagtutuunan ng pansin, atensyon at pangangailangan. Spoiled kasi eh, kaya ganyan.

'DIIIIIIIIIIIINNGG!!!!!'

Ayan na naman yung bell. Senyales na itigil na namin ang pagkain at bumalik sa klase para saksakan ng knowledge yung mga utak namin. Pero okay narin yun, at least malalayo na'ko kay Mitch.

Tumayo kami sa table at umalis para pumasok sa klase. Nagpaalam si Monique samin bago pumasok sa classroom nya kaya naiwan kaming dalawa ni Harry.

"Who was that girl again?" tanong nya habang naglalakad kami sa hallway.

"What girl?"

"The one who looks like a colouring book."

"Oh, she's Mitchell Lopez but she goes for Mitch. She's really popular you know?" He furrowed his eyebrows sabay tango.

"Yeah, knew it. Everyone else was staring at her when she walked by. But it's like nothing to her anyway." Sabi nya sakin

"Yeah she's used to it. She's always the center of attraction in this school since freshmen year. You know what? I think she likes you" Naglabas ako ng pekeng ngiti habang nakayuko sa sahig.

Ayoko mang isaksak sa isip ko, hindi ko kaya. Gusto sya ni Mitch. At si Mitch bilang .. well.. sya, nakukuha nya lahat ng gusto nya. Alam kong ayaw ni Harry sa mga taong tulad nya na bulag sa pera pero .. What if? Kung tutuusin walang wala akong ibubuga kay Mitch eh. Although hindi kami ni Harry, parang gusto kong umiyak pag naiisip ko na magkasama silang dalawa.

Fil And BritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon