ROANNE IS PLAYING her pen as she stared blankly on her laptop. Ganoon na siya magmula nang huli nilang pag-uusap sa telepono ng editor niya. Kinukulit na siya nito dahil ilang araw na siyang atrasado sa pagpapasa ng manuscript.
Maglilimang taon na magmula nang magpasya siyang pasukin ang larangan ng pagsusulat ng kwentong romansa. She considered writing as her hidden passion, kaya nang matanggap siya bilang exclusive writer sa Dream Publication ay walang pagdadalawang-isip niyang iniwan ang trabaho niya sa corporate world upang mas matutukan ang kanyang pagsusulat. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, bigla nalang siyang inalat!
She stood up and walk around the space of her bedroom, thinking of ways on how to induce her ability to write.
Pero ika nga ni Ate Guy, 'Walang himala!'
Napatingin siya sa kanyang kama. Kung tumambling kaya siya roon? Baka sakaling maalog ang utak niya at bumalik sa dati nitong takbo.
"Ideas ang kailangan ko. Hindi sakit ng katawan." Habulin pa man din siya ng disgrasya.
Finally, she decided to go out of her room to get some drink. Subalit hindi pa niya nabubuksan ang ref ay natigilan na siya nang tumutok ang paningin niya sa ilang piraso ng papel na nakadikit sa pinto noon.
Napasinghap siya nang wala sa oras. "Anak ng patis! Nalintikan na!"
Dali-daling napasugod siya sa mall na malapit sa tinitirahan niyang apartment upang i-settle ang overdue bills niya. Daig pa niya ang na-hold-up dahil sa biglang paglalabas niya ng malaki-laking pera.
Hindi na 'to maganda! Kung hindi ako makakapagsulat, baka bukas-makalawa, pulubi na ako!
Makalipas ang ilang oras ay natagpuan nalang niya ang sarili na lumalantak ng iced candy habang naglilibot sa bangketa ng Baclaran. Doon siya dinala ng kanyang mga paa habang pinagmumunian ang kanyang problema. Mayamaya'y may nilapitan siyang stall na nagbebenta ng DVD at VCD.
"Ate, may mga Anime Series ba kayong tinitinda?"
"Anime? Meron! Marami!" mabilis itong kumilos upang ipakita sa kanya ang hilera ng mga itinitinda nitong anime series na nasa likurang bahagi ng malaking kariton nito.
"Sige Miss, pili ka lang diyan."
Tinanguan ni Roanne ang tindera. Paglipas ng ilang minutong pagkakalkal sa mga iyon ay may napili na rin siya sa wakas. Hindi niya mabasa ang plot na nasa likod dahil nakasulat iyon sa Japanese characters kaya 'yung cover nalang ang pinagbasehan niya. Palibhasa, kahinaan niya ang mga bishounens o yung mga naggaguwapuhang anime character, hindi na siya nagdalawang isip na iyon ang piliin.
"Ito ang bibilhin ko, Ate."
"Gusto mo i-play muna natin, para ma-check?"
"Sige po." Nang masiguro ni Roanne na maayos naman ang quality ng video at subtitle noon ay pinahinto na niya iyon at ipinabalot.
Naglabas siya ng buong isandaang piso mula sa kanyang bulsa upang ipambayad na agad namang sinuklian ng tindera.
"Thanks Ate."
"Salamat din." Magalang siyang nagpaalam dito saka nagtungo sa tawiran.
Huminto siya sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng tamang tiyempo upang makatawid. Wala kasing traffic light o naka-post na traffic enforcer sa bahaging iyon, kaya kanya-kanyang diskarte ang mga tao para makarating sa kabilang panig ng kalsada.
While waiting, kinuha niya ang CD na kipkip sa kanyang kili-kili saka tinitigan ang cover niyon. Limang male characters ang nasa cover while posing with their musical instruments – piano, trumpet, flute, cello, and violin.

BINABASA MO ANG
HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)
RomanceRaven's life turned upside-down when he lost his beloved woman in a fatal car accident. Nagsimulang maglaho ang kulay sa buhay niya ultimo ang kulay sa pagkatao niya dahil sa pagkamatay ni Rhea. He just felt lost and trapped in complete longing. Han...