2: The Grumpy Troll and Feisty Cat

805 13 6
                                    

NANLAKI ANG MGA MATA at butas ng ilong ni Roanne matapos marinig ang sinabi ng lalaki. 

"Did you just call me, 'tanga'?!"

"Bakit, may iba pa bang tawag sa ginawa mo kanina? Ni hindi ka man lang muna tumingin sa kaliwa't kanan mo bago ka tumawid. Kinder palang, tinuturo na 'yon ah? Hindi gagawin ng matinong tao ang basta nalang tatawid sa kalsada gayong alam niyang delikado."

"Fine! Kasalanan ko nga 'yon. Pero wala kang karapatang sabihan akong tanga!"

"I didn't mean to offend you," pagtatama niya. "Huwag kang sensitive."

"Well duh! Saan ka nakakita ng taong matutuwa matapos masabihan ng 'tanga'?"

"I said I didn't—"

"I get it, okay? Ikaw ang tama. Ako na ang mali! Now get lost, bago pa mangati ang mga paa ko at masipa pa kita pabalik sa sportscar mo! Antipatiko!"

Umiling lang ang lalaki saka siya tinalikuran. Good. Dahil kapag hindi siya nakapagtimpi, masasaktan niya talaga ito.

Hah! Akala mo kung sino, eh dayo lang naman dito!

Muli pinilit ni Roanne na tumayo ngunit talagang kumikirot ng husto ang kamay niya. Idagdag pang medyo nahihilo siya. Epekto marahil nang pagkayanig ng katawan niya nang bumagsak siya kanina.

Kaagad siyang kumapit sa metal barricade upang hindi mabuwal. Pagkuwan ay bumilang siya hanggang sampu habang pilit ibinabalik ang kanyang balanse. Ngunit hindi ilang segundo palang siyang nakakatayo nang biglang umikot ang paningin niya.

Somebody caught her right before she fall on the road for the second time around.

"Y-You again?!" asik niya sa lalaking antipatiko. "Akala ko ba umalis ka na?"

"Akala ko rin ba kaya mo na ang sarili mo?"

"Kaya ko naman talaga---"

"I'm taking you to the hospital. Sasama ka ba ng maayos o bubuhatin kita?"

"I said, I'm fine—"

"Okay. I'll carry you then," sabi nito saka walang sabi-sabing binuhat siya.

Hindi na nagawang makaangal ni Roanne dahil tuluyan nang nilamon ng kirot na nararamdaman ang sisteman niya. Tuluyan na siyang nawalan ng malay bago pa siya nito mailagak sa loob ng sasakyan.

"HOW IS SHE?" 

Hindi sa amoy ang alcohol at anticeptic nagising si Roanne kundi sa malakulog na boses na iyon ng lalaki. Alam niyang nasa ospital siya.

"She sprained her right hand. No bone dislocation though, which is good. Nilagyan ko na ng benda ang pulsuhan niya to avoid sudden pressure kapag iginalaw niya."

"Wala na ba siyang ibang pinsala?"

"Well, she acquired some bruises, but it's just a minor scratch. Nakita ko na ang result ng foot X-ray niya, and I assure you that there are no signs of internal damage. No fractured bones either."

"Then, bakit bigla siyang hinimatay? At mag-iisang oras na siyang walang malay."

"Normal lang 'yon. Na-shock siya kaya siya nawalan ng malay. At mukhang pagod rin ang pasyente kaya malalim ang tulog niya..."

Ah... kung sa bagay... Ilang araw at gabi na ba siyang walang matinong tulog dahil nga pinoproblema niya ang panunuyo ng utak niya?

"She will regain consciousness, anytime soon. Relax."

Roanne slightly opened her eyes to take a quick peek. And there she found, standing not too far from her bed is the same grumpy yet still gorgeous looking man whom she met earlier. He looks kinda restless as his back leaned against the concrete wall.

HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon