4. Broken Fantasy

671 9 5
                                    

One week passed... .

ROANNE IS WEARING a broad smile as she went out of her apartment. She just received a call from her editor yesterday, telling her the good news about her recent manuscript. Na-approved daw ito! Hihintayin nalang niya kung kelan niya pwedeng makuha ang paycheck para sa nakapasa niyang nobela.

Inayos niya ang pagdadala sa kanyang duffel bag kung saan nakalagay ang ilang damit na i-nempake niya kagabi. Pupuntahan niya ang kaibigan at isa ring manunulat na gaya niya na na si Ayesha Zamora-Tecson. Noong isang araw ay inimbitahan siya nitong pumunta exclusive subdivision tinitirahan nito sa Antipolo dahil mawawala ang asawa nitong abogado para sa isang kasong hinahawakan ng huli sa Cebu.

Nang makarating siya sa bahay ni Ayesha ay kaagad niyang sinabi rito ang magandang-balita. Naroon sila ngayon sa lawn na nasa harapan ng bahay ng una at nagkukwentuhan.

"You look exceptionally happy, Roanne. At alam kong hindi yan dahil sa pagkakaapprove ng manuscript mo," wika ni Ayesha habang nakapangalumbaba

"Right. Hulaan mo kung bakit. I'm inspired!"

"Ay wow, hulaan daw, pero siya rin naman ang sumagot. Oh aber, anong anime ang dahilan ng pagngiting-aso mo diyan." Alam kasi nitong sa mga anime siya kadalasang humuhugot ng ideyas sa pagsusulat.

"I'm inspiered, yes! Pero hindi sa anime!"

Agad nitong naintindihan ang pahiwatig niya. "Now you're talking..."

Walang patumpik-tumpik na ikinuwento ni Roanne dito ang tungkol sa lalaking itinuring niyang 'amore' nitong nakalipas na isang linggo. Nahinto lang siya sa pagkukwento nang umalis si Yesh upang ikuha siya uli ng paborito niyang carbonara.

Nagkaroon tuloy siya ng moment upang tumingala sa langit at alalahanin ang nakabusangot ngunit gwapong mukha ni Raven

Hmm. In fairness, napakinabangan ko ng husto ang mukha ng lalaking 'yon ha?

Tuluyan na kasing nawalan ng saysay ang CD ng anime na binili niya. Sa halip, sa tuwing nabablanko siya, ang imahe ng lalaki ang nagpapabalik ng ideya sa isip niya. Yes, her recent novel was inspired by non other than Mister David Beckham minus the smile, Raven Luis Felizardo!

Napakibot lang siya nang maramdaman niyang may tumusok na kung ano sa nakabenda niyang kamay. "Aray naman!"

"Anyare dito 'te?" kastigo ni Yesha sa kanya. Nakabalik na pala ito.

"Wala. Simpleng injury lang 'to. Malayo sa bituka."

"It doesn't look simple to me. Napano ba kasi 'yan?"

"I met an accident last week. Pero huwag kang mag-alala. Okay lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Nakapagsulat pa nga ako ng isang nobela remember? I'm fine, really..." At kung hindi rin dahil sa injury na 'to hindi ko 'yon maisusulat. Napangiti na naman siya nang maalala ang taong sanhi ng injury niya sa kamay.

"Oy Roanne!" tawag muli nito.

"Ano ka ba naman Ayesha? Bakit ba lagi mo nalang akong iniistorbo sa pagpapantasya ko?"

"Kasi po. Tumutunog 'yang cellphone mo. Sagutin mo na 'yan at hindi maganda sa pandinig ko ang ringing tone mo. Pusong-bato talaga?!"

Natatawang kinuha nalang niya ang nag-iingay niyang cellphone mula sa kanyang bag. Napagtripan lang naman niyang gamitin iyon bilang ringing tone noong kasagsagan ng panunuyo ng kanyang utak. Sinipat niya ang LCD ng kanyang cellphone upang alamin kung sino ang tumatawag. Ngunit hindi naka-register ang number.

HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon