"DITO KA NALANG MAGPACHECK UP. Si Allain ang may-ari ng clinic na 'to. I just called him and he said, nandito raw siya." Narinig ni Roanne na sabi ni Raven habang nakatingin sa two-storey clinic na nasa kanilang harapan. Saglit lang silang bumiyahe kaya alam niyang nasa vicinity pa rin sila ng Olympus.
Tahimik siyang lumabas ng sasakyan at tila lutang na nag-lakad.
May fiancée na pala siya eh!
Distracted si Roanne sa impormasyong kanyang napag-alaman kaya di niya napansin ang nakausling bato sa brick pavement na nilalakaran niya. At dahil kanina pa tila walang lakas ang katawan niya, mabilis siyang nawala ng balanse at tumimbuwang.
Handa na sana siyang makipaghalikan sa matigas na daan ngunit sa malapad na dibdib ni Raven siya napasubsob.
"Ayos ka lang?" tanong ng lalaki.
Biglang naalerto ang senses ni Roanne. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa mga mata nitong nakatutok ngayon sa kanya? O di kaya sa paraan nito ng pagtatanong sa kanya? Or is it because of his masculine scent? O kaya nama'y dahil sa init na 'yon na bigla nalang nanulay sa buo niyang katawan habang naksandig siya sa dibdib nito?
Snap out of it Roanne! Ang dami mong alam!
"O-Oo... Ayos lang."
"Be careful. Hindi pa nga gumagaling 'yang kamay mo, madidisgrasya ka na naman."
"Sorry. Alam mo kasi, habulin talaga ako ng disgrasya—"
"Kung ganoon, kapag ako ang kasama mo, bawal kang madisgrasya."
"Thanks for reminding me."
"Actually, I am reminding myself."
"Huh?"
"Nevermind. Let's go!" Bigla nitong kinuha ang kamay niya at iginiya siya patungo sa loob ng clinic..
Naturalmente, nagulat si Roanne! Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod habang sakop ng mainit nitong kamay ang palad niya. Sa saglit nilang paglalakad ay namayani ang katahimikan. Ngunit ang puso niya, hayun at wala ng pagsidlan ang kaligayahan.
Stop it heart! Bawal kang kiligin!
"NANDITO KA LANG PALA..." Raven held his breath when Roanne turned to him.
She is quite a beauty. Pero hindi lang dahil sa kagandahan nito ang dahilan kung bakit natitigilan siya ng ganoon. It is her way of looking at him that makes him pause for a moment. It's kinda intimate in some subtle way, and surprisingly, he likes it.
Dahil doon ay nati-trigger ang urge niyang sundan ito at siguraduhing nasa maayos itong kalagayan. Matapos ang naging check up ni Roanne ay nagpumilit itong maunang lumabas. Naabutan niya itong tahimik na nakaupo sa isang bench malapit sa clinic.
Naupo siya sa espasyong nasa tabi nito para lang mapakunot-noo nang mapansin niyang umusod ito palayo sa kanya. Kanina pa niya napapansin ang ginagawang pag-iwas nito sa kanya.
"Sorry..."
Tumingin sa kanya ang dalaga. "Bakit ka nagso-sorry?"
Bakit nga ba? "I must have offended you earlier. Hindi ka naman ganyan 'nung nag-aasaran tayo sa sasakyan..."
"So inaamin mong inaasar mo nga ako, ganon?"
"I'm not kidding about the 'compliment' though..."
Sumimangot ito. "Kelan pa naging compliment ang masabihan ng 'annoying'?"
"Because you managed to caught my attention, it's annoying already."
She hesitated and gave him a mysterious look. Kung ano man ang pakahulugan nito sa sinabi niya ay bahala na ito. Kapwa sila natahimik at walang ibang nagawa kundi ang tingnan ang mukha ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)
RomansaRaven's life turned upside-down when he lost his beloved woman in a fatal car accident. Nagsimulang maglaho ang kulay sa buhay niya ultimo ang kulay sa pagkatao niya dahil sa pagkamatay ni Rhea. He just felt lost and trapped in complete longing. Han...