7.1 The Unwritten Rule

331 9 0
                                    

Author's Note: 

I'm baaaack! Juskolored! Na-overwhelm naman ako sa notifications... Salamat po at pasensya na sa delay upload. Ang dami kong inasikaso (hanggang ngayon inaasikaso) sa day job ko. Mawawalan na po kasi ako ng trabaho. Haha. Seryoso!  Anyway, here's the story update for the Grumpry Troll of Olympus. Please like and leave comment :) Enjoy!

________________________________________________________________________________

PARANG LUMAKLAK ng kape si Roanne dahil sa labis na niyerbryos. Ni hindi niya maitali ng maayos ang buhok niya kaya sa huli ay hinayaan nalang niyang nakalugay iyon. She brushed her sideswept bangs with her trembling fingers.

Nitong umaga ay kinondisyon niya na ang sarili kung paano dapat pakiharapan si Raven. Nagpasya na siyang sakyan nalang ang lahat ng mangyayari habang naroon siya sa poder ng lalaki. 'Go with the flow', ika nga.

No matter how complicated she is feeling towards him right now, she sould remain casual when talking and facing him. Nagtagumpay naman siya. Kundi lang nangyari ang eksena nila sa kusina kanina.

Di mo alam dahil sa'yo ako'y di makakain... Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin... kung ako'y muling iibig sana di maging katulad mo, tulad mo na may pusong batooooo——

Halos mapatalon si Roanne nang biglang umalingawngaw ang makapagbagbag-damdaming ringing tone niya. Napangiwi siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hi, Yesh. Napatawag ka?"

"Hi yourself! You know why I'm calling you, Romera Anne Barcelo!"

"I know. And I'm sorry kung hindi ako nakauwi kagabi."

"No, hindi ko matatanggap ang sorry mo! You have to tell me what happened. And you have to tell it now!"

Sinimulan niyang ipaliwanag dito ang lahat. Daig pa niya ang isang teenager na humihingi ng paumanhin sa magulang niya dahil sa nagawang kasalanan.

"At bakit mo naman pinatulan ang proposition niya?! Adik ka ba?"

"Akala mo ba pumayag agad ako? Syempre hindi 'no! Pero saan naman ako mag-i-stay kung sakali? Sa bahay mo? E nandyan ang asawa mo..."

"So?"

"Ang usapan, titira ako sa bahay mo habang wala ang asawa mo. Sabi mo next week pa siya uuwi?"

"Well, apparently hindi niya kayang mawala sa piling ko ng matagal."

"Exactly my point. I don't want to be your excess baggage. Isa pa, ayaw kong ma-stress ka sitwasyon ng kamay ko. I think it got worst than the last time you saw it."

"Bakit, ano namang ginawa mo?" may pagkondena sa tono nito.

"Pinagalitan na nga ako ni Raven, dadagdag ka pa. Aminado na nga akong clumsy ako. Just give me a break."

"So anong ibig mong sabihin, you prefer to stay under the roof of a complete stranger rather than your own friend's?"

Napaisip siya. Oo nga't 'stranger' si Raven. But he's not a 'complete' stranger for her. Matapos ang ipinakita nitong pag-aalala sa kanya, pakiramdam ni Roanne ay safe siya sa poder nito.

"He's harmless,Yesha..."

"Wala naman akong sinabing 'harmful' siya. But the thing is, he is a bachelor! You know what I mean? He's single!"

Well technically he is. But he's engaged. Pagtatama niya sa isip niya.

"He has a spare room here, Yesh. Kung nag-aalala ka sa 'pwedeng' mangyari sa aming dalawa, sinasabi ko na sayo, masyadong malaki ang bahay niya para magkaroon kami ng close-encounter..."

Sinungaling kang babae ka! Buska ng konsensya niya. Alam mong hindi yan ang nangyari kanina!

"So you're really gonna stay there, huh?"

"Ayaw niya akong paalisin eh..."

Bumuntong-hininga si Yesha. "Ang totoo, kagabi ko pa alam na nariyan ka. Raven went to our house to get your things and inform us that you'll be staying with him. That man! He's so insistent, wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag!"

"So, pumayag ka na rin pala."

"Like I have said, he's so insistent. Hay nako! Mukhang may bagong pagpiyestahan na naman ang mga kolokoy dito!"

"What are you talking about Yesha?"

"I'm referring to the men of Olympus. Meron kasing unwritten rule ang mga lalaking 'yon. If an Olympus bachelor lets a woman entered his house, that only means, she's the one he's gonna spent the rest of his life with—in it."

Tumaas ang kilay ni Roanne. "Tell me you're kidding."

"I'm not!"

"Sinong matinong tao ang papatol sa ganoong pauso?"

"Edi 'yung mga residenteng baliw sa pag-ibig. At kasama si Drei ko sa estadistikang iyon. Kaya hayan, asawa niya na ako ngayon! Hi-hi!" kinikilig na sabi ni Yesha.

"Kung ganon, hindi applicable kay Raven ang rule na 'yan..."

"Medyo diskumpiyado nga ako sa isang 'yon. Parang ipinaglihi sa sama ng loob. But who knows? Kahit gaano pa siya ka-grumpy, baka mapagtripan siya ni Kupido at patamaan siya ng palaso ng pag-ibig at mabaliw rin siya. Swerte mo! Ikaw ang nasa bahay niya!"

"I think, Cupid will make a pass on him Yesha. Hanggang sa makaalis ako."

"Bakit naman? Hindi ka ba kinikilig? Sabi mo, amore mo siya."

"Oo nga. Pero may iba na siyang amore."

"What?! May amore si Raven?! Hindi ko alam 'yan!"

"Now you know." And I should know better. Kahit gaano pa siya kiligin tungkol sa 'rule' na iyon, wala pa ring Raven-Roanne loveteam na mabubuo.

Napaigtad siya nang may biglang kumatok sa pinto. Kasunod noon ay ang baritonong boses ni Raven. "Hey, are you done yet?"

Binalikan niya si Yesha. "I have to go, Yesh. Tawag na ko ni Raven."

"Okay. Hey, Roanne. May sipon ka ba?"

"Wala. Bakit?"

"Parang basag ang boses mo..."

Napasinghot siya. Hindi siya sinisipon, pero kakatwang naluluha na naman siya.  

HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon