7.2 Jokes Are Half-Meant

758 17 13
                                    

I need to split chapter 7 in two to show the transition of Raven and Roanne's 'relationship'. Pero sa published copy, isang buo 'to.  Hehe! 

________________________________________________________________________________

"WELCOME HOME."

Hindi pa man naisasara ni Raven ang pinto ng kotse ay narinig na niya ang boses ni Roanne. Her hair dances on the soft afternoon breeze that sent the distinct smell of her shampoo into his nosetrils.

I am home, indeed.

"What are you doing there?" he asked her, trying to conceal his satisfaction of seeing her at the moment.

"Hinihintay kita."

"I told you, you don't need to wait for me."

But the truth is, he's been looking forward to see her. Sa loob ng apat na araw ay nasanay na siyang makita ito na nakatayo sa labas ng gate tuwing umuuwi siya mula sa trabaho.

"Sabi mo kasi pupunta tayo kay Doc Allain para ipa-check-up ang kamay ko. Dapat nga, kahapon pa eh..."

"Right. I forgot about it."

A wave of sadness quickly passed through her eyes bago ito biglang ngumiti. "Okay lang. I know you're a busy man. Naikwento sa akin ni Kate na kasalukuyan kang nakatutok sa merging ng kompanya niyo ng asawa niya."

"You know Kate?" takang tanong niya na ang tinutukoy ay ang esposa ni Ynigo.

"Yes, and not only Kate. Pati 'yung ibang asawa ng kapitbahay mo rito ay kilala ko na. Yesha introduced me to them. Kung ang America, may The Beverly Hills Housewives, dito sa Pinas, may The Olympus Valley Housewives! Pero infairness, very warm and friendly nila kumpara sa American version na puro kamalditahan ang alam. I like them!"

Pinagmasdan ni Raven si Roanne. Likas na rito ang pagiging sociable kaya hindi na siya nagtaka na hindi naging mahirap dito ang makipaghalubilo sa mga taong naninirahan sa lugar nila. Mabilis itong nakakapag-adjust sa mga taong nakikilala nito dahil sa galing ng interpersonal skills nito. Napatunayan niya iyon noong araw na kumain sila ng breakfast sa Asgard— ang coffee shop na pag-aari ni Ace, na minsa'y nagseserve ng mga 'special order' depende sa request ng costumer.

Marami-raming kapitbahay niya ang umusisa sa kanila at inasahan na niya ang gagawing pang-iintriga ng mga ito. He even thought that Roanne might get offended by some of his neighbor's stupid remarks. But to his surprise, the woman was able to face them without breaking a sweat. Magmula noon, panatag si Raven, na hindi magiging mahirap para kay Roanne na manatili sa lugar nila... kasama siya.

"You already made friends with them, huh?" He crossed his arms. "Hindi na ako magtataka kung naikwento na rin nila sayo pati mga love stories ng mga nakatira rito. Those women are very fond of doing that. Naging hobby na nila iyon."

"Actually, tama ka! And in fairness, ngayon palang, nangangati na akong magsulat na naman! Nakaka-inspire kasi ang mga lovestories na ikinuwento nila sa akin!"

"Hangga't hindi sinasabi ni Allain na magaling ka na, hindi mo pa pwedeng gamitin 'yan sa pagsusulat. Maliwanag?"

"Ang OA mo naman. Kala mo naman na-operahan ako at kailangan ng total-bed-rest."

Bakit nga ba masyado kang over-protective sa kanya? Kung umasta ka, kala mo naman, nobyo ka niya. Ganyang-ganyan ka rin kay Rhea! Pang-uusig sa kanya ng kanyang konsensya.

Rhea...

Walang araw na hindi niya naiisip ang kanyang nobya. For the past years, he's been dreadfully missing her. Subalit nitong nagdaang apat na araw, nakapagtatakang hindi ito sumagi sa utak niya. Probably because his mind is pre-occupied by thinking of Roanne. Yes. Nitong nagdaang apat na araw, puro nalang si Roanne ang laman ng isip niya. Kung ano na bang ginagawa nito? Kung napahamak na naman ba ito dahil sa pagiging clumsy nito? So on and so fort. And then, something clicked inside his head. As if isang padlock na biglang nasusian at bumukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon