3. The Cure for Writer's Block

595 7 1
                                    

KITANG-KITA NI ROANNE ang paghapit ng suot nitong inner polo sa magandang hubog ng mga braso at dibdib nito. Nang mapagtagumpayan nito ang paghuhubad sa suit ay 'yung necktie naman ang pinag-initan nito. Kasunod ang pagtanggal sa unang dalawang butones ng polo nito. Agad na lumantad sa paningin niya ang mamasa-masang dibdib nito at ang muscular collar bone nito.

Diyos miyo! Wow! Look at that!

Mayamaya'y napatingin si Raven sa kanya. "If you don't want that, just say so."

Sa sobrang intense ng panunood niya rito ay di niya namalayan na iyong hawak niya ang pinanggigilan niya! "Wala nang bawian!"

"Wala naman akong sinabing babawiin ko. Basta't ubusin mo 'yan. Maraming nagugutom ngayon sa mundo."

"Hindi ako nagugutom, pero para sayo, uubusin ko 'to!"

"Wala rin akong sinabing pilitin mong kainin 'yan kung hindi mo talaga gusto. Ibibili nalang kita ng bago sa madadaanan nating kainan mamaya."

"Naku! Wag na! Okay na 'to! Salamat."

Tinitigan siya ng lalaki as if tinatantya nito ang sinabi niya. Siya nama'y kiming ngumiti lang. Akalain mong ngingitian kita ngayon, e kanina lang asar na asar ako sayo!

"Bahala ka. We should get going. Come on, ihahatid na kita." TInalikuran na siya nito.

"Ah! Teka lang sandali!"

Maagap niyang pinigilan ito sa braso. Ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang makaramdama siya ng munting boltaheng biglang nanulay sa balat niyang humawak dito. They looked at each other with the same questioning look.

"N-Naramdaman mo?"

"Oo," sagot nito saka tumingin sa ibaba. "You stepped on my foot."

"Oops! Sorry..."

Aktong yuyuko siya upang punasan ang narumihan nitong sapatos nang pigilan siya nito sa braso.

"Don't bother."

She felt that electricity once again which stunned her for another couple of seconds!

Ano ba yun? 'Bat may ground? Isang munting ingay ang humigit sa huwisyo niya pagkuwan. Napansin nalang niya nang yumuko si Raven at iniabot sa kanya ang paper bag na nabitawan na pala niya!

"T-Thanks."

"Let's go."

Mabilis itong nakabalik sa tabi ng kotse nito upang buksan ang pinto ng passenger's seat. Bantulot siya sa pagsunod. Agad niyang nalanghap ang pabango nitong humahalo sa hanging nagmumula sa airconditoning unit ng sasakyan.

"Get in."

"Huwag mo na akong ihatid. Naabala na kitang masyado eh."

"So ngayon, inaamin mo na talagang ikaw ang may kasalanan. Without sarcasm."

"Well, you know I do. And I am truly sorry. Kung pababayaran mo yung naging damage ng kotse mo, ayos lang 'yon sa akin. Kaso, wala pa akong pera ngayon ––"

"I can take care of that."

"Okay. Thank you. At sorry talaga."

Lihim siyang nakahinga ng maluwag. Seriously, wala talaga siyang ipambabayad dito. Dahil doon ay unti-unti nang natutuklap ang masamang imaheng ikinabit niya para sa lalaki. He is a nice person! Hindi lang talaga halata!

"JUST GET INSIDE THE CAR, and you're forgiven," sabi ni Raven.

"Huh?"

"Kagagaling ko lang sa 12-hour plane travel and I am really feeling tired right now. Pero sa tingin mo ba, matapos nang nangyari ay hahayaan kitang umuwi mag-isa nang ganyan ang kondisyon mo? I will not let you."

HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon