A/N
Hi there!
It's me, Kabuteng Karu (kasi pasulpot-sulpot lang ako sa pag-uupdate). First of, let me say THANK YOU! 2.8K reads? Wow! last time I checked, this story only got 1K (more or less) reads. Salamat sa pagsubaybay niyo sa magulong pag-ibig ni Raven at Roanne. I am working on some revisions kaya MATAGAL ako makapag-update online. GOMENASAI. Pero huwag sana kayong magsawang maghintay at sumuporta. :) Your votes and comments keep me going.
Shoutout kay @twinkleball14 , @thefamous_itself, @RolandoRevolalll at change0451992... this chapter is for you. :)
-----
HINDI MAIPINTA ANG MUKHA NI RAVEN habang nakatapak sa silinyador. Mabuti nalang at malawak ang mga daanan sa Olympus kaya hindi siya nag-aalangan sa pagmamaneho ng mabilis. Sumama na ang timpla niya magmula nang makausap niya si Amber sa café nang makasalubong niya ito kanina.
"You're not allowed to bring woman in Olympus rather than your fiancée."
"What?"
"Roanne told me, you're already engaged. How dare you flirt with that poor girl?"
Nangunot ng husto ang noo niya. "Who's flirting with who?"
"You can deny it all you want, Mr. Felizardo. But I know a man 'flirting' when I see one. Tigilan mo na 'yan..." pormal na sabi ng babae.
"I don't think you have the right to tell what to do, Mrs. Ortega," pormal din na sabi niya. "Why don't you just mind your own business?"
Usually, nagpupulasan na ang sinomang taong hinihiritan niya ng ganoon. Ngunit hindi si Amber. Mas naging mas maangas pa ito, sa kabila ng height differences nilang dalawa.
"Oh! Haven't you heard? The people in Olympus is my 'business'. At ayaw kong masira ang magandang linya ng success lovestories na nangyari dito sa Olympus dahil sayo, kaya kung wala kang balak na iharap sa dambana ang babaeng 'yon, aba'y huwag mo siyang paasahin!"
" Anong dambana? Anong paasahin?"
Pagkuwan ay napatingin siya kay Roanne. Hindi siya kaagad nakapag-react nang makita niya kung paanong natalisod ito at bumagsak—dahilan upang itukod nito ang napinsala nitong kamay sa sahig!
Natahimik ang kabuuan ng Asgard nang biglang humiyaw si Roanne dahil sa sakit. Agad napatakbo si Raven upang daluhan ito. Then Attorney Adreano Tecson who just entered the coffee shop open the door widely for them.
"Hindi dito ang daan pauwi kila Yesha," wika pagkuwan ni Roanne na nagpabalik sa huwisyo ni Raven. Her voice is softer than the usual. Halatang iniinda nito ang sakit sa kamay nito.
"Hindi nga. I'm taking you to my house."
Mula sa pagakasandal nito sa sasakyan ay kaagad na napabalikwas ang babae at napatingin sa kanya. "To your house? Bakit 'don?"
"I'm going to tend on your injury, that's why."
"Edi kay Allain mo ako dalhin. Bakit sa bahay mo?"
"Wala si Allain, may emergency sa ospital," sabi niya kahit hindi naman totoo.
Ni hindi niya rin alam kung totoong wala si Allain sa Olympus ngayon. Basta't wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi asikasuhin ang babae sa lalong madaling panahon.
"Edi iuwi mo nalang ako kila Yesha. She knows what to do."
"She's pregnant. Gusto mo bang ma-stress siya kapag nakita niya ang lagay mo?"
BINABASA MO ANG
HEART OF RAVEN (Soon to be published by PHR)
RomanceRaven's life turned upside-down when he lost his beloved woman in a fatal car accident. Nagsimulang maglaho ang kulay sa buhay niya ultimo ang kulay sa pagkatao niya dahil sa pagkamatay ni Rhea. He just felt lost and trapped in complete longing. Han...