Chapter Eighteen: Pochoochoo
Airyn's Poin of View
Wala ako sa sarili ko. Pakiramdam ko naubos na ang lakas ko para bumangon sa araw na ito. Anyways, sabado naman ngayon at isang subject lang ang class ko sa araw na ito kaya liliban muna ako.
"Good morning, nasa Pinas na ako. Miss na miss na kita. Gusto ko lang din ipaalam sa iyo na gusto kang makita ni Pochoochoo."
Umahon ako nang mabasa ko ang message niya. Grabe rin siya makapag-surprise, nakakawala ng sakit sa katawan.
Dahil sa tuwa ay agad kong inayos ang aking higaan. Inspired lang ang lola niyo dahil dumating na ang protector niya. Anyways, Pochoochoo? Sino naman iyon?
"I miss you too jerk! Bakit wala ka man lang pasabi na uuwi ka ngayon? Nakakainis ka talagang lalaki ka! And who's Pochoochoo?"
Message sent!
Nagbeep ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan.
"Si Pochoochoo nga! Grabe ka, why you don't know Pochoochoo? Hay naku! Kung ako sa iyo magbe-beauty rest ako at dahil mamayang 5:00 of afternoon ay magkikita na kayo ni Pochoochoo! Bye!"
Napailing nalang ako nang matapos kong basahin ang message niya. Kainis na lalaki ito! Kung malaman ko lang na pinagtitripan niya ako sa Pochoochoo na sinasabi niya. Humanda talaga siya sa akin!
Nawala na ang kinang sa mga mata ko. Nangingitim na ang ilalim ng mga ito dahil sa stress na dinulot ng mga pangyayari. Buti nalang at nagparamdam ang mokong na iyon, kahit papaano ay bumalik ang sigla ko ng kaunti.
Bumaba ako at nakita si Mom na nakaupo sa sala, malungkot ito at bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala kaya't agad ko siyang nilapitan. Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit.
"What's with the long face Mom?" I asked her.
Pilit siyang ngumiti habang niyakap ang aking mga bisig na nakapulupot sa kaniyang leeg.
"Anak, bakit ganoon, tingin ng mga tao ako ang mang-aagaw, ako ang ahas at ako ang masamang babae? They don't know, before Celeste, I was already there. Before Celeste, may Aira na sa buhay ng Dad mo. Before that woman, ako na ang minahal. Ako ang nauna, pinakasalan lang siya kasi sabi niya noon may sakit siya. But then, she was fine. Your Dad left her after knowing na ginagamit niya lang ang peke niyang sakit to ruin my relationship with your Dad. Anak, iyon ang totoo kaso walang naniniwala sa akin. Kase masama ako sa mga mata nila. Para sa kanila, I am nothing but a gold digger." Mom said.
Naawa ako sa nanay ko dahil sa kuwento niya.
"That's not the reason why I felt this way, I am worried for you. What if, mawala na kami ng Dad mo sa mundong ito? Paano mo kaya ihahandle lahat ng mga ito? I'm so sorry Airyn, I am so sorry for letting my own ghost hunt you. Sorry." tears fall down her face.
I kissed her cheek. Teary eyed na ako kaso pilit kong pinigilan.
"Someone's believing you. Nandito ako Mom, I believe in you. Kung para sa kanila ikaw ang pinakamasamang babae, then, para sa amin ni Dad, ikaw ang pinakamabait, mapagmahal at diyosang babae sa buhay namin." I said to lift her confidence.
Ngumiti siya ng malapad. Ngayon nakikita ko na sa ngiti ni Mom na totoo na ito. At kahit papaano ay na boost ko ang kompiyansa niya sa sarili.
Hindi ko lang alam sa ibang anak. Pero para sa akin, ang nanay ko ang pinakamagandang babae sa mundo.
"Binola mo naman ako." she smiled again.
Nasa loob ako ng isang mall ngayon malapit sa bahay namin. Hindi ko kasi alam kung ano ang isusuot ko mamaya kapag magkikita na kami ni Dylan at ng Pochoochoo na sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Matched With The Jerk
RomanceHe's a jerk. She's broken. She danced. He was captured. And everything started to fall on it's own place.